HINDI na mabilang ni Rob kung ilang babae na ang dumaan sa buhay niya. Lahat iyon ay casual s*x lang. Pagkatapos ng s*x, hindi na siya nanatili sa kama nang matagal. Nagbibihis na siya kaagad at umaalis. No hugging, no conversation. At lalong hindi siya nananatili para lang titigan ang natutulog na mukha ng babaeng kasama. Subalit iyon mismo ang ginagawa ni Rob sa mga sandaling iyon. Nakatagilid siya ng higa sa kama sa tabi ni Daisy. Hindi niya maialis ang pagkakatitig sa mukha ng natutulog na dalaga. Sa katunayan, ganoon din ang ginawa niya noong unang gabing magkasama sila. For some reason, he never tired of staring at her peacefully sleeping form. Sa tingin ni Rob, kaya niyang gawin iyon buong maghapon at magdamag. Sa unang pagkakataon ay maraming nararanasan si Rob dahil kay Daisy. M

