Jean POV
Ayokong makita siyang bumalik sa panahong 'yon dahil ramdam kong doon nagsimulang magbago ang takbo ng lahat.
"Diya, kung kailangan mong malaman ang buong katotohanan sasamahan kita, pero kailangan kong malaman kung saan ako lulugar." sabi ko habang nakaharap sa kanya sa sala.
Napatingin siya sa akin na parang hindi niya kayang sagutin agad ang tanong ko.
"Hindi kita iiwan," sabi niya ngunit hindi 'yon ang sagot na hinahanap ko.
"Hindi sapat 'yon, dahil legally ako ang walang karapatan sa'yo." amin ko sa kanya.
Tahimik siya at sa katahimikang 'yon mas lalo kong naramdaman na unti-unti akong natatalo ng isang lalaking hindi man lang niya maalala.
Biglang nag-ring ang phone niya at nakita kong nanigas ang expression niya nang mabasa ang pangalan sa screen.
"Rafael," mahina niyang sabi bago sagutin ang tawag.
⸻
Rafael POV
Hindi ko ugaling tumawag nang walang malinaw na dahilan, pero alam kong mas mabuting manggaling sa akin ang susunod na impormasyon kaysa sa iba.
"Diya, nakausap ko na ang records officer sa Naic." direkta kong sabi nang sagutin niya ang tawag.
Tahimik siya sa kabilang linya, pero alam kong nakikinig siya nang mabuti.
"Available ang certified copy ng prenuptial agreement at medical abstract, pero kailangan mong personal na pumirma para ma-release." dagdag ko.
"Anong medical abstract?" tanong niya may bahagyang panginginig sa boses.
"Psychiatric evaluation summary," sagot ko nang hindi na pinatagal.
May ilang segundong katahimikan bago siya nagsalita ulit.
"Rafael...ganoon ba kalala?"
Pinikit ko ang mata ko sandali bago sumagot.
"You were under extreme emotional distress."
Hindi ko na binanggit na ako ang huling taong nakausap niya bago siya nawalan ng malay, dahil alam kong sapat na ang bigat ng impormasyong hawak niya ngayon.
"Pupunta ako sa Naic," malinaw niyang sabi sa wakas.
"Sabihan mo ako kung kailan, dahil naroon din ako noong araw na iyon, at may mga detalye na hindi mo makikita sa papel." tugon ko.
Pagkababa ko ng tawag, alam kong ang susunod na pagkikita namin hindi na lang tungkol sa verification ng isang kasal kundi sa pag-verify kung kaya ba naming harapin ang version ng sarili namin noong araw na 'yon.
—
Diya POV
Hindi ako nakatulog nang gabing 'yon dahil paulit-ulit sa isip ko ang salitang psychiatric evaluation summary na parang may sariling t***k sa loob ng ulo ko.
Taong 2021.
Siyam na taon ang nakalipas, pero habang nakatingin ako sa kisame ng kwarto ko para bang bumabalik ang bigat ng hangin noong panahong 'yon ang mga tawag ng bangko, ang mga sulat ng demanda, ang tahimik na pag-iyak ni Mama sa kusina.
"Diya, kailangan nating maging practical, kung may paraan para mailigtas ang kumpanya, bakit hindi natin pakinggan?" boses 'yon ni ate Lianne sa alaala ko, matigas at diretso.
"Hindi ako produkto na ipagpapalit," sagot ko noon, pero kahit sa memorya ko ramdam ko ang panghihina ng loob ko.
Kinabukasan, nasa kotse ako papuntang Naic kasama si Rafael at tahimik ang biyahe na parang pareho kaming may sariling laban na hindi pa namin kayang ipaliwanag sa isa't isa.
"Hindi kita pipilitin, kung ayaw mo, we walk away." bigla niyang sabi habang nakatutok ang tingin sa kalsada.
Napatingin ako sa kanya noon, sa lalaking halos hindi ko kilala kundi bilang anak ng pamilyang may kakayahang sagipin ang negosyo namin.
"Kapag nag-walk away tayo, babagsak ang kaso ng Papa ko."
