Halos mabigla naman si David sa lumabas sa kanyang bibig. Mayroon pang bakas ng pag sisisi sa kanyang mga mata matapos nitong sabihin sa unang pagkakataon na mayroon siyang nararamdaman para kay Claudia. "Wow! Naks naman, bihira akong maka encounter ng lalaking pogi na umamin sa totoo niyang nararamdaman. Bukod tangi kang lalaki ka so I salute you," pag pupuri pa ng babae sa kanya. "Ganun ba? Alam mo never naman akong tinatamaan ng ganito sa isang babae. Pero Miss Claudia, sobrang lakas talaga ng tama ko sa kanya. Parang bukod tangi siya sa lahat ng babaeng nakita ko." "Really?" "Oo, halos hindi ko nga alam kung paano ko lalabanan ang ganitong klase ng nararamdaman ko para sa kanya eh. Sa tuwing makikita ko siya, parang nai imagine ko na siya ang magiging future wife ko." Natagpuan

