Ilang beses ko bang sasabihin saiyo wala akong sasabihin saiyo tungkol sa kaso. Matagal nang sarado ang kasong iyon. Nakakulong na siya. Hayaan niyo nang mabuhay nang normal ang anak ko.” Wika nang ginang na tumayo mula sa kinuupuan. Nang magpunta si Anica at Andrew sa bahay nito naabutan nila ang ginang na naglalaba sa labas nang bahay. “Ma’am, kailangan ko lang pong makita si Lea. She might be doing something she will regret later.” Habol ni Anica sa babae. Nang dumating sila ipinaliwanag ni Anica na kailangan nilang makita si Lea dahil may hinala siyang baka may gawin ito gayong napaaga ang labas sa kulungan nang dating asawa nang ina niya. “Bakit kailangan mong guluhin ang anak ko. Umalis kana wala kang mapapala sa ‘kin wala akong sasabihin saiyo.” Wika nang ginang na pumasok sa bah

