Tahimik pa rin. Malakas pa rin ang ulan. Parang sinasabayan ang ingay sa loob ko—yung gulo, yung kilig, yung kaba.
Nasa harapan ko pa rin si Mr. Ismael—Ismael, sabi niya. Masyado siyang malapit, parang kaya niyang basahin kahit ‘yung mga damdaming ayaw ko sanang ilabas.
“Pinky,” mahina pero madiin niyang tawag sa pangalan ko.
Napasinghap ako. Hindi ko alam kung dahil sa takot… o sa pagnanais.
“Hindi mo kailangang takasan ‘to,” dagdag niya. “Hindi ako katulad nila. Hindi ko kailangan ang perpekto mong sagot o panata.”
Napayuko ako, pilit na ikinukubli ang pagkalito sa sarili. Sa loob-loob ko, gusto kong tumayo. Gusto kong magsabi ng salamat sa kape, uuwi na po ako. Pero ang lakas ng ulan. At mas malakas siya.
“Huwag kang matakot sa sarili mong damdamin, Pinky,” dagdag niya. “Huwag mo nang itulak palayo lahat ng dumarating sa’yo.”
Tumayo ako nang bahagya, nag-aalangan, pero hindi siya umiwas. At nang tumingala ako ulit, kita ko ang malalim na ekspresyon sa mukha niya—hindi na lang basta desire. Nandoon ang paghanga. Nandoon ang sakit. Nandoon ang tanong kung bibitawan ko ba siya ulit.
“I-Ismael…” bulong ko. “Ayoko kasing… masaktan. Ayoko rin makasakit.”
“Piliin mo muna sarili mo,” aniya. “Dito ka ngayong gabi. Hindi para sa’kin. Para sa’yo. Para tanungin mo sarili mo kung sino ka kapag wala nang panata, wala nang utos, wala nang dapat.”
Tumigil ang mundo ko sa sinabi niyang ‘yon.
Para sa’kin? Para tanungin ko sarili ko?
Bumuntong-hininga ako at dahan-dahang umupo ulit. Ramdam ko pa rin ang kaba, pero pinilit kong ngumiti ng bahagya.
“Okay,” sabi ko, halos pabulong. “Pero isang gabi lang ‘to. Gabi ng… pag-iisip.”
Ngumiti siya. Malumanay. Hindi mapilit. Pero alam kong may sigaw sa likod ng kanyang katahimikan.
“Isang gabi lang,” ulit niya. “Pero sana, makita mo na sa loob ng gabing ‘to… hindi mo kailangang matakot mahalin kahit ‘yung mga bagay na hindi mo sinadya.”
Pagkatapos non—ng ulan, ng tension, ng mga salitang hindi ko masagot—parang ako’y binuhusan ng sariling bigat na hindi ko alam kung gusto ko bang dalhin o takasan.
Walang salita. Walang paliwanag. Basta siya ang nauna sa hagdanan, ako nama’y tahimik na sumunod. Ang damit niya, nakayakap pa rin sa akin. Mainit. Mabigat. Mabango. Parang siya.
Pagkahiga ko sa kama, ramdam ko agad ang lamig at pagod. Tulog agad ang katawan ko, pero hindi ang isip.
Ilang minuto lang siguro ang lumipas, o baka isang oras—hindi ko sigurado—naramdaman kong may presensya sa tabi ko. Hindi ko binuksan agad ang mata ko. Hinayaan ko lang. Baka panaginip. Baka guniguni lang ng isip kong pagod.
Pero hindi. Ramdam ko ang mainit na hininga malapit sa pisngi ko. May lumapat na palad sa buhok ko—banayad, maalaga, at may bigat ng damdaming hindi sinasabi.
“Pinky…” Mahina niyang tawag.
Nanatiling nakapikit ang mga mata ko, pero ang puso ko—gising na gising. Kumakabog. Nabubuhay. Nahuhulog.
Hindi ko alam kung may karapatan akong maramdaman ‘to. Pero nandito siya. Nandito ako.
“Hindi ko alam kung paano kita mapapasaya…” bulong niya. “Pero gusto kong subukan. Gusto kong malaman kung pwede pa kitang makuha, kahit alam kong naguguluhan ka.”
Pinigil ko ang hininga ko. Ayokong gumalaw. Ayokong makita niya na gising ako. Gusto kong marinig siya nang buo.
“Hindi ko alam kung papatawarin mo ako sa pagiging makasarili ko, pero gusto lang kitang makasama. Hindi bilang secretary. Hindi bilang babae ng panata—kundi bilang ikaw. Bilang Pinky.”
