CHAPTER ONE
Chapter 1
"Nasaan ako? Bakit ako naririto? nag aalalang sabi ng lalaki
Naka tayo siya ngayon sa naka talikod na babaeng umiiyak habang naka dungaw sa isang lalaking wala nang Buhay.
"Ano kaya ang ginagawa ng babaeng niyan dito at bakit niya iniiyakan ang bangkay na ‘yan?" Bakit pamilyar sakin ang boses niya? At si-sino po kayo?” na hihintakutang sabi ng lalaki.
“Bakit kayo lang po ang nakakakita sa akin?” Humarap sa kanya ang isang matandang lalaki at ngumisi ito. Hindi aninag ang buong mukha dahil natatakpan ito ng itim na sumbrero. Nakasuot rin ito ng itim na jacket at pantalon.
"Hindi mo ba alam ang nangyayari sa paligid mo? Hindi mo ba kilala ang babaeng ‘yan?” tanong ng matandang lalaki. “Lapitan mo para malaman mo ang katotohanan!"
Dahan-dahan siyang lumapit sa babaeng humahagulhol sa pag iyak. "H-hindi! H-hindi!"
Napabalikwas ito ng bangon. Tagaktak ang pawis na para bang naligo ito na hindi man lamang nakapag punas. Naninigas ang kalamnan niya at nanunuyo ang kanyang lalamunan dahil sa takot at kaba. Hinahabol niya ang kanyang paghinga habang sapo ng kanyang dalawang kamay ang dibdib.
“Ano ba yong napanaginipan ko? Buti na nalang panaginip lang 'yon."
Tumayo agad ito sa kanyang kama at Lumabas ng kuwarto para kumuha ng malamig na tubig sa kusina, dahil tila nasa disyerto ang kanyang lalamunan dahil sa subrang tuyo nito.
Nakatanaw sa labas ng kanyang minamanehong kotse si Tyler habang binabaybay niya ang maaliwalas na daan patungong Rancho Dela Rosa. Ang pamana nang kanyang mga magulang bago sila namatay dahil sa isang car accident. Mapuno ang paligid at layo-layo ang mga bahay. Tanaw ang malawak na kagubatan sa magkabilang gilid ng daan. Gusto niyang manirahan sa Rancho kaysa sa mansion nila sa Maynila.
Maayos ang buong lugar, tahimik, malayo sa ingay ng siyudad at sobrang sariwa pa ng hangin. Kaya paborito niya ang mag maneho sa lugar na ito. Agad niyang pinatugtog ang kanyang paboritong kanta ang Nothings Gonna Change My Love For You ni George Benson. Dahil sa paborito niya ito halos parang nasa loob na siya ng bar sa lakas ng volume. Papikit-pikit pa si Tyler habang kumakanta ng biglang may isang babaeng nasa gitna ng kalsada at kaway ng kaway na tila ba humihingi ito ng tulong. Hindi niya masyadong makita ang mukha ng babae dahil sa sinag ng araw. Sa taranta niya ay agad niyang na iliko ang kotse sa malubak at ma putik na bahagi ng daan. Pinaka ayaw pa naman ni Tyler ang magasgasan at madumihan ang pinakapaborito niyang kotse na regalo ng kanyang parents nung ika 21st birthday niya. Sa inis ni Tyler ay agad itong bumaba ng kotse.
"H-hoy! M-miss!"
Agad siyang napatigil sa pagsigaw nang makita niya ang isang napaka gandang babae. Short hair ito na may gupit pang lalaki na sobrang bagay sa kanya. Maputi, matangos ang ilong, mistesa, at may taas na lima at anim na talampakan at halos mag kasing edad lang sila.
"Hi I'm Gwen Salazar." Nakangiting sabi niya at inilahad nito ang palad kay Tyler. Mas lalo siyang nanigas at hindi makapagsalita nang makita niya ang dimples ni Gwen. At kahit na awkward itong nangyayari sa kanya ay naglakas loob parin siyang magpakilala.
