"Huwag kang magpapaluko sa kanya.” Ani Jonathan. “Ako ang tumulong sa iyo sa akin ka dapat makinig. Tandaan mong utang mo ang pangalawang buhay mo sa akin.” Wika ni Jonathan at nanlisik ang mata. Ito ang unang beses na natakot si Anica sa lalaki. Nakakatakot ang mga mata nito. Para bang sinasabi nito na hindi siya makakaalis sa lugar na iyon. “Hindi ko alam kung bakit mo pinipigilan ang asawa ko na lumapit sa akin. Pero hindi ko nagugustuhan ang kilos mo.” Ani Andrew kay Jonathan. “I am trying to control my anger dahil nasa harap tayo nang asawa ko. At ayokong Makita siyang nahihirapan. I will not force her to remember me.” Ani Andrew saka bumaling kay Aya. “Your mind, might forget about me. But your heart will not. We share the same feelings. Besides, my life already belongs to you. I

