"Basta David, matutuwa ka sa surprise namin," nasasabik na sabi pa ni Emilia. "And by the way, stay safe sa driving ha? I know you have been so stress sa mga nangyayari lalo na sa pressure sa inyong dalawa ni Andrea. But I know kayang kaya ninyo yang malag pasan. Lalo na't matatag na ang relasyon ninyo kung tutuusin." "Ma..." hindi alam ni David kung ano ang idudugtong niya sa kanyang sinabi dahil sa alam nito na iba na talaga ang tinitibok ng kanyang puso. Si Claudia na ang kanyang babaeng gustong makasama at hindi si Andrea. "So far masasabi ko na ayos naman kami. Pero ma, sana naman ay kausapin mo rin siya kapag may time dahil wala rin siya sa lugar kung mag tantrum. Napaka immatured niya," prangkang sabi pa ng binata. "Dati, maayos pa naman siyang girlfriend pero nagbago na lang a

