"Mom! I am doing just fine, malayo naman ito sa bituka!" sambit pa ng binata, pinilit niyang ngitian si Claudia kahit na namamaga pa ang mukha nito. Ngumiti naman si Claudia sa kanya. Lumapit ang binata at lumuhod ito sa harapan ng dalaga. "I am sorry for what I did last night. Alam kong matindi ang kasalanan ko sayo. Pwede mo akong suntikin, sampalin, sigawan. Magalit ka sa akin, lahat ay tatanggapin ko lahat mapatawad mo lang ako." "That's fine! It was just nothing for me. And I really appreciate your sincerity, sa buong buhay ko, alam kong maraming nagkaka gusto sa akin pero wala pang ni isang naglakas loob para aminin ang totoo except for you. However, I cannot say that I share the same feeling. At tsaka committed ka pa kay Andrea. I don't want to tarnish my reputation just becaus

