Athena Inihinto ni Enzo ang sasakyan sa isang flower shop. Parang tumigil ang mundo ko dahil ang ganda ng mga ngiti nya sa akin. Ano na naman kaya ang balak nya? “May bibilhin lang ako dito, saglit lang ako.” wika nya Hindi na ako nakasagot pa sa kanya dahil napangunahan ako ng pagkagitla at kaba. Bakit sya bibili ng mga bulaklak? Kung sa akin nya ibibigay iyon ay hindi ko ito tatanggapin. Bakit ba hindi ko sya napigilan? Kaya ba nya ako ginawang yaya ay dahil iniisip nya na may pagkakataon na syang makalapit sa akin at ligawan akong muli? Dahil ba may pagkakautang kami sa kanya ay magagawa nya muling pumasok sa buhay ko? Napasapo ako sa aking noo. Napakagat din ako sa aking hinlalaki. Bakit kumakalabog ng malakas ang puso ko? Bakit sa kaibuturan nito ay tila natutuwa ako? Bakit? P