"Hi I'm Tyler De Guzman." Nakangiting sagot ni Tyler sa kanya at tinanggap niya ang pakikipag-kamay ni Gwen. Ramdam niya ang malambot at mainit nitong mga palad. Ayaw man yang bitiwan ang mga kamay ni Gwen pero nakaramdam siya ng hiya kaya binitiwan rin niya ito agad. "Pigil Tyler, baka maihi ka sa kilig," wika ni Tyler sa sarili.
"Alam mo may kamukha kang artista." Sabi ni Gwen na naka ngiti parin. At agad siyang natawa At kinilig sa sinabi ni Gwen. Hindi sa pagmamayabang ay parati nilang sinasabi kay Tyler noon na kamukhang- Kamukha niya aw talaga si Leonardo de caprio ng titanic.
"Anyway Miss Gwen Salazar what are you doing here in San Bartolome?" tanong ko sa kanya.
"Dadalawin ko sana si Tiya Belen sa Rancho Dela Rosa kaso nasira ang gulong ng aking kotse."
"What! Si Nanay Belen? Hindi ko akalain na may pamangkin pala si Aling Belen, ang aking personal Nanny simula baby pa ako hanggang mag tapos ako ng senior high school."
Napakunot ng noo si Gwen habang nakatakip sa kanyang mapupula at pouty kissable lips nang marinig ang sinabi ni Tyler.
"So it means ikaw si senyorito Tyler?"
"Oo, ako pero Tyler nalang. Nakakailang," saway ko sa kanya. Si Aling Belen nga ay nanay ang tawag ko eh at si Mang Simon naman na driver ko ay tatay ang aking tawag. First name basis ang tawag sa akin ng mga taong personal kong kakilala.
"Sige, sumabay kana lang sa akin Gwen papuntang Rancho." Nakangiting sabi ko at dali-dali kung binuksan ang pinto ng aking kotse.
"Nako, nakakahiya naman sayo Tyler. " napakamot ito sa ulo.
"Huwag kanang mahiya baka abutan kapa ng dilim dito may mga nagsasabing may mga." Hindi na natuloy ang kanyang sinasabi at agad pumasok si Gwen sa kotse. Sa isip-isip ni Tyler ay sobrang matatakutin talaga ang mga babae.
"Huwag kang magalala sa kotse mo Gwen, ipapakuha ko ‘yan agad kay Tatay Simon mamaya." At agad niyang isinuot ang set belt kay Gwen. Habang isinuot niya iyon ay nakatitig lang si Gwen habang nakangiti. Malalim ang pagkatitig nito at parang kumikinang ang mga mata nito. Naiilang si Tyler sa mga titig na ‘yon at the same time ay sobrang kilig niya kaya binilisan niya ang pagsuot ng seatbelt at agad niyang pinaandar ang kotse.
"Tyler?"
"Yes Gwen?"
"Ano nga pala ang pinagkakaabalahan mo ngayon?"
"Bukod sa pagma-manage ko sa aming rancho ay may negosyo ako ang pagbibinta ng mga luxury cars."
"Wow! Swerti naman ng girlfriend mo, bukod sa gwapo, mabait at masipag pa ito," natatawang sagot ni Gwen.
Medyo nakakaramdam si Tyler ng kaunting hiya sa sinasabi ni Gwen dahil first time niyang mapuri ng ganoon at galing pa sa isang napaka gandang babae.
"Ikaw ba Gwen, ano naman ang pinag kakaabalahan mo ngayon? "
"Ito may maliit akong negosyo sa Maynila isang pottery shop." Hindi naman talaga sa akin ang shop nayun dahil pag mamayari iyon ng aking itay. Pero noong namatay na ang aking itay ay sa akin na ipinangalan at binilin ang shop."
"Ahh, kaya pala may nabanggit si Nanay Belen sa akin na isang pottery Shop sa Maynila sa iyo pala iyon? grabe ang gaganda ng mga gawa mo Gwen!"
