Chapter 2
Kinabukasan, hindi namalayan ni Gwen na alas dos na pala ng tanghali siya na gising. Umupo si Gwen sa harap ng malaking bintana habang nakatanaw sa kaliwang bahagi ng rancho kung saan nakakulong ang mahigit labing dalawang kabayo ni Tyler. Agad na kinuha ni Gwen ang kanyang cellphone at kinunan niya ng mga larawan ang mga ito. Habang nalilibang si Gwen sa mga kabayo ay nahagip niya ang isang lalaking nakasuot ng kupas na pantalon at naka hubad habang isinuot ang itim na bota. Hindi makita ni Gwen ang mukha nito dahil sa suot nitong Cowboy hat. Pero kitang-kita ni Gwen ang malalaking braso at abs na mas yummy pa kung ikukumpara sa abs na meron si Luke. At ang puti nitong balat na kumikinang dahil sa mga pawis na nasisinagan ng araw. Hindi mapigilan ni Gwen na mapalunok ng laway dahil sa mga nakikita niya. Pilit na iniwas ni Gwen ang tingin niya sa lalaki ng aksidenti niyang masagi ang kanyang cellphone at agad itong nahulog na gumawa ng kaunting tunog na kumuha ng atensyon sa lalaking nakahubad. Natulalang naka dungaw sa bintana si Gwen ng biglang may tumawag sa kanyang pangalan.
"Hi Gwen." Bati ng lalaki habang nakangiti at kumakaway kay Gwen.
"T-tyler ikaw pala," sagot ni Gwen na hindi maka tingin ng diretso kay Tyler.
"Okay kalang ba?"
"Oo okay lang ako T-tyler, nasagi ko lang yung cellphone ko at nahulog sorry at na disturbo pa kita."
"Nako okay lang, saan ba banda nahulog yung cellphone mo?"
"Diyan sa may taniman ng rosas," sagot ni Gwen.
At agad lumabas ng kwarto si Gwen at dalidaling bumaba ng hagdan na may dalawampo’t-apat na baitang na nagpapabilis ng t***k ng kanyang puso. Hindi na ito nakapag bihis ng kanyang damit pantulog dahil sa pagmamadali. Pag labas niya ng bahay ay nakita niyang naka tayo si Tyler at nakangiti ito na mas lalong nagpapabilis ng t***k ng kanyang puso. Ang mga ngipin nito na sobrang puti at perpekto na para bang nasa commercial ng toothpaste at dimples na nakaka-akit ay nakakalaglag panty talaga.
"Heto Gwen, cellphone mo." Habang inaabot nito ang isang kamay na hawak ang cellphone.
"S-salamat T-tyler," nahihiyang sagot ni Gwen.
Lalakad na sana pabalik sa loob ng bahay si Gwen ng hawakan ni Tyler ang kanyang kamay.
"Teka lang Gwen!"
Agad na nakaramdam si Gwen ng ibang enerhiya na hindi niya maipaliwanag. Nakatulala lang siya habang nakatitig sa mukha ni Tyler na para bang binuhusan siya ng malamig na tubig sa kilig. Hindi maipaliwag ni Gwen ang kanyang nararamdaman para siyang naiihi at hihimatayin.
"Gwen, para sayo." At agad na inabot ni Tyler ang isang rosas na kulay pula kay Gwen.
Gustuhin mang kunin ni Gwen ang bulaklak ay hindi niya magawa para siyang naninigas sa kilig at unti-unting namumula ang kanyang matambok na mga pisngi.
"Sige na tanggapin mo na. Sige ka magtatampo ako saiyo." Sabi ni Tyler sabay kamot sa kanyang ulo at ngumiti.
Nahihiya man ay tinanggap parin ni Gwen ang bulaklak. Hindi niya akalain na bibigyan siya ni Tyler ng isang rosas. Hindi maitago sa mukha ni Gwen ang kilig na kanyang nararamdaman.
