Tahimik ang buong mansyon maliban sa mahinang ugong ng air conditioning. Hawak-hawak ko si Pinky habang inaalalayan ko siyang humakbang papasok sa guest room. Lasing na lasing siya—malamig ang palad, pawisan ang noo, pero buo pa rin ang pagngiti niya kahit lutang ang ulirat. “Dito ka muna matulog,” sabi ko habang marahan siyang inihiga sa malambot na kama. Sumubsob siya agad sa kumot, parang batang nakahanap ng kanlungan. Napangiti ako kahit may kirot sa dibdib. Wala akong ideya kung paano nauwi ang gabing ‘to sa ganito—isang emosyonal na gulo, isang suntukan sa club, at ngayon, eto siya… tulog sa kama ko. Humakbang ako palayo, pero biglang humigpit ang hawak niya sa braso ko. “Wag ka munang umalis…” bulong niya, halos hindi ko narinig. Napatigil ako. Tumingin ako sa kanya. Namumugto