At doon ko naramdaman ang pinakamalambot, pinakamaingat na halik sa noo ko. Parang binasbasan ang buong pagkatao ko. Parang kinakausap ang mga bahagi ko na hindi ko pa nauunawaan.
Sunod ang halik niya sa ilong. Banayad. Mainit. May halong takot at pagsuyo.
“Tulog ka pa rin…” mahina niyang bulong, na para bang umaasa siyang hindi ko naririnig. “O baka ayaw mo lang akong harapin. Okay lang. Kahit ganyan ka lang, masaya na ako.”
Hindi ko na napigilan ang mata kong dumilat nang dahan-dahan.
Nagulat siya. Napaatras ng kaunti, pero nanatili sa tabi ng kama. Nakasuot pa rin siya ng long-sleeved shirt, basa pa ang buhok niya mula sa ulan. Pero ang mga mata niya—punong-puno ng emosyon.
“Gising ka?” mahina niyang tanong.
Tumango ako.
Tahimik.
Hindi ko alam kung anong sasabihin. Hindi ko rin alam kung anong nararamdaman ko. Pero ang sigurado ako—hindi ko na kayang lokohin ang sarili ko.
“Bakit mo ginagawa ‘to?” tanong ko, halos pabulong.
“Dahil gusto kita, Pinky. Matagal na.”
“Pero may Callie ka.”
“Wala na. Matagal nang wala. Sinubukan ko, pero ikaw ang nasa isip ko.”
Pumikit ako, pinilit pigilan ang mga luhang kanina pa gustong bumagsak. “Mahal mo lang ako kasi ako ang hindi mo maabot. Kasi ako ang pinipigilan ka.”
“Hindi.” Tumayo siya, lumuhod sa gilid ng kama. “Gusto kita kasi ikaw si Pinky. Matapang. Totoo. Masalimuot pero totoo. You make me want to be better. And that scares me.”
Hindi ako sumagot. Tumingin lang ako sa kanya.
“Hindi kita pipilitin,” dagdag niya. “Pero hayaan mo akong bantayan ka ngayong gabi. Kahit dito lang. Kahit ganito lang.”
Tumango ako, tahimik.
Ngunit bago pa man ako muling makaidlip, nagulat ako ng bigla siyang lumapit sa akin. This time, mas malumanay, gentle, and romantic. Kaagad niyang hinalikan ako sa aking labi. As in sa lips.
Gulat ako at hindi makagalaw dahil everything was sudden.
Ang lambot ng kanyang mga labi. Ang bango ng kanyang hininga. He kissed me na parang gusto niya akong angkinin ngayong gabi. Aggressively gentle at ang sarap ng kanyang mga labi.
I couldn't hide it anymore kaya gumanti na rin ako ng ng halik. Bahala na si batman. Malamig ang panahon, maulan sa labas, ngunit ramdam ko ang dahan-dahang pag- init ng katawan ko habang naghahalikan kaming dalawa.
“I want you tonight, Pinky.” Sabi pa niya habang dahan-dahang iniusog ang katawan niya papalapit pa sa akin. Lose ang shirt ko, at to be exact ay wala akong suot na bra dahil basa ito sa ulan.
While he kept on kissing me, dahan-dahang gumalaw ang kanyang mga kamay sa katawan ko. Isinuot niya ang kamay niya sa ilalim ng aking shirt.
“Can I?” Tanong pa niya, but hindi na niya ako hinintay na makasagot dahil kaagad niyang dinakma ang aking malusog na mga melon. Grabe, ang init ng kamay niya enough para mag cause ng kuryente sa buing katawan ko.
“Ang lambot. I wish I could touch your heart too…” Muling sabi pa niya in between our kisses. Slowly, he becomes aggressive na parang kanina ay pinapainit lang niya ang katawan niya.
Ngayon, dahan-dahan niyang hinubad ang damit ko.
“I want to own you tonight, Pinky. And nothing can stop me from doing that…” he declared, sabay baba ng kanyang halik papunta sa aking leeg.
Nakikiliti ako, and I can't help but napa-ungol na lang sa sobrang sarap ng kanyang mga labi.
“Uhmmm…”
“From now on, every part of you is mine. Mine only…” sabay baba pa ng kanyang halik patungo sa aking mga sus0. Shet! I couldn't help it dahil sa sarap ng kanyang dila na nilalaro ang u***g ko.
“Uhmmm… ugh,” ungol ko pa habang hindi ko alam kong saan ko ibabaling ang ulo ko. Ang mga kamay ko naman ay napahawak sa kanyang buhok, pilit king idinidiin ang kanyang mga labi dahil gusto kong maramdaman ang rurok ng langit sa piling ng lalaking minsan ko ng pinanata.