Mahigpit ang hawak ko sa bag ko habang sinasabi 'yon at doon ko unang naramdaman na hindi na lang ito tungkol sa akin.
"Ang kasal nating 'to, Diya, kasunduan walang obligasyon na lampas sa papel." dagdag niya kontrolado ang tono.
"Pero may obligasyon sa konsensya," sagot ko at doon siya sandaling tumingin sa akin.
Ngayon, siyam na taon ang lumipas, nanginginig ang mga daliri ko habang iniisip ko kung 'yon ba talaga ang mga salitang binitiwan ko o likha lang ng isip kong naghahanap ng paliwanag.
"Rafael, noong araw na 'yon... natatakot ba ako?" sabi ko nang marahan habang papalapit kami sa municipal hall ng Naic sa kasalukuyan.
⸻
Rafael POV
Hindi ko agad sinagot ang tanong niya dahil alam kong anumang sagot ko maaaring magbukas ng sugat na matagal nang tinakpan.
"Oo, pero hindi ka mahina." sagot ko sa kanya hindi inaalis ang tingin sa daan.
Tahimik siya sa tabi ko at nakita ko sa peripheral vision ko ang pagkurap niya na parang pinipigilan ang pag-iyak.
"After mong pumirma, nagkaroon ka ng panic attack sa labas ng registry. Hindi ka makahinga." dagdag ko naman sa kanya.
Napahawak siya sa dibdib niya na parang kusang bumabalik ang sensasyon.
"May sinabi ba ako?" tanong niya halos pabulong ng magsalita siya.
"Sinabi mo na sana matapos na ang lahat," sagot ko at kahit ako hindi ko makalimutan ang tunog ng boses niyang 'yon hindi siya matapang, hindi matatag, kundi pagod na pagod.
Huminto ang sasakyan sa harap ng lumang gusali ng munisipyo at sandaling bumalik sa akin ang eksaktong eksena ng limang taon na ang nakalipas ang init ng araw ang mga matang nakatingin at ang babaeng nakatayo sa tabi ko na piniling magsakripisyo para sa pamilya niya.
"Hindi ko inakala na babalik ito sa ganitong paraan," amin ko sa unang pagkakataon hindi bilang negosyante kundi bilang lalaking may bahagi sa desisyong 'yon.
"Bakit pumayag ka?" diretso niyang tanong sa akin habang nakahawak sa door handle handang bumaba.
"Dahil kailangan ko ring protektahan ang pangalan ng pamilya ko," sagot ko at huminto ako sandali bago magsalita ulit.
"At dahil naniwala akong kaya mong panindigan ang desisyon mo."
Tumingin siya sa akin nang matagal at sa mga mata niyang 'yon nakita ko ang paghahalo ng galit at pag-unawa.
"Hindi ko alam kung kaya ko pa," sabi niya.
"Then let's find out," sagot ko ng sabay bukas ng pinto.
Habang bumababa siya ng sasakyan at humarap sa gusaling naging saksi sa isang kasalang walang seremonya alam kong hindi lang alaala ang babalikan namin doon kundi ang mismong version ng sarili naming handang isakripisyo ang lahat para sa responsibilidad.
—
Diya POV
Pagpasok ko sa municipal hall ng Naic, parang may malamig na kamay na dahan-dahang pumisil sa batok ko at sa bawat hakbang ko sa makintab ngunit luma nang sahig may mga imahe na kumikislap sa gilid ng paningin ko.
"Ma'am, for records retrieval po?" tanong ng staff sa window at tumango ako kahit parang hindi ko maramdaman ang sarili kong boses.
"Yes, certified copy and supporting documents under Diya Sharma... 2021," sabi ko.
Habang hinihintay namin ang file, napasandal ako sa upuan at kusang bumalik ang eksena ng isang maliit na conference room, si Papa na tahimik lang nakaupo habang kaharap si Gregorio Silva at si Mama na nakahawak sa rosary niya.
