CHAPTER 15

1286 Words
As usual. Dahil nagtatrabaho ako sa publication company, maraming projects na dumarating. Nasa loob ako ngayon ng conference room. Malamig, pero ang batok ko, basang-basa sa pawis. Isa-isang lumilipad ang mga salita ng mga executive at creatives, habang naka-project sa harap ang logo ng NIKE, kasama ang Rivera Publication logo. Branded partnership proposal—isang malaking hakbang para sa kompanya. “Content synergy,” sabi ng isang rep mula Nike. “We want to target the youth, especially the emerging market here in Linus City. Lifestyle, fitness, urban fashion—lahat ‘yan, we see potential.” Tumango si Draemon na katabi ko. “Rivera Publication has an edge. With our in-house talents and reach, it’s a win-win,” sagot niya habang nakatitig kay Mr. Ismael sa dulo ng mesa. Ako? Tahimik lang. Nasa tabi lang ako ni Draemon, taking notes, pretending like I wasn’t there emotionally. Kahit pa nasa loob kami ng eleganteng boardroom, feeling ko parang eksena ito sa isang arena. Si Draemon—laging kalmado, siguradong-sigurado. Si Mr. Ismael—nakaupo sa taas ng mesa, commanding, powerful. At ako? Ako ‘yung gitna nilang dalawa. Tahimik, pero nilalamon ng gulo sa loob. Pagkatapos ng meeting, nagkumpulan ang mga staff. Nagkamayan, ngumiti, at nagpakuha ng photos. Ipinagpapasalamat ko na busy sila—kasi ‘pag busy sila, hindi nila mapapansin na umiiwas ako kay Mr. Ismael. Hindi ko siya tinitingnan. Hindi ako lumapit. Hindi ko siya nilingon kahit isang beses. Pero hindi na ako nagtaka nang marinig ko ang boses niyang pabulong sa likod ko. “Pinky.” Napapikit ako. Huminga. Lumingon. “Yes, sir?” “Come to my house tonight. 8 p.m. sharp. We’ll finalize the editorial directions for Nike.” Namilog ang mata ko. “Sir
 sa bahay n’yo?” “I need focus. Privacy. You’re my secretary. Don’t make me remind you of your job.” Gusto kong magtanong ng “Bakit hindi sa opisina?”, pero alam kong walang saysay. Kilala ko siya. Sanay siyang makuha ang gusto niya. At alam din niyang hirap akong tumanggi
 lalo na kapag may halo na itong kontrol at utos. Tumango ako. “Yes, sir.” Pagkarating ko sa kanilang around 8:00 pm, pinagbuksan ako ng gate ng isang security guard. Tahimik sa buong property. Wala akong ibang marinig kundi ang mahinang hampas ng tubig mula sa pool at ang yabag ng heels ko sa marmol na sahig. Binuksan niya ang pinto. Suot niya ang simpleng itim na long sleeves, naka-unbutton ang dalawang itaas. Casual. Pero masyadong disarming. “Pasok,” aniya, nakatingin diretso sa akin. “Kitchen’s this way.” Akala ko diretso na kami sa trabaho. Pero nagulat ako nang may pagkain na nakalatag sa dining table—wine, steak, salad, and warm bread. “Hindi tayo magtatrabaho agad?” tanong ko. “We will. But you didn’t eat. Don’t lie, Pinky—I know your patterns.” Patterns? Napalunok ako. Ilang beses ko na siyang iniwasan nitong mga araw. Akala ko hindi niya napapansin. Tahimik akong naupo. Pinagmasdan niya ako habang sumusubo ng salad. Para akong binubusisi ng mga mata niyang hindi ko alam kung malamig ba o mapaglaro. “Why have you been avoiding me?” diretsong tanong niya. Hindi ako agad sumagot. Sana steak na lang ‘to na nilulunok ko, hindi ‘yung pride ko. “I’ve just been
