CHAPTER ONE
SARAH POV.
Tahimik akong tumutugtog ng piano sa loob ng malawak na kuwarto. Marahan nakapikit at suot ang isang simpleng mahabang bistida. Bawat hagod ng mga kamay ko sa piano ay talagang humahaplos sa puso ko. Natigilan ako sa pag piano nang malakas nagbukas ang pinto ng kuwarto ko.
"Darling, magbihis ka na. We gonna go a few hours," malambing na saad ni Mommy sa akin at mahina tumango lamang ako.
Nang makalabas si Mommy sa kuwarto ko ay tumigil ako sa pag tugtog ng gitara. Dahan-dahan ako tumayo ng upuan at nagtungo sa harap ng closet. Kinuha ko ang magandang damit at humarap sa salamin. Doon sinubukan tingnan kung nababagay ba sa akin ang damit na napili ko. Tipid akong napangiti dahil komportable ako sa napili kong damit. Nang maisuot ko ang simpleng black long-dress habang labas at kita ang buong likuran ko. Suot ko rin ang isang mataas na sandals at nakapusod ang buhok. Lumabas ako ng kuwarto at nakitang naka upo sa sofa sina Mom at Dad at naghihintay sa akin.
"Finally, you are done Sarah," sikmat ni Dad at nilapitan ako ni Mommy.
"You're so beautiful darling," nakangiting baling sa akin ni Mom.
"Thank you," mahinhin kong sambit at inaya na ako ni Mom palabas ng malaking pinto ng mansyon.
Kasama sina Mom at Dad sumakay sa mahabang itim na sasakyan. Doon umalis ang sasakyan at makailang oras ay nahinto ang mga ito sa tapat ng malaki at magandang bahay. Pinagbuksan kami ng pinto ng sasakyan nang makarating at agad rin bumaba. Pinagmasdan ko ang kabuan ng malaking bahay at ilang sandali ay inaya na ako ni Mommy papasok sa malaking bahay. Sinalubong kami ng ilang mga babae nakasuot ng magarang damit. Habang ako naman ay naupo lamang sa tapat ng mesa, nag iisa lamang ako at napatingin sa isang grupo ng mga babae. Masaya ang mga itong nag uusap habang ako naman ay nag iisa at pinanonood lamang ang mga ito.
Nag iisa lamang akong anak, lumaki ako na tanging si Mommy lamang at Yaya Faye lamang ang tanging nakakausap ko. Wala akong kahit na isang kaibigan na babae, hindi ko alam kung bakit pero 'wala akong interes makipag kaibigan sa kahit sino. Madalas nararamdaman ko ang ingit sa akin ang ibang mga nagiging kaibigan ko. Dahilan para layuan ko ang mga ito, hindi ako iyong tao na handa magpanggap maagaw lamang ang atensyon ng iba. Kung ayaw ko sayo lalayuan kita, ngunit kung gusto kita, aabutin kita. Masaya lamang akong tanging piano lamang ang kasama ko hanggang sa lumaki ako, kausap lamang online ang mga old friends ko sa collage. kung minsan nagpupunta ako mag isa sa bar para uninom, naglilibang ngunit hanggang doon lamang ako.
"Darling, wait me here. Mag uusap lang kami ni Mrs: Montefalco," baling ni Mommy sa akin at tumango lamang ako.
Maya-maya ay nilapagan ako ng waiter ng isang juice at kinuha't nagpasalamat rin ako. Ininom ko ang juice at nalipat naman ang tingin ko sa dulo ng lamesa kung saan mayroong mahinang nagtatawanan na mga lalaki. Nakasuot ng pormal na damit ang mga ito at mahinang nagtatawanan. Doon naagaw ng pansin ko ang blonde hair na lalaki, maputi at maganda ang pangangatawan. Nakasuot ito ng polo habang mayroong itim na coat. Hindi ko namalayan napapangiti ako habang pinanonood itong tumatawa na nakikipag usap sa mga katabing nitong mga lalaki. Nang mapansin ko ang sarili ko ay agad pinawi ang ngiti ko sa labi. Mabilis akong tumayo at binitbit ang juice na hawak ko. Binalingan ang kabuan ng party at akmang maglalakad ngunit malakas ako nabangga sa taong nakasalubong. Doon nabitawan ko ang juice na hawak at nalaglag ito sa sahig. Nag angat ako ng tingin at nabungaran sa harap ko ang lalaking blonde ang buhok na kaninang minamasdan ko. Nakitang kong nabuhusan ng juice ang suot nito at nagkatitigan kami nito.
"What the-," sambit nito nang makita ang natapon na juice sa damit nito.
"So-sorry," nauutal na baling ko rito.
"Troy, dude. I have some thing to-," baling ng lalaki sa kaniya at natigilan nang makita ang tapon ng juice sa damit nito.
"I'm sorry for that," sambit ko at agad dumampot ng tissue akmang pupunasan ang damit nito ngunit tinabig nito ang kamay ko.
"No, it's fine," wika nito at nalipat ang atensyon sa lalaking nasa harap nito.
"What?" baling nito sa lalaking nasa harap.