"Anak, ito lang ang paraan, hindi kita pipilitin, pero mauubos tayo kapag natalo ang kasong ito." sabi ni Papa noon, hindi galit kundi pagod na pagod.
"Gaano katagal ang kasunduan?" tanong ko noon kay Rafael pilit kong pinatatag ang boses ko.
"Hanggang ma-stabilize ang parehong negosyo at malinaw sa kontrata ang boundaries." sagot niya diretso ang tingin sa akin.
"Boundaries?" ulit ko at halos matawa ako sa irony.
"Kasal na may boundaries."
Sa kasalukuyan, napapikit ako nang mariin dahil mas malinaw na ang mga detalye kaysa kanina at kasabay noon ang kirot sa dibdib ko.
"Diya?" marahang tawag ni Rafael sa tabi ko.
"Naalala ko ang conference room at ang mukha ni Papa." sagot ko humihingal na parang tumakbo ako.
Hindi niya ako hinawakan, pero ramdam ko ang paglapit niya ang tahimik na presensyang parang handang sumalo kung tuluyan akong mabuwal.
⸻
Rafael POV
Nakita ko ang pagbabago sa ekspresyon niya ang pag-igting ng mga daliri niya habang hawak ang bag at alam kong unti-unting bumabalik ang alaala na matagal niyang itinulak palayo.
"After ng meeting na 'yon, humingi ka ng oras." sabi ko nang mahinahon.
Napatingin siya sa akin tila hinihintay ang susunod kong sasabihin.
"Lumabas ka sa veranda ng municipal building at sinabi mong hindi mo kayang magmahal sa ilalim ng utang na loob," dagdag ko at kahit ako hindi ko 'yon malimutan ang linya niyang 'yon.
"Sinabi ko 'yon?" mahina niyang tanong.
"Oo, at sinabi ko ring hindi ko hinihingi ang pagmamahal mo, kundi ang pirma mo." sagot ko.
Napayuko ako sandali dahil kahit gaano ko ipaliwanag noon na ito purely legal arrangement, hindi ko maikakaila na may bahagi sa akin na humanga sa tapang niya.
Lumapit ang records officer dala ang makapal na brown envelope at inabot 'yon kay Diya matapos niyang pumirma.
"Complete file po, including attached medical abstract," sabi ng staff bago umalis.
Nakita kong nanginginig ang kamay niya habang dahan-dahan niyang binuksan ang envelope at sa unang pahina pa lang naroon na ang pamilyar kong pirma sa tabi ng pangalan niya.
"Rafael, bakit may clause dito tungkol sa 'temporary cohabitation compliance'?" bulong niya hindi galit kundi nalilito.
Huminga ako nang malalim dahil alam kong ito ang susunod na pasabog.
"Dahil may panahon na kinailangan nating magpakita bilang tunay na mag-asawa," sagot ko ng diretso at walang pag-ikot.
Nanlaki ang mga mata niya at sa sandaling 'yon, alam kong ang pagbabalik sa 2021 hindi lang simpleng pag-alala ng isang pirma kundi pagharap sa katotohanang may mga desisyong ginawa siya na mas malalim kaysa sa inaakala niya.
—
Diya POV
"Temporary cohabitation?" ulit ko na mas malinaw na ngayon ang boses ko pero mas mabigat ang bawat pantig habang nakatitig sa clause na tila nanunukso sa akin sa gitna ng pahina.
Parang may piraso ng salamin na dahan-dahang bumabaon sa dibdib ko dahil kasal na nga, may kasamang pagsasama pa kahit pansamantala.
"Ilang buwan?" direkta kong tanong kay Rafael nang hindi inaalis ang tingin sa documents.
"Three, tatlong buwan na kailangan nating manatili sa iisang residence para hindi kwestiyunin ng board at ng legal auditors ang arrangement." sagot niya na walang pag-aalinlangan.
Napahawak ako sa gilid ng mesa dahil sa mismong sandaling 'yon may biglang kumislap sa isip ko isang malaking bahay, malamig ang interior at ang tunog ng sarili kong takong sa marmol na sahig.
