bc

The Nameless Marriage

book_age18+
1
FOLLOW
1K
READ
contract marriage
BE
family
HE
love after marriage
second chance
friends to lovers
boss
heir/heiress
drama
bxg
city
office/work place
addiction
civilian
like
intro-logo
Blurb

Akala ni Diya Sharma, malinaw ang direksyon ng buhay niya. Labintatlong taon na silang magkasama ni Jean Martin—mula high school hanggang sa pareho na silang may trabaho sa Mandaluyong. Sa wakas, handa na silang magpakasal. Kumpleto ang plano, kumpleto ang pangarap, at halos kumpleto na rin ang requirements.Isang ordinaryong araw sa pagkuha ng CENOMAR ang naging simula ng pagkawasak ng lahat. Hindi "Single" ang lumabas sa rekord ni Diya. Nakasaad doon na siya ay kasal na sa isang lalaking nagngangalang Rafael Silva limang taon na ang nakaraan sa Naic, Cavite.Hindi niya maalala ang kasal. Hindi niya maalala ang araw. Pero pamilyar ang pangalan. Parang may bahagi ng nakaraan na pilit niyang tinatakasan.Habang pilit nilang hinahanap ang katotohanan, mas lumalalim ang sugat. Valid ang marriage certificate. Walang peke. Walang mali sa dokumento. Legal na asawa niya si Rafael Silva—isang lalaking galing sa makapangyarihang pamilya, isang lalaking ngayon lang niya muling haharapin.Sa pagitan ng pag-ibig na hinubog ng panahon at kasal na nilikha ng batas, kailangang pumili ni Diya kung ano ang mas matimbang. Hindi ito kwento ng kabit. Hindi ito kwento ng pagtataksil. Ito ay kwento ng isang babaeng natuklasang siya pala ang legal wife—at kailangan niyang harapin ang katotohanang iyon kahit masakit.

