Kinabukasan ng maaga, isang katok ang nagpagising kay Claudia. Tumayo ito at tsaka naglakad papunta sa pinto. Nang buksan niya ito, bumungad si Carol sa harapan niya. "It's 7:30 in the morning. You know that I come out 8 am in the morning." "Miss I know, pero mayroon kang importanteng bisita at nasa baba siya." Kumunot ang noo ni Claudia. "And who is that person?" tanong pa nito. Napangiti lang si Carol, "It's Dante, he wanted to see you at sinabi niyang na miss ka niya. And he wants to give you something." Nawala ang antok ni Claudia ng marinig nito ang pangalan ni Dante dahil magaan ang loob niya rito. "Give me five minutes," nakangiting sabi pa ng kinikilig na dalaga. Muli niyang sinara ang kanyang pinto. Mabilis itong naghilamos at nagsipilyo ng ngipin. Pinaliguan niya rin a

