Halos nag uumapaw ang saya sa katawan ni Claudia dahil sa wakas ay makakasama na rin niya sa wakas si Dante na inilayo niya sa kapahamakan. Sa katunayan, magkatabi pa nga sila sa sa upuan ng mamahaling sasakyan niya. "Maraming maraming salamat sayo Miss Claudia. Mabuti na lang talaga at dumating ka sa buhay ko. Ikaw lang talaga ang nagparanas ng ganito sa akin. Sobrang thankful lang ako." Kitang kita sa mukha ni Dante ang labis na kasiyahan kaya naman napangiti na rin si Claudia. "Wala iyon Dante. Sadyang magaan lang din talaga ang loob ko sayo. The fact of the matter is, iisa lang naman tayong dalawa ng kaaway. So I don't really mind kung magkasama tayong dalawa." "Ganun?" bigla na lamang napayuko ang nahihiyang binata, "Pero natatakot na rin ako sa mga sandaling ito." "At bakit na