Pinagmasdan ko ng maigi ito hanggang sa mawala na ito sa harap ko. Naiwan akong nakatayo lamang at tinapunan pa ng tingin ito habang papalayo.
"Darling, are you okay?" baling na tanong ni Mom nang makalapit sa harap ko.
"Yes," nakangiting sambit ko at bumalik sa kinauupuan ko. Makalipas ang ilang oras ay nagpasiya ako lumabas ng malaking bahay at maglakad-lakad sa malawak na hardin. Napakaganda ng hardin at napalilibutan ng magagandang mga bulaklak. Tahimik akong nagpalakad-lakad ng mahagip ng tingin ko ang dalawang tao na natatakpan ng malaking halaman, doon inaninag ko at dahan-dahan sinipat ng tingin. Natigilan ako nang makita ang dalawang taong naghahalikan sa likuran ng halaman. Napalunok ako habang pinapanood ang mga ito, nakilala ko ang lalaki dahil sa kulay ng buhok nito. Ngunit nag taas baba ako ng tingin sa babaeng kahalikan nito. Nakasuot lamang ng itim na skirt at long-sleeve na kulay puti. Dahan-dahan natigilan ang mga ito at napalingon sa akin.
"Hi," nakangiting saad ko nang balingan ako ng tingin.
"I'm Sorry if i bothered you, please continued," sambit ko at akmang tatalikuran na ang mga ito ngunit mabilis nauna umalis sa akin ang naka skirt na babae. Nilagpasan ako at napalingon ako sa lalaking blonde ang buhok. Napahilamos ito gamit ng palad sa mukha at tinapunan ako ng tingin
"Can you just stop stalking with me," sambit nito na kinabigla ko.
"Wh-what?" nauutal na turan ko rito.
Akmang aalis sa harap ko ngunit agad ako nagsalita at nahinto ito.
"Hindi ko kasalanan kung naistorbo ko kayo, may hotel at kuwarto naman pero pinili ninyo rito mag landian," inis kong baling rito at nagkatitigan kami nito. Maya-maya napakunot noo ako nang ngumisi ito at nakita ang magandang pag ngiti nito.
"Okay, fine," tipid na saad nito at umalis na sa harap ko. Naiwan ako sa hardin at malalim nagbubuntong hininga.
"Badass," inis kong sambit at inis na umalis sa kabuan ng hardin. Pumasok ako sa loob at bumalik sa kinauupuan ko. Binalingan naman ako ni Mommy na ngayon ay katabi ko sa upuan.
"Do you wan't something food? Darling," baling ni Mommy a umiling lamang ako rito. Ilang sandali napalingon ako sa lalaking kasama ng Daddy ko palapit sa kinaroroonan namin. Nakita kong nakangiti ang lalaking iyon ngunit agad nawala nang makalapit sa amin.
"He's Enzel Troy Montefalco." Pakilala nito sa blonde ang buhok. Nakatitig lamang ako sa lalaki at pilit akong nginitian nito.
"Troy, meet my daughter and my wife," dugtong pa ni Dad at nabigla ako nang kunin nito ang kamay ko at dampian ng labi nito.
"Nice to meet you," nakangising sambit matapos halikan ang kamay ko.
Nakatitig lamang ako rito hanggang sa bitawan na nito ang kamay ko. Walang kurap-kurap ang mga matang nakatunghay rito.
"Sarah," rinig kong tawag ni Daddy sa akin.
"Sarah," muling tawag sa akin at napalingon ako.
"Yes, Mom," baling ko kay Mommy.
"Ang Daddy mo, hindi ako," sambit ni Mom at nalipat ang tingin ko kay Daddy.
"Isasayaw ka ni Mr, Montefalco. It's okay darling right?" saad ni Dad at nalipat ang tingin ko sa lalaking si Troy.
"Ye-yeah, sure," saad ko habang walang emosyon ang mukha nito nakatuon sa akin. Doon dahan-dahan kinuha nito ang kamay ko at mahina hinila patungo sa gitna ng mga nagsasayaw. Humawak ang dalawang kamay nito sa bewang ko habang sa balikat naman nito ang mga kamay ko.
'Walang emosyon itong nakatitig sa mga mata ko at ganoon rin ako, tahimik ang pag galaw ng mga paa namin hanggang sa maghiwalay ang mga kamay namin at umikot ako. Ngunit sa pagharap ko ay ibang lalaki na ang nasa harap ko. Napakunot noo ako at nilingon ang lalaking si Troy habang naglalakad palayo sa amin.
"Good evening," sambit ng lalaking nasa harap ko.
"Ba-bakit ikaw ang kasayaw ko? Saan siya pupunta?" mabilis kong tanong sa lalaking bagong kasayaw ko.
"Si Troy ba, meron mahalaga lang pupuntahan iyon. Sa ngayon, ako muna ang kasayaw mo," sambit nito at hindi ako naka imik. Tahimik akong nakipag sayaw rito hanggang sa muli ito magsalita.
"My name is Edward," sambit nito at napatitig lamang ako rito.
"Sarah," 'walang gana na pakilala ko rito.
Nakakainis dahil pinasa ako nito sa ibang lalaki, pero ayos lang. Hindi naman kawalan ang badass na lalaking iyon.