Pasimpleng huminga nang malalim si Daisy nang magtama ang kanilang mga mata bago tuluyang lumapit kay Rob. Umupo siya sa tabi ng binata at ipinatong ang medicine box sa pagitan nila. Habang binubuksan iyon at inaayos ang bulak at gamot, nararamdaman ni Daisy ang nakamasid na tingin ni Rob sa bawat kilos niya. “Daisy,” sa wakas ay basag ng binata sa katahimikan. Hawak ang bulak ay nag-angat siya ng tingin. Hindi niya sinalubong ang tingin ni Rob at sa halip ay itinuon ang mga mata sa sugat nito. Tahimik na ginamot niya iyon. Bawat ngiwi ng binata tuwing pinapahid niya ang gamot ay sumisikip ang lalamunan niya. Siya ang dahilan kung bakit may sugat si Rob. Walang sinabi ang guilt na nararamdaman niya ngayon kompara sa guilt na dulot ng masasamang nagawa sa kanyang buhay noon. The fact tha