"Nandoon ako, sa bahay nyo." bulong ko at napatingin siya agad sa akin.
Tumango siya nang bahagya.
"Sa guest wing."
"Hindi sa iisang kwarto?" tanong ko may halong galit at paghingi ng katiyakan.
"Hindi," sagot niya agad at doon ko nakita ang unang emosyon sa mukha niya na hindi kontrolado parang may bahagyang insulto sa idea na pinilit niya ako.
Bigla kong naalala ang isang gabi na nakaupo ako sa gilid ng kama hawak ang phone ko, gusto kong tawagan si Jean pero hindi ko magawa dahil wala akong paliwanag na maibibigay.
"Hindi ko siya sinagot noon, tinawagan niya ako nang paulit-ulit." mahina kong sabi sa kanya at sa sarili ko.
Tahimik si Rafael at sa katahimikang 'yon parang mas naramdaman ko ang bigat ng limang taon na nakalipas.
⸻
Rafael' POV
Hindi ko kailanman tinanong kung bakit hindi niya sinagot ang mga tawag ng boyfriend niya noon dahil alam kong wala akong karapatang manghimasok sa personal niyang buhay, pero ngayon malinaw na may mga sakripisyong ginawa siya na hindi ko man lang inusisa.
"Pinili mong huwag sagutin, dahil ayaw mong madamay siya sa gulo ng pamilya mo." sabi ko nang mahinahon hindi bilang paratang kundi bilang katotohanan.
Napatingin siya sa akin at sa mga mata niyang 'yon nakita ko ang unti-unting pagbubuo ng alaala.
"May gabi na nag-collapse ka ulit, doon nagsimula ang medical evaluation." dagdag ko.
"Sa bahay nyo?" tanong niya.
"Hindi, sa opisina ni Dr. Elionne Veridiano sa Dasmariñas, inirekomenda siya ng family physician namin." sagot ko.
Napapikit siya sandali at nakita kong may pumatak na luha na mabilis din niyang pinahid.
"Sinabi ba ng doktor na hindi ako stable?" tanong niya at walang takot.
"Sinabi niya na overloaded ka, hindi ka baliw, hindi ka mahina, pero nasa limit ka na." sagot ko.
Humigpit ang hawak ko sa envelope habang pinapanood siyang unti-unting tanggapin ang piraso ng nakaraan na matagal niyang hindi nahawakan.
"Rafael, may nangyari ba sa atin habang magkasama tayo sa iisang bahay?" sabi niya sa wakas mas steady na ang boses.
Alam kong hindi lang pisikal ang tinatanong niya kundi emosyonal, moral at lahat ng bagay na maaaring magbago sa pagkakakilala niya sa sarili niya.
"Wala akong ginawa na hindi mo pinayagan at may mga hangganan na ikaw mismo ang nagtakda." sagot ko naman.
Tahimik siyang nakatingin sa akin parang nag-sisigurado kung totoo ang bawat salita ko.
"At kung may nangyari man, 'yon ang pag-respeto ko sa desisyon mo kahit alam kong hindi ako ang mahal mo." dagdag ko na lang kahit wala naman nangyari sa amin nirerespeto ko ang gusto niya.
Sa sandaling 'yon, hindi lang ito isang kasunduan na limang taon na ang nakalipas—kalayaan ng bawat ang nakasalalay dito.
Gusto ni Diya lumaya sa kasal na hindi niya alam at gusto.
—
Diya POV
Hindi ko alam kung alin ang mas masakit ang posibilidad na may nangyari sa amin noon o ang katotohanang wala akong maalala kung paano ko pinili ang bawat hakbang.
"Gusto kong makita ang medical abstract," sabi ko mas matatag na ngayon ang boses ko kahit nanginginig pa rin ang mga daliri ko habang binabaliktad ang mga papel sa loob ng envelope.
Nang makita ko ang pangalan ni Dr. Elionne Veridiano sa header ng documents may kung anong kumirot sa likod ng ulo ko parang may pinto na gustong bumukas pero may nakaharang pa ring kandado.
"Read it," sabi ni Rafael nang mahina hindi siya lumalapit pero naroon ang presensya niya sa gilid ko.
Patient presented with acute anxiety triggered by financial litigation stress and familial pressure. Decision-making capacity intact but emotionally compromised.
"Emotionally compromised," ulit ko naman parang hindi ko matanggap ang terminong 'yon na nakasulat sa papel na tila ba simpleng diagnosis lang.
"Hindi ibig sabihin nito na wala kang consent," maingat niyang sabi.
"Pero ibig sabihin, hindi ako buo," sagot ko at sa unang pagkakataon naramdaman ko ang galit hindi sa kanya, hindi sa pamilya ko, kundi sa sarili ko.
Biglang may kumislap na alaala sa isip ko—ako, nakaupo sa harap ng doktor, nanginginig ang kamay ko habang sinasabi ko, 'Kaya ko ito, kailangan kong kayanin.'
Napahawak ako sa mesa dahil parang umiikot ang paligid.
"Diya, breathe." tawag ni Rafael sa akin mas malapit na siya ngayon.
"Sinabi ko ba sa doktor na mahal ko si Jean?" tanong ko may gusto lang ako malaman.
Sandali siyang natahimik bago sumagot.
"Oo."
Parang may tumama sa dibdib ko.
"At ano ang sinabi ko tungkol sa'yo?"
Huminga siya nang malalim bago magsalita.
"Sinabi mo na ako ang tamang desisyon, pero hindi mo ako gusto."
Napapikit ako dahil doon nagsimulang magtagpo ang dalawang version ng sarili ko ang babaeng nagmahal at ang babaeng pumili ng responsibilidad.
⸻
Rafael POV
Hindi ko gustong bumalik sa eksenang 'yon dahil kahit noon alam kong ako ang dahilan ng nangyayari sa kanya ngayon.
"Tinanggap ko 'yon, dahil malinaw sa akin kung bakit mo ito ginawa." sabi ko nang tahimik sa kanya.
Tumingin siya sa akin na parang ngayon lang niya ako tunay na nakikita hindi bilang apelyido sa papel kundi bilang taong kasama niya sa pinakamabigat na desisyon ng buhay niya.
"Bakit hindi mo ako tinanggihan noon?" tanong niya natawa ako ng bahagya pwede naman talaga kung gugustuhin ko.
"Dahil kung tinanggihan kita babagsak ang kumpanya ng pamilya mo at dahil naniwala akong matatapos din ito." sagot ko agad sa kanya.
"Natapos ba?" bulong niya.
Hindi ako agad nakasagot dahil ang totoo hindi ito natapos natulog lang ang katotohanan at ngayon bumalik para maningil.
"Sa papel, oo, pero sa realidad, hindi." sagot ko sa wakas.
Tahimik kaming dalawa sa gitna ng munisipyo hawak ang mga documents nagpapatunay na limang taon na kaming mag-asawa sa batas kahit hindi sa puso.
"Rafael, kung hindi ako nag-breakdown noon... kung mas malinaw ang isip ko... pipiliin ko pa rin ba ito?" sabi niya pagkatapos ng mahabang katahimikan.
Tinitigan ko siya dahil 'yon ang tanong na kahit ako hindi alam ang sagot.
"Hindi ko alam, pero alam ko na kahit sa gitna ng takot mo, ikaw ang pumirma." sagot ko nang tapat sa kanya.
Sa mga mata niyang unti-unting nababalutan ng determinasyon, nakita ko na hindi na siya ang babaeng nalulunod sa utang at pressure—isa na siyang babaeng gustong harapin ang buong katotohanan.
"At ngayon, pipili ako ulit pero hindi dahil sa takot." dagdag niya at isinasara ang envelope na hawak niya.
Sa sandaling 'yon, alam kong ang pagbabalik sa 2021 hindi lang para alalahanin ang nakaraan, kundi para ihanda siya sa desisyong gagawin niya sa kasalukuyan, isang desisyong maaaring tuluyang mag-hiwalay o mag-buklod sa amin sa paraang hindi na kasunduan lang.