Isang ordinaryong umaga. Pero kahit pa ilang ulit kong sabihin ’yon sa sarili ko, alam kong hindi na ako babalik sa dati. Hindi pagkatapos ng nangyari sa mansion ni Mr. Ismael. Sa bawat hakbang ko patungo sa Rivera Publication, pilit kong kinakalimutan ’yong mga halik niya. ’Yong init ng kamay niya. ’Yong boses niyang mababa habang sinasabi kung gaano niya ako gusto. It was a mistake. An unforgettable mistake…maybe? I don't. But what I know is that mali ‘yong nangyari sa amin at hindi dapat nangyari ‘yon. Gusto kong bumalik sa pagiging sekretarya lang. Gusto kong hindi siya pansinin. Gusto kong hindi siya sabik sa akin, at ako rin sa kaniya. Pero paano kung totoo nga ang sinabi niya? Na ako na itong palaging umaatras. Palaging natatakot. Pumasok ako sa opisina, pilit kong itinaas ang mu