chap-preview
Free preview
Chapter 1 – Wedding Requirements
Diya POV "Ready ka na ba, future Mrs. Martin?" biro niya habang hawak ang kamay ko sa labas ng PSA office, at natawa ako dahil ilang taon ko ring hinintay marinig ang apelyidong iyon na idinidikit sa pangalan ko. "Tigilan mo nga ako, Jean, baka ma-jinx pa." sagot ko habang tinatago ang kilig ko. Labintatlong taon na kaming magkasama mula high school corridors hanggang sa pagbuo ng kanya-kanyang career at ngayon, heto na kaming dalawa pumipila para sa marriage license na parang normal na couple na walang bahid ng komplikasyon. Habang hinihintay ang turn namin pinagmamasdan ko ang mga taong abala sa pagkuha ng birth certificate at CENOMAR at hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan kahit wala naman dapat ipag-alala. "Relax ka lang," bulong ni Jean sa akin hinahaplos ang likod ng kamay ko, "Konting proseso na lang, tapos church booking na ang problema natin." Ngumiti ako, pero may kakaibang bigat sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag. Nang tawagin ang pangalan ko, lumapit ako sa counter at ibinigay ang ID ko sa staff ngumiti nang maayos at sinabi, "Request po ng CENOMAR." Ilang minuto lang ang lumipas pero pakiramdam ko masyadong matagal at nang bumalik ang staff dala ang dokumento hindi siya agad nagsalita sa halip tinignan niya ako na parang may gusto siyang itanong. "Ma'am, marriage record po ito." maingat niyang sabi sa harapan ko. Napakunot ang noo ko at natawa nang bahagya. "Ay, baka po may kapangalan lang." Ibinigay niya sa akin ang papel at doon ko nakita ang pangalan ko—buo, malinaw, walang mali sa spelling nakalagay ang petsa: 2021, at ang lugar: Naic, Cavite. At sa ilalim ng pangalan ko, nakasulat ang pangalan ng lalaking hindi ko inaasahang mababasa sa ganitong paraan mababasa. Rafael Silva. "Diya?" narinig kong tawag ni Jean sa likod ko nagtataka sa bigla kong pananahimik. Hindi ko maramdaman ang mga daliri ko habang hawak ang papel pakiramdam ko may mali, may glitch lang sa sistema, may administrative error na madaling maaayos. "May problema ba?" tanong ni Jean nang lumapit siya sa tabi ko at iniabot ko sa kanya ang dokumento na nanginginig ang kamay. Ilang segundo siyang nakatitig doon bago niya ako binalingan, ang dating maaliwalas niyang mukha ay unti-unting napalitan ng hindi ko maipintang ekspresyon. "Diya... ano 'to?" Umiling ako agad, mabilis at halos desperado. "Hindi ko alam, wala akong alam diyan hindi ako kasal, Jean. Sa'yo lang ako ikakasal." Ngunit habang inuulit ko 'yon, may kakaibang kirot na sumagi sa isip ko—isang pamilyar na pangalan, isang taon na puno ng kaguluhan at isang bahagi ng alaala ko na tila may kurtinang ayaw bumukas. Sa labas ng opisina, hawak pa rin namin ang dokumento at sa unang pagkakataon sa loob ng labintatlong taon may katahimikan sa pagitan naming mas maingay kaysa sa kahit anong sigawan. At doon ko unang naramdaman na ang kasal na pinapangarap ko hindi pala nagsisimula sa altar kundi sa isang lihim na hindi ko maalala kung kailan ko itinago. Hindi agad nagsalita si Jean habang nakatayo kami sa labas ng PSA, para bang hinihintay niyang ako mismo ang magpaliwanag ng isang bagay na hindi ko rin maintindihan at ang katahimikan niya ang mas lalong nagpalakas ng kaba sa dibdib ko. "Sabihin mo lang sa'kin na may explanation 'to, kahit anong explanation, Diya, basta totoo." mahinahon niyang sabi pero ramdam ko ang pagpipigil sa boses niya. Huminga ako nang malalim at pilit inayos ang isip ko, sinusubukang balikan ang 2021 na para bang isa itong lumang drawer na ayaw bumukas, pero ang pumapasok lang sa alaala ko ang hospital hallway ang pagod na mukha ni Papa at ang mga tawag na hindi ko sinasagot dahil hindi ko na kayang harapin ang mundo noon. "Alam mo 'yong taon na nagka-problema sa negosyo si Papa?" tanong ko sa kanya nakatitig sa papel na hawak niya. Tumango si Jean. "Oo, doon ka halos hindi makausap at ilang buwan kang parang wala sa sarili." Nilunok ko ang bigat sa lalamunan ko. "Hindi ko maalala lahat ng nangyari alam ko lang nag-therapy ako pagkatapos no'n kasi sabi ni Mama nag-breakdown daw ako." Bigla niyang hinawakan ang braso ko. "Are you saying possible na... totoo 'to?" Agad akong umiling. "Hindi ko alam, pero kung totoo man, hindi ko siya naaalala at kung hindi ko siya naaalala, paano nangyari?" Napaupo ako sa bench sa gilid ng kalsada dahil parang umiikot ang paningin ko at sa unang pagkakataon mula nang mag-propose siya anim na buwan na ang nakaraan may takot sa mga mata ni Jean na hindi ko pa nakita noon. "Puntahan natin," sabi niya sa wakas. "Saan?" "Naic, Cavite, kung may record doon may detalye doon hindi ako papayag na papel lang ang magdidikta ng relasyon natin." Napatingin ako sa kanya at doon ko nakita ang lalaking minahal ko sa loob ng higit isang dekada determinadong lumaban para sa amin pero may bahid na ng pagod ang tindig niya. "Jean, kung sakaling totoo... kung sakaling may pirma ako diyan..." mahina kong sabi sa kanya. Hindi niya ako pinatapos. "Hindi ko iniisip ang worst-case scenario, ang iniisip ko kung paano natin 'to aayusin." Ngunit habang nagsasalita siya, ako mismo ang natatakot sa posibilidad na baka may version ng sarili ko na gumawa ng desisyong hindi ko kayang panindigan ngayon. Umuwi akong tuliro at nadatnan ko si Mama sa sala tahimik na nagbabasa at nang makita niya ang mukha ko agad siyang napatayo. "Anak, anong nangyari?" Iniabot ko ang dokumento nang walang salita. Ilang segundo siyang nakatitig doon bago siya napaupo at ang katahimikan niya ang unang kumpirmasyon na hindi ito simpleng clerical error. "Ma...ano 'to?" nanginginig ang boses ko. Pumikit siya sandali, para bang matagal na niyang iniiwasan ang araw na ito. "Akala ko... hindi na babalik 'yan." "Anong ibig mong sabihin?" halos pabulong kong tanong. Tumayo si Papa mula sa dining area, mabigat ang hakbang at sa tono ng boses niya ramdam kong alam niya ang sagot na hinahanap ko. "May mga desisyong ginagawa sa gitna ng krisis, na hindi mo naaalala dahil hindi mo na kayang balikan." sabi niya sa akin ng diretso. Napahawak ako sa gilid ng mesa para hindi matumba. "Kinasal ba ako?" Walang sumagot agad at sa pagitan ng kanilang mga titig naramdaman kong unti-unting nabubuo ang isang katotohanang mas mabigat kaysa sa kaya kong tanggapin. "Oo, Diya." Parang may sumabog sa loob ng dibdib ko. "Kanino?" kahit alam ko na ang sagot kung sino. "Kay Rafael Silva." Ang pangalang 'yon parang susi sa isang pinto sa isip ko na bahagyang bumukas isang opisina, isang lalaking tahimik, isang pirma sa papel habang nanginginig ang kamay ko pero bago pa man maging malinaw ang alaala bumalik ang dilim. "At bakit?" galit at takot ang naghalo sa boses ko. "Para mailigtas ang negosyo ng pamilya at para hindi ka makulong sa kaso na hindi mo naman kasalanan." sagot ni Papa. Hindi ako agad nakaimik. Sa labas, narinig ko ang tunog ng sasakyan ni Jean na umalis matapos akong ihatid pauwi hindi niya alam na sa loob ng bahay na ito kumpirmado na ang bangungot. At sa unang pagkakataon, naintindihan kong ang kasal na hindi ko maalala hindi aksidente—ito ang desisyong ginawa ng isang version ko na handang isakripisyo ang sarili para sa pamilya. Ngunit ang tanong na mas nakakatakot kaysa sa lahat—kung pinili ko 'yon noon, bakit ngayon parang may bahagi sa akin na natatakot malaman kung sino si Rafael Silva sa buhay ko?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Dangerous Ninong Mafia Boss

read
8.8K
bc

The Real About My Husband

read
36.1K
bc

YAYA SEÑORITA

read
14.4K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
118.7K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
320.1K
bc

FALLEN VOWS ( SPG)

read
9.5K
bc

After Divorce: The Secret Wife Became The Zillionaires’ Princess

read
36.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook