Pagkapihit ko ng doorknob, malamig na hangin agad ang sumalubong sa akin. Sumilip ako palabas ng pinto at napaatras nang bahagya. Malakas ang ulan. Parang naglalabas ng sama ng loob ang langit, at ako—gusto ko na lang sanang sumabay. “Perfect,” bulong ko sa sarili habang inipit sa kilikili ang folder ng mga drafts at nilagay sa ulo ang bag ko bilang panangga. “Makaka-uwi rin ako.” Pero bago pa man ako makatapak palabas ng doorstep, narinig ko ang boses niya sa likod ko—matigas pero may halong pakiusap. “Don’t even try.” Napalingon ako. Nakatayo si Mr. Ismael sa hallway, walang jacket, walang sapin sa paa, pero mukhang hindi niya alintana ang lahat ng ‘yon. Dire-diretsong tingin sa akin. Ulan lang ang pagitan namin. “Sir…” mahina kong tugon. “Kaya ko po ‘to.” Lumapit siya. Tumigil siy

