"Pero Claudia... hindi ko na kayang makita kang nahihirapan pa." Dumating si Carol at ang ibang mga bodyguards ni Claudia. "Manang we can talk things out so please, isuko mo sa akin ang baril. While I admit na nakakatakot ito, pero I chose to be on this situation." Lumapit na ang mga bodyguards ni Claudia at sila na mismo ang kumuha ng baril na hawak niya. Isinuko naman ni Elmira ng maayos ang kanyang baril kaya napangiti si Claudia. "Ikamamatay ko kung mapapahamak ka Claudia. At kung sakali mang may mang ginawang sobrang sama ang pamilya Buenavista sayo, ako na muli ang maglalabas ng totoong ugali ko at isasama ko ang buong angkan nila sa impyerno," ang naging matapang na pahayag ni Elmira na halos namumutla na sa galit. Napakayakap naman si Claudia kay Elmira upang i comfort ang

