Nakarating sila sa isang lugar kung saan maraming puno at mayroong duyan. "Paboritong paborito ko dami mag duyan lalo na noong buhay pa ang totoong parents ko. Magkasama nga nila akong tinutulak noon. It was such a nice thing na nagkaroon kami ng maraming bondings. Anyway, care to join me?" "Sige!" mabilis na sagot naman ng binata. Nauna pa itong bumaba at tsaka nito hinawakan ang kamay ng dalaga upang tulungan ito sa pagbaba. "Thank you, mas gentleman ka pa kay David na magaling lang magpa impress sa akin pero in reality, sobrang sama naman ng ugali." "Wala 'yun! Kahit naman ako, hindi ko gusto ang pagiging plastic niya. Manang mana siya kay Ma'am Emilia. Naupo sila ng magkatabi sa siso. Ang sweet ng mga ngiti ni Claudia na abot langit dahil kay Dante. Nang magtama ang paningin nilan

