Athena “Malalagpasan mo rin ang lahat ng problema mo Athena. Alam kong gagaling din ang tatay mo kaya huwag ka ng malungkot.” Dinig kong wika ng kaibigan kong si Alodia. Matipid akong ngumiti sa kanya. Sinundan nila ako dito dahil nag-aalala sila sa kalagayan ko. Ngunit ang hindi nila alam ay ang mas nagpapabigat sa damdamin ko ay ang katotohanang si Alodia na ang gusto ni Enzo. Hindi lang siguro gusto, nararamdaman kong mahal na nya ang kaibigan ko. “S-salamat. Magiging okay din ako.” Sambit ko Malawak ang naging ngiti sa labi ni Alodia. “Akala ko talaga kaya ka nag-walk out ay dahil nasasaktan ka sa panliligaw sa akin ni Enzo. Okay lang naman sayo di ba? Hindi mo naman sya gusto? Tama ba ako?” tanong nya Tumigil ang ikot ng orasan para sa akin. Napatingin ako kay Enzo na may malaml

