"Mukhang napagod ka yata sa ginawa natin Miss Claudia. Sorry na," pagpapaumanhin pa ng binata. Samantala, tila ay may ibang kahulugan na ang mga tingin ni Claudia sa kanya. "Ano ka ba? Walang wala yung pagod ko kasi ikaw ang kasama ko," sabi pa ni Claudia na bigla na lamang bumilis ang t***k ng puso. Nag magtagpo ang tingin nilang dalawa, tila ay naglaho ang lahat ng nasa paligid. Lalong lalo na si Claudia na parang unti unti nang nahuhulog para sa binata. "Ba-bakit po Miss Claudia," pagtataka ng binata dahil sa mapang akit na titig ni Claudia sa kanya. "Dont mind me Dante. I just realizes how handsome you are. Lalo na rin siguro kapag gumaling na ang mga sugat mo sa katawan." Namula naman si Dante sa sinabi ni Claudia sa kanya at parang na blangko ang binata ng ilang sandali.