"M-maraming s-slamat, Tyler,"
"You’re welcome Gwen," sagot ni Tyler sabay kindat.
"Insan! Halika ka na!" sigaw ni Luke habang naka-angkas sa itim na kabayo.
"Kahit kailan talaga panira ng moment itong si Luke!" wika ni Tyler sa sarili. At agad na kinuha ni Tyler ang kanyang cowboy hat at isinuot ito.
"Gwen gusto mo bang sumama sa amin?"
"Huh! N-nako Tyler wag na,"
"Sige na Gwen, para naman ma libot mo itong Rancho at malibang ka kahit konti. Wag kang magaalala kasama mo naman ako at si Luke. At mabait naman si Winston," natatawang sagot ni Tyler.
"W-Winston? Sino yon?”
"Iyong paborito kong kabayo Gwen na parang kapatid ko na rin kong ituring. Ano sasama ka ba?"
Hindi maitago ni Gwen ang kaba at takot ng malaman niyang sasakay sila sa isang kabayo. May phobia na kasi si Gwen sa kabayo simula nung hinabol sila ng kanyang pinsang si Marites noong Highschool pa sila sa kadahilanang basta ba lamang pinalo ng pinsan niya ang puwet ng kabayo habang pauwi na sila galing skwelahan. At muntik pa siyang mamatay dahil sa tadyak na natamo niya.
"H-hindi okay lang ako Tyler, Nalilibang naman ako habang nagmamasid sa paligid sa susunod nalang." Sagot ni Gwen habang naka kamot sa kanyang ulo.
Walang anu-ano ay lumapit si Tyler kay Gwen at hinawakan ang kanyang kamay. Ramdam ni Tyler ang mainit at nanginginig na kamay ni Gwen. Kaya agad itong bumulong kay Gwen.
"Huwag kang matakot, nandito naman ako aalagaan kita." Sabay ngiti at kindat sa nanginginig na si Gwen.
Napatango lang si Gwen habang hawak ni Tyler ang kanyang kamay at nag umpisa na silang lumakad patungo sa hawla kung saan naka kulong si Winston.
"Nako! bakit ba ang gaan-gaan ng pakiramdam ko kay Tyler. Ano ba itong nangyayari sa akin? bakit hindi ko mapigilang tanggihan siya. Baka may power itong si Tyler, sa yaman niyang ito sigurado ako na pwede siyang mag hanap ng taong may kakayahang gumawa ng gamot para mapa sunod ang isang tao. Baka naman ito na yung tinatawag nilang pag.ibig? H-hindi hindi maaaring magka gusto ang tulad niya sa akin baka naman ay sadyang mabait lang talaga ang taong ito," wika ni Gwen sa sarili.
Agad na binuksan ni Tyler ang hawla at hinimas-himas ang ulo ng alaga niyang si Winston. "Handa kana ba Gwen?" natatawang tanong ni Tyler.
"Oo naman!" Pagmamayabang na sagot ni Gwen pero kitang-kita sa kanyang mukha ang takot.
Habang binaybay nila ang isang makitid na daan na maraming malalaking puno sa paligid ay
siyang higpit rin ng hawak ni Gwen sa beywang ni Tyler.
"Natatakot ka ba Gwen?"
"H-huh ako takot? H-hindi no!"
Hindi paman nakakalayo sa rancho ang tatlo ay biglang bumuhos ang napakalakas na ulan kasabay ng pag kulog at pag kidlat.
"Nako! Gwen kumapit ka nang mahigpit at patatakbuhin ko si Winston."
Gusto mang umayaw ni Gwen ay wala na siyang magagawa dahil malakas ang buhos ng ulan kaya kumapit ito ng napakahigpit kay Tyler. Hanggang sa makarating sila sa maliit na bahay kung saan doon tumatambay si Tyler kapag nababagot sa malaking bahay. Kitang- kita sa mukha ni Gwen ang pag-aalala dahil bukod sa nakakatakot ang paligid ay kasama niya ang mag pinsan. May tiwala man siya sa dalawa ay lalaki parin ito kaya nakakaramdam parin siya ng takot at pangamba.
