Pinky Miranda’s POV Ang lamig ng gabi, pero mas malamig ang pakiramdam ko matapos akong itaboy ni Ismael. “Wag ka nang makialam sa gulong ‘to, Pinky. Mapapahamak ka lang.” Paulit-ulit ‘yang pumapasok sa isip ko habang naglalakad akong mag-isa sa gilid ng daan. Ni hindi ko na namalayang basa na pala ang pisngi ko sa luha. Hindi ko maintindihan kung galit ako, o sobrang nasasaktan. Pero isa lang ang sigurado ko—na parang wala akong halaga sa kanya. Na kahit may dala akong ebidensyang puwedeng magpabago ng lahat, tinuring lang niya akong abala. I gave him everything I could. Effort, oras, suporta. Wala akong tinira para sa sarili ko. Pero bakit ganun? Sa isang iglap, binalewala lang lahat? Gusto kong bumalik sa mansion niya, sigawan siya, tanungin kung ano ba talaga ako sa kanya. Pero an

