DALAWANG linggo na lang bago ang benefit concert ng TV8 Foundation. Lalong naging abala sa preparasyon si Daisy at ang lahat ng tao sa kanilang opisina. Subalit hindi niya iyon alintana. Nitong mga nakaraang araw, pakiramdam niya ay nakalutang ang mga paa at punong-puno siya ng energy. Ganoon na ang nararamdaman niya mula nang mag-usap sila ni Rob. Mula kasi noon ay araw-araw na silang nagkikita ng binata. Subalit hindi ibig sabihin ay wala nang naging problema si Daisy. Dahil sa totoo lang, halos araw-araw ding nasa Internet at tabloids ang pangalan nila ni Rob. At ilang beses na siyang ipinatawag ng ama upang pagalitan. Ngunit sa pagkakataong iyon, sinabi niya sa kanyang papa na wala siyang pakialam sa sinasabi ng ibang tao. Na sa pamamagitan ng benefit concert ay patutunayan niyang kar

