"Miss. Claudia... Miss. Claudia?" ang tapik ni Carol, ginigising niya ang kanyang amo na mahigit 12 hours ng natutulog. Unti unti namang idinilat ni Claudia ang kanyang mga mata. Blurred ang paningin nito noong una hanggang sa makita niya ang mukha ni Carol. "Carol?" "I am so glad na gising ka na Madam," maaliwalas ang ngiti ni Carol ng makita niyang iminulat na ng kanyang amo ang mga mata nito. Napatayo kaagad si Claudia kahit na mayroon pa itong nararamdamang hilo. "Sorry, anong nangyari?" tanong niya ng may pagtataka. "Ang sabi ni Dante, muntikan ka nang pagsamantahan ni David sa bar. Nahilo ka raw hanggang sa mawalan ka ng malay. Tapos dadalhin ka na sana niya sa kung saan pero umawat si Dante." "Dante?" napaisip si Claudia at ang huli nitong naalala ay kasama niya sa loob ng