"Insan, umuwi ka muna sa bahay at ipag- bigay alam mo kay Aling Belen na dito muna kami magpalipas nang gabi ni Gwen. Kasi malakas ang ulan at delikado na para umuwi pa kami dahil madulas ang daan."
"H-huh! sigurado kaba Tyler? dito tayo magpalipas ng gabi nakakatakot kaya dito." nag-aalalang sagot ni Gwen.
"Hayy nako Gwen, huwag kang mag-alala may ilaw naman dito, may pagkain at safe ka naman dito eh nandito naman ako... hindi kita pababayaan."
Binuksan ni Tyler ang pintuan at pumasok agad niyang sinindihan ang dalawang lampara na nakabitin sa dingding.
"Gwen? Halika kana dito malamig diyan sa labas sige ka baka lamigin ka diyan at magkasakit ka pa."
Napatingin si Gwen kay Tyler. "Dito ba talaga tayo magpapalipas ng gabi? "
"Yes Gwen. Kasi delikado na sa labas malakas ang ulan at madulas ang daanan pauwi kaya dito muna tayo magpapalipas ng gabi."
"Magpalit kana ng damit mo Gwen. Saglit lang at ikukuha kita sa taas pasensya kana at panglalaki ang mga damit ko dito," nahihiyang sabi ni Tyler.
Habang naka upo si Gwen malapit sa bintana ay may napansin siyang isang larawan kung saan may kasama si Tyler na isang babae. Maganda ito at mukhang anak mayaman nakasandal ito sa balikat ni Tyler habang hawak ang isang napagandang bouquet ng rosas na may halong tulips.
"Heto Gwen, magpalit ka na at baka magkasakit ka pa baka mapagalitan ako ng Nanay Belen."
Agad inabot ni Tyler ang isang long sleeve na kulay puti at isang tuwalya.
"T-tyler? Sino itong kasama mo?"
Agad na kumunot ang noo ni Tyler at lumungkot ang kanyang mukha. "Ahhhh, yan ba? si Mahalia ‘yan ang dating kasintahan ko Gwen. Siya ay anak ng dating kaibigan ni papa at mama na ka business partner nang aming kompanya. Matagal din kaming magkasintahan ni Mahalia four years rin kaming magkasama at nagmamahalan. Pero sinubok kami ng panahon noong ma diskubre namin na may stage four ovarian cancer pala si Mahalia. Dinala siya ng kanyang mga magulang sa Amerika upang ipagamot ngunit ilang buwan din ang nakalipas ay binawian rin siya ng buhay. Wag kang mag-alala tatlong taon na siyang patay kaya naka move on na rin ako malungkot lang kasi siya yung unang babaeng minahal ko."
At biglang tumulo ang mga luha sa magkabilang mata ni Tyler. Napaupo ito sa isang upuan malapit sa lamesa kung saan nandoon ang larawan nila ni Mahalia. Agad na kinuha ito ni Tyler at Inilagay sa loob ng kahon.
"S-sorry Tyler, diko talaga sinasadya madaldal talaga itong dila ko minsan sorry talaga."
Lumapit agad ito kay Tyler at hinawakan ang mga kamay. Biglang uminit ang katawan ni Gwen sa kanyang ginawa. Hindi siya mapakali para bang binuhusan siya ng maligamgam na tubig. Gusto niyang alisin ang kanyang mga kamay ngunit hinigpitan ni Tyler ang hawak nito. Biglang inangat ni Tyler ang isang kamay at hinawakan ang pisngi ni Gwen. Nagkatitigan ang dalawa hanggang sa lumapit ang mukha ni Tyler sa mukha ng babae halos magdikit na ang kanilang mga ilong sa lapit ng kanilang mukha. Napapikit nalang sa hiya si Gwen nang biglang yumakap sa kanya si Tyler.