3rd
Malakas na musika ang gumising kay Tin sa mahimbing na tulog niya. Onti-onting minulat ang mata na may tumatamang liwanag na nagmumula sa kanyang bintana sa kwarto. Kunot-noo siyang tumayo sa pagkakahiga niya dahil sa biglaang pagkagising niya.
Pinuntahan niya muna ang bintana sa kwarto at hinarang ang makapal na kurtina upang dumilim ulit sa silid niya. Pumasok muna siya sa kanyang bathroom at nagsimulang mag ayos ng sarili. Naghilamos at nag-toothbrush muna ang dalaga sabay ligpit ng pinaghigaan.
Napailing na lang siya dahil hanggang ngayon ay napakalakas pa rin musika ang naririnig niya na nang gagaling sa living room ng unit nila. Saglit siyang huminga bago buksan ang pintuan ng kwarto niya.
Tuloy-tuloy lang siyang naglalakad papunta sa living room para icheck kung sino ang may pakana ng napakalas na tunog na iyon.
Tin
I frowned when I saw Brent laughing while talking to Kai Apollo. I badly want to throw something on them right now. I just stood up there and went to the kitchen to make some coffee. And, I want to eat something because my stomach hurts a little bit. Nakalimutan ko rin kasing kainin iyong binili kong pagkain kagabi dahil sa kagustuhan kong magpahinga na lang.
I was about to make a coffee when someone entered the kitchen. I refrained myself to turned around and check the person who just entered. Walang imik akong nagtitimpla nang kape at hindi ko pa rin nililingon kung sino ba ang pumasok sa kitchen kahit ramdaman kong malapit lang siya sa akin.
"Excuse me," walang pakundangang binangga ang balikat ko nang kung sino mang hayop na lalaking 'to. I gritted my teeth and looked at him annoyingly, but this fucker knows how to annoy me more as he smiled at me sweetly.
"Good morning, Tin!" Bati niya pa sa akin habang ngiting-ngiti. Irap lang isinagot ko sa kanya. Namumuro na talaga itong lalaking 'to sa akin.
"Anong maganda sa umaga kung ikaw ang una kong makikita ha?" pabalang kong tanong sa kanya. He just chuckled and slowly got a glass of water.
"Sorry naman akala ko okay na iyong ganitong kagwapong mukha ang sasalabong sa'yo," umpisa niyang sabihin sa akin at nag uumpisa na rin lalong uminit ang ulo ko. "Ah. Alam ko na. Kai!" sunod niyang sabi at biglang tinawag niya si Kai kaya naman nanlaki ang mga mata ko habang nagtitimpla nang kape.
"Go to f*****g hell, Brent Sage," I said to him then walked myself out in the kitchen. Pero bago ako makalabas sa kitchen ay siyang pasok ni Kai rito. I mentally rolled my eyes.
What a great to start a day, huh?
"My best friend wants to see your handsome face, my dear cousin." Nanlaki na talaga ang mata ko nang marinig ko iyon kay Brent. "Ayaw niya sa gwapo kong mukha eh." tuloy niya pang sabi habang natatawa-tawa na nakatingin saming dalawa ni Kai.
Hindi ko sinasadyang mapatingin kay Kai at nakita kong may mumunting ngiti na naglalaro sa kanyang mga labi. Inis akong bumaling kay Brent at inikutan siya nang mga mata. Gustong-gusto kong ibuhos sa kanya itong bagong gawa kong kape. Nakakainis silang dalawang magpinsan, nakakaasar!
"Shut the f**k up," gigil na gigil ko sabi sa kanya at tuluyan ng umalis sa kitchen pero hindi pa rin siya tumitigil ng pang aasar sa akin dahil sinundan niya pa rin ako sa coffee table at umupo sa harap ko, lalo lang akong nainis ng makita na kasunod din niya si Kai at walanghiyang umupo rin sa isa sa mga upuan dito. Akmang tatayo ako nang biglang nagsalita si Brent.
"Dito ka muna kwentuhan tayo." Natatawa niyang sabi sa akin at narinig ko naman natawa si Kai sa sinabi niya. Napatingin ako kay Kai dahil doon kaya naman bigla siyang tumikhim pero kitang-kita ko pa rin ang pag pipigil niya ng tawa.
Hindi ko pinansin ang sinabi ni Brent at dali-daling umalis para pumunta sa kwarto ko, pero bago iyon ay narinig ko pa siyang nagsalita.
"Bati na raw kayo ni Kai Apollo. Kausapin mo naman daw siya!"
I haven't noticed that I already fell asleep. Chineck ko ang bedside table ko at nakita kong it's already 6:30 P.M. na. Hindi ko manlang namalayan ang oras dahil napahimbing talaga ang tulog ko at talagang pakiramdam ko ay sobrang pagod na pagod ako.
Palabas na sana ako nang biglang may kumatok. I just sighed, wala talagang tigil si Brent sa pang iinis sa akin ha? I immediately opened the door and I was shocked when I saw Kai standing in front of my door as he shyly smiled at me. "Kain na." sabi niya pero hindi pa rin siya umaalis sa harapan ko.
"Can we talk now? Hindi ka na pagod alam ko," sabi niya pa sa akin, kaya naman napatingin ako sa kanya.
"Gutom ako." Sabi ko na lang sa kanya at tuluyan ko siyang nilampasan.
Dumating ako sa kitchen doon ko nakita si Brent na nag aayos ng lamesa at kakainan. Nakakainis dahil kailangan ko pang makasabay 'tong dalawang ito kahit ano pang gawin ko ang liit-liit ng mundong pinag gagalawan naming tatlo.
Bigla naman lumingon sa akin si Brent ang ngumisi. I just scoffed at him and rolled my eyes. Narinig ko naman siyang tumawa dahil doon.
"Anong ginawa mo sa loob ng kwarto mo at ngayon ka lang lumabas?" Tanong niya sa akin habang nakuha ng pagkain, hindi ko siya sinagot at sinimangutan ko lang siya.
"Shut your mouth."
"Bati na kasi tayo."
Umirap lang ako sa kanya nung narining ko iyon. Bahala siya diyan magtiis muna siya dahil badtrip pa rin ako sa kanya. Gustong-gusto ko nang bilisan iyong pagkain ko dahil dumating na rin siya dito sa kitchen. Pero hindi ko naman magagawa iyon dahil may respeto pa rin naman ako sa kanila at sa pagkain. I need to wait them to finish their food.
"Here," nagulat ako ng maglagay si Kai ng pagkain sa plato ko. I looked at him and he smiled at me slyly. I just looked at the shrimp he put on my plate. I'm having a second thought if I'm going to eat it or not. He also put the vinegar on my side so I could dip the shrimp.
I just sighed while looking at the shrimp on my plate. Dahan-dahan kong kinuha ito at kinain. But it doesn't mean we're okay now, okay? Hindi naman nakalagpas sa paningin ko ang pag ngiti ni Kai nang makain ko ang nilagay niyang hipon sa pinggan ko.
"Dami pa arte kakainin din pala." Natatawang sambit ni Brent kaya naman sabay kaming napatingin sa kanya ni Kai.
"Shut up."
"Shut up, bro!
Sabay na usal namin ni Kai kay Brent kaya lalo siyang tumawa at tumingin sa akin.
"Pakipot ka pa ha." He said and laughed at me as he wiggles his eyebrows and chews his food in his mouth. And, I hope he could choke right now because I felt my face heat up when he said that.