CHAPTER 01: NEW FACE

1634 Words
Kahit kailan talaga hassle ang unang araw ng pasukan ng klase, pero heto, naglalakad na ako papunta sa school. Lakad-pagong na, maya’t-maya pa ay humihikab ako. Maaga pa naman masyado kaya ‘di naman ako nag-aalala na baka ma-late ako. “Hoy, Paulo!” biglang sabi sa ‘kin ng kung sino. Lumingon ako at nakita ko si Lyan. Kaibigan, pinsan, at kaklase ko pa. “Umagang-umaga bugnutin ka na agad,” sabi niya na sumabay na sa ‘king maglakad. “Nakakatamad pa,” sabi ko sabay hikab na naman. Lyan just rolled her eyes. “Kailan mo naman ba nalaman ang definition ng salitang ‘masipag?’” she asked sarcastically. ‘Di na ako nagsalita pa hanggang sa makarating na kami sa school namin. Graduating na ako ngayon sa high school. Isa pang rason kung bakit tinatamad akong pumasok ay dahil sa parehong mga pagmumukha lang naman ng mga dati ko pang classmates ang bubungad sa ‘kin. “Bye. Nakita ko na sina Hya at Cheska,” paalam sa ‘kin bigla ni Lyan pagkapasok namin sa gate. I checked my wristwatch. Quarter to eight pa lang pala. Dumaan muna ako sa canteen para bumili ng makakain bago ako pumunta sa classroom. “Paulo, hoy!” biglang tawag sa ‘kin ng isang boses. Paglingon ko ay nakita ko sina Jash at Brence, mga close ko rin sa room namin. “Oh kumusta?” sabi ko pagkatapos kong mabigyan ng tig-isang suntok ‘yung dalawa. “Okay lang. Kumusta ang bakasyon?” tanong sa ‘kin ni Jash. “Sa bahay lang naman ako,” sabi ko sabay upo sa tabi nila. Bigla akong kinalabit ni Brence. “Hey, have you heard of the news?” bulong niya sa ‘kin. “What?” tanong ko naman. “We have a new classmate,” sabi ni Brence. I raised my eyebrows. “And?” “Wala lang. Halos kalat na nga ‘yun sa buong klase natin. I thought you’d be interested about it,” sagot niya. “I hope it’s a girl. Sawang-sawa na ko sa pagmumukha ng mga kaklase nating babae,” sagot ni Jash. “A boy wouldn’t hurt, though. Lalo kung matalino. Para naman may pantapat na tayo kay Nikki. Parati na lang tayo talo kapag boys vs. girls ang sitwasyon,” sabi naman ni Brence. “Isang libreng meryenda kapag babae,” sabi ni Jash. “Game. Meryenda din sa ‘kin kapag lalaki,” sagot naman ni Brence. Napatawa na lang ako kaya tumitig sa ‘kin ‘yung dalawa. “’Kaw, ano’ng pusta mo?” baling sa ‘kin ng dalawa. “Hintayin na lang natin kung sino. Tutal ay five minutes to eight na lang naman kaya pumunta na tayo sa school,” sabi ko sa kanila. Puno na rin ang room pagkapasok namin. Kagaya nga ng inasahan ko ay mga parehong pagmumukha lang naman ang sumalubong sa ‘min. Binati rin kami lahat ng classmates namin pagkapasok namin sa room. Pagkatapos ng ilang minuto ay nag-ring na rin ang school bell. Biglang nagsalita si Jash sa kanang table. “And now—“ “—we shall see,” pagtatapos naman ni Brence sa kaliwa ko. Hindi nga nagtagal ay pumasok na sa loob ang teacher namin. Halos lahat kami ay nakatitig na sa pinto kaya nakalimutan naming batiin ang teacher namin. “Good morning, class. I’m Ms. Fatima C. Abainza. I will be your teacher in Physics and class adviser at the same time. Before we start with the orientation, let me first introduce to you your new classmate. Please come in,” baling ng teacher namin sa pinto. Una kong nakita ay ang uniform namin na dark blue coat at red tie, black shoes, at slacks. Then my eyes travelled to the face of the newcomer. Medyo wavy na may kahabaan nang buhok na nakatakip na sa noo at kaunting parte ng mga mata niya. May eyeglasses na halos umabot na sa pisngi niyang namumula. Maputi at napaka-kinis na balat. Manipis at namumula rin ang labi niya na mukhang kanina pa niya kinakagat. He walked slowly towards the front of the class. “Ha! Told you. It’s a boy!” biglang sabi ni Brence kay Jash. Napako na lang din ang titig ko doon sa lalaki. “Please introduce yourself,” sabi ng teacher namin sa kanya. Humarap siya sa ‘min pero nanatili siyang nakayuko. “Hello. I’m Lorenzo B. Altarejos. 