Enzo Masyado akong nasaktan sa katotohanang kahit kailan ay hindi ako nagustuhan ni Athena. Kung kaya't niyaya ko sa isang dinner date si Alodia. Gusto ko ng ibaon sa limot ang nararamdaman ko sa kanya ngunit tila lalo lamang umuusbong ang nararamdaman ko dahil magkasama kami sa bahay. Gusto ko lang namang makatulong sa kanya pero tila may maling nangyayari sa akin. Seryoso ako sa panliligaw kay Alodia, ngunit patawarin sana ako ng Diyos dahil ginagamit ko lamang sya upang tuluyang malimutan ang babaeng una kong minahal na hanggang ngayon ay sya pa ring naghahari sa puso ko. Ayoko na talagang umasa kaya pinipilit ko ang aking sarili na mahalin at gustuhin ang kaibigan nyang si Alodia. Gusto kong tuluyang maibaling sa kanya ang atensyon ko dahil ramdam ko naman kung gaano nya ako kama