"Naku, ikaw naman mas magaganda pa ang mga sasakyan mo kaysa sa mga pots ko," natatawang sagot ni Gwen.
Habang binabaybay nila ang kahabaan ng daan ay makikita na rito ang malawak at magandang Rancho Dela Rosa sa bahaging kaliwa ng lugar. May mataas itong gate na kulay puti, may maraming kabayo sa bahaging kaliwa, mga baka naman sa kanan. At may malaking bahay na mala palasyo ang dating sa gitna nito.
"Malapit na tayo Gwen. Ayan na, oh!" Nakanguso ang labi nito paharap sa malaking bahay. Huminto muna sila saglit sa tapat ng gate.
"Wow, grabe! para naman itong nasa fairytale sobrang ganda ng lugar na ito," namamanghang sabi ni Gwen.
Maganda ang rancho at ang mala palasyo na bahay nila Tyler mula sa labas. Mukhang inaalagaan talaga ni Tyler ng husto ang lugar. Gray ang kulay ng exterior nito na may tatlong palapag at nasa gitna ito ng malawak na looban, sobrang maaliwalas tingnan ang lugar mukhang may hari at reyna na naka tira sa loob ng mala palasyong bahay. Napapalibutan ito ng mga bulaklak na rosas at iba pang halaman at mga puno. May malaking fountain pa sa gitna ng malawak na hardin na nagdagdag ng aliwalas sa kabuuan nito.
Nakapasok na ang kotse sa looban. Maaliwalas talaga ang paligid ng rancho. Mapuno at maraming klasi ng mga bulaklak. May swing pa sa ilalim ng malaking puno ng acacia.
Dali-daling lumabas ng sasakyan si Tyler at binuksan ang pinto ng kotse at agad na inabot ni Tyler ang kamay nito kay Gwen.muli ay naramdaman na naman niya ang malambot at mainit na kamay ni Gwen. Nang maka baba na si Gwen ng sasakyan ay agad pumunta si Tyler sa trunk upang kunin ang isang pink na maleta ni Gwen.
May papalapit sa kanilang lalaking may edad na. Halos nasa fifty plus na ito. Medyo malaki ang katawan at masasabing sanay ito sa trabaho sa rancho. "Magandang hapon po, Ma'am at saiyo rin Tyler."
"Oh, magandang hapon rin Tatay Simon,” bati ng lalaki. “At siya nga pala Gwen siya si tatay Simon,” pagpapakilala nito.
"Magandang hapon po Mang Simon," nakangiting bati ni Gwen.
At habang nakatanaw si Gwen sa malaking bahay ay nahagip niya ang isang lalaking nakahubad ang pangtaas na damit nito at mukhang kasing edad lang din ni Tyler na nakadungaw sa malaking bintana. Gwapo, matipuno at moreno ang lalaking ito at yummy pa ang abs. At kahit sinong babae man ay maaakit dito.
"Gwen, halika na at pumasok na tayo sa loob at para makita mo na rin ang Tiya Belen mo, at saka nga pala Tatay Simon paki-akyat po ng malita ni Gwen sa loob ng bahay."
"Sige po." At agad na kinuha ni Mang Simon ang malita, hinila sabay binuhat paakyat sa hagdan na may sampung hakbang papasok ng bahay.
"Wow! Napakaganda naman dito sa loob Tyler para akong nasa loob ng bahay ng Hari at Reyna," pabirong sabi ni Gwen.
Natatawa na lamang si Tyler sa mga sinasabi ni Gwen. At agad niyang tinawag si Aling Belen.
"Nanay Belen?" tawag ni Tyler habang papunta ng kusina.
"Bakit Tyler? may problema ba?" Nagtatakang sagot ni Aling Belen habang naghihimay ng karne ng baboy.
"Nanay may bisita ka, nandoon siya sa sala at naghihintay sayo."