15. You can just call me Enzo for short. It’s nice to meet you all,” sabi niya sa isang boses na halos bulong na lang. Halos lahat kami tahimik lang na nakatitig sa kanya. He’s a bit. . . weird. “Thank you. You can sit over there,” sabi ng teacher namin sa kanya sabay turo sa table na nasa harap ng table ko. Naglakad na papunta sa table ‘yung Enzo. Nakatitig pa rin halos lahat sa kanya, at nang akmang papaupo na siya ay pinadaanan niya ako ng titig. I looked up at him and saw bluish-black eyes looking back at me through his glasses. I then smiled a little at him, but he just looked at me flatly before sitting down on his chair. Okay. Baka nahihiya lang siya sa ‘kin kaya ‘di man lang niya sinagot ang friendly gesture ko. O baka suplado lang talaga siya. I observed him for the rest of the morning, pero hindi ko siya narinig na magsalita. Hindi rin siya umalis sa upuan niya. Nang lunch break na ay isa siya sa mga taong huling tumayo sa upuan niya. Naglakad na siya palabas ng room nang wala man lang kaimik-imik. “Enzo. . . Enzo!” biglang tawag sa kanya ng isang grupo ng mga kaklase namin. He looked back at them, pushing his eyeglasses higher up his nose. “What?” tanong niya. “Want to eat lunch with us?” tanong ng classmate namin. “No, thanks,” sabi niya at nagpatuloy na siyang maglakad. “But it’ll be boring to eat alone. You don't have to be shy,“ habol na tawag sa kanya ng classmate namin. Bigla niyang itinaas ang lunch box niya. “As far as I know, wala sa inyo ang kakainin ko. As far as I know, kaya kong subuan ang sarili ko. As far as I know, kaya kong ngumuya nang mag-isa. I can eat my lunch alone, so please stop bothering me,” sagot niya. Awkward silence. Alanganin na lang akong napatitig sa kanya habang naglalakad na siya palabas ng room. ‘Yung mga reaksyon naman ng mga classmates namin ay para bang pinagsasampal silang lahat sa mukha. “Suplado,” bulong ni Jash sa likod ko. “’Yung meryenda ko tandaan mo,” sabi ni Brence. Pagkalabas namin ng room ay nakita ko siyang nakatayo sa hallway. I smirked. Malamang hindi nito alam kung nasaan ang canteen. “Hey, Enzo!” biglang tawag ni Brence sa kanya. Lumingon siya sa ‘min. “We’re going to the canteen. You can go with us. You don’t need to eat lunch with us. Baka kasi ‘di mo pa alam kung nasaan ang canteen dito,” sabi ni Brence. Biglang nagtaas ng kamay si Enzo sabay turo sa bandang likuran namin. “There,” sabi niya. Kumunot ang noo ni Brence. “What?” tanong niya. “There’s the canteen,” sabi ni Enzo sabay lakad papunta sa direksyon na itinuro niya. Lumingon ako at nandoon nga naman talaga sa bandang likuran namin ang canteen. “Sino ba talaga ang may malabong mata rito?” bulong ko kay Brence na nakatayo lang at parang nakakita ng multo. Si Jash naman ay kanina pa humahagalpak sa katatawa. “Let’s stay away from him as far as possible,” bulong sa ‘min ni Brence pagkapasok namin sa canteen. Kahit malapit na kaming kumain ay hindi pa rin namin makalimutan ang behavior ni Enzo. “You know what, I think he’s used to being alone. I think he doesn’t like people helping him with the things that he can manage to do all by himself,” sabi ko habang bitbit na ang tray ng lunch ko. “Whoa. Nagsalita ang magaling,” sabi ni Jash sabay pagulong ng mata. “Maybe he’s anti-social,” sabi ni Brence. Tumawa lang kami ni Jash. “He’s actually interesting. He’s a bit weird and mysterious but. . . in a good way. Parang gusto mong malaman kung ano ang rason kung bakit ganoon siya,” sabi ni Brence. “Hoy, alam mo ba kung saan ka nakaupo?” biglang sabi ng isang boses sa tabi namin. Lumingon kami at halos napatalon kami sa inuupuan namin. Nasa katabing table lang pala namin ‘yung Enzo. Mukhang mapapasabak pa sa gulo. May tatlong lalaki kask na nakatayo sa harap ng table niya. “Hoy, naririnig mo ba kami?” tanong sa kanya ng isa sa mga lalaki. Hindi kumibo ‘yung Enzo at nagpatuloy lang siya sa pagkain. Nakatitig na sa kanila halos lahat ng tao sa canteen. “Nagmamagaling ka ba, ha?” matalim sa sabi ng isa pang lalaki sabay umpog ng kamay niya sa mesa. Enzo suddenly stood up, rolled the sleeves of his coat, and stared back at the three guys in front of him. He pushed his hair back and gave a deadly stare at the three. He suddenly grabbed the necktie of the three and dragged them outside the canteen. Nagkarinig na lang kami ng ilang karambola ng trash bin sa labas. “Hala. Tawag na kaya kayo ng guard,” sabi ni Brence. Halos lahat ng tao sa loob ng canteen ay tumigil na sa pagkain. Hindi pa nga kami nakakatayo nang biglang lumitaw si Enzo sa pinto ng canteen. Nakasaklay na sa balikat niya ang coat niya at inaayos niya ang buhok niyang nagulo. Wala siya ni isa man lang na gasgas sa braso o sa mukha. He walked back to the table beside us and continued eating. Lahat ng tao ay nakatitig pa rin sa kanya. “That’s it. That’s it. I will never, ever get to the wrong side of him. I don’t want him as an enemy,” sabi ni Jash na may halong takot at pagka-impress. He may be intimidating. He may be weird; pero magmula noong araw na iyon ay biglang sumikat sa buong school ang pangalang Enzo B. Altarejos. Strange it may seem, but I can’t help but notice how interesting he is.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD