Bumalik ang tingin niya sa mukha ni Rob. Sumikdo ang kanyang puso nang mapagtantong nagkukuwento ang binata tungkol sa sarili. “May pinsan ka rito sa Pilipinas?” Humarap ito sa kanya. “Yes, sa father’s side. He’s a lawyer. Diyan din siya nakatira. It might look like that sa labas pero high-tech `yan sa loob. And they only allow men to live there. Bawal ding magpapasok ng babaeng bisita. Weird, right?” Kumunot ang noo ni Daisy. “Oo, weird. Bakit gano’n?” “The owner is a woman-hater it seems.” Ngumiti si Rob at umangat ang kamay upang haplusin ang kanyang pisngi. “So, even if I’d like to take you home, I can’t. But God, I want to. Badly.” Napangiti siya. “Dinala mo lang ba ako rito para masabi mo `yan?” biro niya. Natawa ang binata. At muli ay napatitig lamang siya sa mukha nito. “No