"Huh! ako may bisita?" Nagtatakang sagot ni Aling Belen.
At kahit medyo na guguluhan si Aling Belen ay agad itong pumunta sa sala upang makita ang kanyang bisita habang nakasunod naman si Tyler sa kanya.
"Jusmiyo marimar! Gwen!" Napatakbo at agad yumakap si Aling Belen sa pinakamamahal at nag iisa niyang pamangkin na halos limang taon na niyang hindi nakita.
"Kumusta kana Gwen?" tanong ni Aling Belen na mangiyak-ngiyak pa.
"Ok lang naman po ako Tiya Belen."
"Nanay Belen, pakihatid nalang si Gwen sa guest room mamaya.
"Sige Tyler, ako na ang bahala kay Gwen."
At habang nag uusap sina Aling Belen at Gwen ay umakyat naman at pumasok si Tyler sa kanyang kwarto upang mag palit ng damit. Pagkatapos nito ay pumunta siya sa loob ng banyo at nag linis ng kanyang katawan.
"Gwen, halika kana at ituturo ko sayo ang guestroom. para naman makapag palit kana ng damit mo at maka ligo kana rin amoy usok kana ehh," pabirong sabi ni Aling Belen.
At agad umakyat ng hagdan sila Aling Belen pa puntang second floor kung saan naroroon ang anim na guest room sa dulo ng hallway. At habang naglalakad sila Gwen sa hallway ay di niya mapigilang mamangha sa mga nakasabit na mamahaling paintings na galing pa sa ibat-ibang bansa.
"Sige hija, pumasok kana at para makapag pahinga kana at makapag linis ng iyong katawan. Ipapatawag nalang kita kay Simon pag handa na ang hapunan." Humalik muna si Aling Belen sa pisngi bago ito umalis.
Agad hinubad ni Gwen ang kanyang suot na damit at pumuntang banyo upang makapag linis narin ng katawan. Pagkatapos nito ay agad siyang nag bihis. Suot niya ang kanyang paboritong pantulog ang manipis na kamisetang pula na mas lalong humuhubog sa kanyang sexing katawan. At kinuha niya ang blower para patuyuin ang kanyang buhok. ilang sandali pa ay narinig ni Gwen ang katok sa may pintuan.
"Mang Simon?” tanong ni Gwen.
Pero hindi ito sumagot at patuloy lang ito sa pagkatok. Agad binilisan ni Gwen ang pag blower at dali-daling pumunta sa tapat nang pintuan. At dahan-dahan niyang pinihit ang doorknob at nang mabuksan niya ang pinto ay tumambad sa kanya ang isang lalaking nakahubad at nakasuot ng maikling short habang naka upo at naka talikod sa may hagdan. Agad itong lumingon kay Gwen ng marinig ang pagbukas ng pintuan at tumayo.
"Hi, Gwen I'm Luke pinsan ni Tyler." Habang inilahad nito ang mga palad kay Gwen.
Hindi mapigilan ni Gwen na mapalunok ng laway ng makita niya ng malapitan ang magandang katawan ni Luke na kanina ay nasa bintana lamang niya nakikita. Basang-basa ang katawan nito na tila ba ay galing pa sa pag workout.
"Hi, Im Gwen Salazar pamangkin ni tiya Belen." at agad nitong tinanggap ang pakiki-pagkamay ni Luke.
"Nice meeting you Gwen," sabi ni Luke habang naka ngiti.
"Bakit ikaw ang pinapunta ni tiya Belen dito?" nagtatakang tanong ni Gwen.
"Inutusan kasi ni Tyler si Mang Simon na kunin ang sasakyan mo Gwen kaya ako ang inutusan ni Aling Belen. Tara na Gwen at baka mainip ang Senyorito Tyler." Pabirong sabi ni Luke habang nakatawa pababa ng hagdanan.
"Kumain na tayo... narito na si Gwen," sabi ni Aling Belen.