Naisip ni Anica na puntahan si Lea sa bahay nila dahil nag-aalala siyang hindi nakinig sa kanya si Lea at baka hanapin pa rin nito ang lalaki. Hindi naman sa wala siyang tiwala kay Lea kaya lang nag-aalala pa rin siya. Nag-aalala din siya na baka si Lea naman ang puntahan nang lalaki. O baka, balikan nito ang mag-ina ngayong nakalabas na ito sa kulungan. Nang dumating si Anica sa lugar nina Lea. Narinig niya ang isang Ali na kausap ang ginang sa isang tindahan na sinabing noon nakaraang gabi narinig nila ang malalakas na kalabog sa loob nang bahay ni na Lea. Hating gabi na daw noon, ngunit dahil sa sanay naman silang maingay ang bahay na iyon hindi na nila binigyang pinansin. Narinig niyang inaabutan pa minsan nang umaga ang ingay sa loob nang bahay lalo na kapag lasing si Roman at nag-a

