Tahimik ang buong gusali. Tanging tik-tak ng wall clock at mahihinang tunog ng keyboard lang ang naririnig sa buong floor. Alas-nuwebe na ng gabi. Ako na lang yata ang naiwan sa office para tapusin ang mga papeles para sa Nike partnership. Hindi ko na alam kung dahil ba sa dami ng trabaho o dahil ayoko munang umuwi at harapin ang tambak ng emosyon sa utak ko. Pero habang pinipilit kong i-focus ang sarili sa mga graphs at data, biglang namatay ang ilaw. Kasunod agad ang katahimikan. “Ha?” bulong ko sa sarili. “Brownout?” Napahinto ako. Kinabahan. Dahan-dahan kong nilapag ang mouse at luminga sa paligid. Wala akong naririnig. Wala akong makita. “Hello?” mahinang tanong ko. “May tao pa ba?” Tahimik pa rin. Tumayo ako at kinuha ang phone ko para gawing flashlight. Palabas na sana ako ng

