PROLOGUE
I was slumped against a wall. Nanginginig ang buo kong katawan. Basag ang eyeglasses ko sa harapan ko at wala akong makita dahil madilim na. Nagkalat din sa paligid ang mga libro at mga gamit ko. Basa pa ang ulo ko dahil binuhusan ako ng mineral water.
Wala na akong ibang nagawa kung hindi ang umiyak.
Maya-maya pa ay bigla na lang akong nakarinig ng mga paang papalapit sa ‘kin. Agad ko namang tinakpan ng kamay ko ang ulo ko at umatras palayo sa taong paparating.
"Tama na po. . . Ayoko na. . ." nanginginig kong sabi habang umiiyak.
But a gentle voice suddenly spoke.
"Okay ka lang ba?"
Hindi ako sumagot.
"Come on, ‘di naman kita sasaktan. They're gone," sabi niya.
I heard him sigh.
Narinig ko ang paglalakad niya sa paligid ko. Pinagpupulot na pala niya ang mga libro at gamit ko.
"Here, malapit na ba ang bahay mo rito?" tanong niya sa ‘kin sabay abot ng bag ko matapos niya ‘tong mapagpagan.
I nodded. Kahit alam kong malayo pa talaga ang bahay namin ay tumango na lang ako. Gusto ko na kasing makaalis.
"Basag 'tong eyeglasses mo. May spare eyeglasses ka ba?" tanong niya sa ‘kin sabay pulot sa nabaling eyeglasses ko.
"Nasa bag ko po," sabi ko.
Narinig ko ang pagbukas ng bag ko bago ko naramdaman na may nagsuot na ng eyeglasses ko sa mukha ko.
The guy's face became clearer, and I saw him smiling at me. He then placed a gentle hand on my shoulder bago niya ako inalalayan na makatayo.
"Umuwi ka na, okay? Madilim na. Take care. Sa matao ka na lang dumaan," sabi niya habang inaayos ang damit kong nagulo.
I slowly walked away from him.
"Hey."
I faced him again.
"You're worth more than those scums who did that to you," he said before smiling.
I smiled a little. “Thank you po.”
I know it sounds childish, pero kahit ganoon lang kaliit ang ginawa niya, it had a great impact on me. From that day onwards, hindi na siya nawala pa sa isip ko.