 sorting my priorities.” “You mean Draemon?” Tumaas ang kilay ko. “He’s just my project partner.” “Pinky,” aniya, leaning forward, “I’m not a fool.” Bumigat ang hangin sa pagitan namin. Hindi ako makagalaw. Hindi ko alam kung dahil ba sa wine o dahil sa paraan ng pagkakatitig niya. “Sir, I think we should—” “No. You always say that. I think you should start being honest with yourself.” Tumayo ako, dala ang notes. “We came here for the Nike project. Let’s keep it that way.” Ngunit bago pa ako makalakad palayo, humakbang siya papalapit. Hindi galit, hindi mapilit—pero may presence. Yung tipong kahit hindi siya nagsasalita, nararamdaman mo na. “I like you, Pinky,” aniya, mababa ang tono. “But you keep running away.” At doon ako nayanig. Kasi totoo ‘yon. Ako ‘tong laging may panata, laging may rules, laging may ‘dapat’. Pero ngayon, wala na akong panata. Ako na lang ito—naguguluhan, takot, pero gustong maintindihan ang sarili. Tahimik ang sala habang hawak ko ang mga printouts ng editorial direction para sa Nike. Dumiretso kami sa mini-library niya matapos ang dinner. Ang lamesa sa gitna, punong-puno ng draft visuals, mood boards, at layout plans. Pero kahit gaano kaganda ang proyekto sa harap namin, ang presensya niya sa likod ko ang hindi ko matakasan. Kahit hindi siya nagsasalita, ramdam ko ang mga mata niyang nakatingin lang—hindi sa papel, kundi sa akin. “Pinky
” tawag niya, mahina, parang alon lang na humahampas sa tahimik na dalampasigan. Dahan-dahan akong lumingon. Nakatayo siya sa tabi ng bookshelves, hawak ang wine glass. Yung itsura niya—calm, collected, pero may kung anong intensity sa mga mata niya na hindi ko maipaliwanag. “I’m serious when I said I like you.” Napalunok ako. Tumalikod ako pabalik sa notes ko. “Sir, we’re working.” “I’m not just your boss tonight.” “Pero boss pa rin kita.” Lumapit siya. Ramdam ko ang hakbang niya—malambot pero matatag. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang init ng katawan niya sa gilid ko, masyadong malapit. Umupo siya sa tabi ko, pero hindi sa upuang malapit—sa mismong edge ng lamesa, paharap sa akin. “Alam kong marami kang iniisip. Alam kong hindi ako madaling mahalin. But Pinky, you know what’s harder? Pretending I don’t want you near me.” Tumigil ako sa pagsulat. Tumingala ako, at doon ko nakita—hindi na ito ‘yung Mr. Rivera na boss ko sa opisina. Ito na ‘yung Ismael na unti-unting nawawala sa kontrol, na ayaw na akong iwanan sa kahit anong distansya. Hinawakan niya ang kamay ko. Dahan-dahan. Para bang takot siyang mawala ako. “Pinky, I’m not like Draemon. I won’t wait at a distance. If I want you, I’ll go near you. Besides, I'm a freeman. Wala nang sagabal pa. Hindi na ako engaged.” Napatitig ako sa kamay naming magkadikit. Hindi ako umatras. Pero hindi rin ako gumalaw. “Sir
 hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Hindi pa ako buo. Hindi ko pa alam kung deserve ko ‘to—kung deserve mo ‘ko.” sagot ko naman. Napaisip ako baka nga siguro ako ang dahilan ng break up nila ni Callie. Everything is so sudden at nahihirapan akong mag react. I thought I already made a decision: to run away from someone na pinanata ko. And yet, nandito siya ngayon, trying to get close to me. “Then let me show you you do,” bulong niya, mas malapit. Muntik ko nang bitawan ang lahat. Muntik ko nang hayaan ang sarili kong mahulog. Pero tumayo ako. “Sir, I have to go. Na-email ko na rin po ‘yung final layout draft.” Hindi siya gumalaw. Nanatili siyang nakaupo sa edge ng lamesa, nakatingin lang sa akin. Hindi galit. Hindi rin disappointed. Pero halatang nasaktan. “You always run away,” ulit niya. At ngayong gabi, hindi ako nagpatuloy sa argumento. Kasi totoo siya. Ako nga ‘to—takot, naguguluhan, at ngayon, hinahabol ng dalawang lalaking parehong may saysay sa puso ko. Pareho nga ba? Kasi ang alam ko bias pa rin ako sa panata ko kahit na pinunit ko na ‘yon at binaon na sa limot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD