Malamig na hangin ang sumalubong sa akin pag dating ko rito sa terrace ng unit namin nila Brent. Yakap-yakap ko ang sarili ng umihip na naman ng malamig na hangin. Gusto ko lang mapagisa talaga ngayon kasi alam ko sa sarili ko kahit hindi ko aminin ay nasasaktan ako at nagkukunwaring okay lang ang lahat sa akin pagkatapos ng mga nangyari sa amin ni Kai buti na nga lang ay naagapan kung hindi mas lalong masakit sa akin.
Nakatingala lang ako, nakatingin sa mga bituin. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti sa ganda ng kalawakan ngayon. I could stay here all night long while looking at the stars and it really makes me calm.
Bigla naman akong napalingon ng may naramdaman akong nakatayo sa tabi ko, I saw that it was Kai Apollo. I wanted to go inside because he's here and I don't know what to feel. Iiwas na sana ako sa kanya at tatalikod, handa ng umalis ng pigilan niya ako sa pamamagitan ng pagkapit niya sa braso ko.
Dahan-dahan naman niyang tinggal iyon at ngumit sa akin. "Don't go. Stay." Sabi niya sa akin kaya wala na lang akong nagawa kung hindi manatili roon sa pwesto ko. "Here," napatingin ako sa kanya agad at inabutan niya ako nang kape. I looked at the coffee.
"Thanks." Tipid kong sagot sa kanya. Hinayaan ko lang na sakupin kami ng katahimikan dahil wala rin naman akong masabi sa kanya.
"Baby," rinig kong sambit niya, but I didn't bother myself to look at him. "I'm sorry, please hear me out first." he continued. Hindi ko alam kung anong gagawin ko or sasabihin ko. Hahayaan ko lang ba siyang magsalita or umalis na lang ako rito?
I wanted to talk to him also, but I'm too scared to know his reasons. I know I sounded so cowardly, but I think I must hear him out first. Kung ano man ang kalabasan ngayon nito ay buong puso kong tatanggapin.
"I was shocked that night when you asked what are you to me," he started, nilingon ko siya at nakita ko siyang nakatingin sa akin pero nag iwas ako agad nang tingin. Narinig ko naman siyang nagbuntong hininga. "I can't sort my feelings that night so fast. I needed to be sure of my feelings towards you. Kaya hindi talaga kita masasagot noong gabing iyon. Please believe me."
"Gusto ko rin talagang makasigurado para alam ko ba kung masasaktan lang kita sa huli. I don't want to hurt you, Christine. That's the last thing I would do. I miss you, baby. Hindi ko na yata kayang dagdagan ang 2 araw na pag iwas mo sa akin. I miss seeing you smile and laugh."
Hindi ko pa rin siya tinitignan. I'm still waiting for him to say those words. I'm still waiting for him to say that he likes or loves me. Alin mandoon iyon lang naman ang gusto kong marinig sa kanya pero parang wala yata siyang planong sabihin ang mga katagang iyon.
Sumimsim ako sa kape ko at bahagyang napangiti dahil namiss ko ang timpla ng kape niya para sa akin. Siya talaga iyong taong nakuha ang tamang timpla na gusto ko sa kape.
I looked at him.
"Kai, you don't need to reason out, though. I'm good. I just want to think pero alam ko naman na kaibigan lang ang tingin mo sa akin o kaya naman ay kapatid." Sabi ko sa kanya habang ngumiti sa kanya ng bahagya.
Napaangat ang tingin ko ulit sa kanya ng bigla ko siyang narinig na tumawa. Tinignan ko siya ng may halong pagtataka kasi wala namang nakakatawa sa sinabi ko. He patted my head.
"You're so cute, baby," he chuckled and held my hand. Nagulat naman ako sa ginawa niya pero hindi ko na nabawi ang kamay ko. "Brent and I talked this morning," simula niya at hinayaan ko lang siya magpatuloy sa sasabihin niya. "He asked me about you. Tinanong niya ako kung paano isang araw makita na lang kitang hawak ng iba. Nabigla ako sa tanong niya sa akin to be honest."
"Napaisip talaga ako bigla kanina. Ayokong makita kang may kasama kang iba, baka makasapak ako pag nagkataon." He chuckled. Gulat ko siyang tinignan, hindi ako makapagsalita. Hindi ko makuha kung ano ang gusto kong sabihin sa kanya. Pinili ko na lang manahimik at hinintay pa ang mga susunod niyang sabihin.
"I am happy with what we have, Christine," he started while caressing my hand. "I know you want to think I'll give you time. I'm sorry again, Christine." he continued, then kissed my forehead before he turned his back at me.
"H'wag ka na masyadong magtagal dito malamig masyado."
Nang tuluyan na siyang makapasok sa bahay ay napahinga ako nang malalim. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, magiging masaya ba ako o malulungkot kasi hindi niya pa rin na sabi ang mga gusto kong marinig mula sa kanya?
Hindi ko alam kung anong oras na ba ako nakatulog kagabi dahil sa sobrang kakaisip, hindi ko rin naman alam kung paano ko pakikitunguhan si Kai pagkatapos kong marinig lahat ang mga iyon. I just sighed and opened the door. I badly need to relax and have some coffee. I deserve a good coffee though.
Habang papunta ako sa kitchen ay nakita ko na nanonood si Kai at Brent ng kung ano sa salas. Kai looked at me then smiled. Brent, on the other hand, greeted me with his dimples. Tss. Pacute pero hindi pa rin kami bati.
Hindi na lang ako umimik at nag dali-daling kumilos patungo sa kitchen. Magtitimpla na sana ako nang may makita akong nakahandang pagkain sa lamesa at parang bagong timplang kape roon. Tinignan ko naman ang mga iyon at nakita kong may tapa, hotdog, garlic rice, eggs, and spam. Napalunok ako dahil sobra talaga akong natakam sa mga nakita ko lalo na at sobrang bango ng garlic rice.
Paalis na sana ako sa lamesa dahil magtitimpla na sana ako nang kape ng biglang mahagip ng mga mata ko ang isang pirasong papel. I read the letter and my face heated up when I saw what's on the paper.
It was Kai's handwriting.
Hi Baby,
Good morning! Have a great day ahead. Don't forget to have your coffee and put a smile on your pretty face.
-Your Kai Apollo
"Hi," napatingin naman agad ako sa pintuan ng kitchen and I saw Kai Apollo. "I cooked your favorites." Sabi pa niya at parang proud na proud pa siya habang nakatingin sa akin.
"Ano 'to?" tanong ko sa kanya at ikinatawa naman niya. Bigla naman siyang lumapit sa akin at ngumiti.
"This is me, courting you, Christine. Do I need to say more?"