Chapter 12 - Silva Residence

2358 Words
Hindi ako sanay sa tahimik na bahay, pero sa umagang 'yon parang mas mabigat ang katahimikan sa loob ng Silva residence. Malawak ang ancestral house sa Alabang marmol ang sahig, mataas ang kisame at bawat detalye ay nagpapakita ng kapangyarihan ng pamilya namin pero kahit ganoon pakiramdam ko masikip ang hangin habang nakaupo ako sa dining table kasama sina Mama at Papa. Hindi pa man nagsisimula ang almusal alam ko nang may pag-uusapan kami. "Balita ko nagkita na kayo ni Diya," sabi ni Mama habang dahan-dahang hinihigop ang kape niya ang boses kalmado pero matalim. Hindi ako tumingin sa kanya agad. "Oo." "After nine years," dagdag ni Papa na nakaupo sa dulo ng mesa ang tingin diretso sa akin na parang sinusukat ang bawat galaw ko. "Hindi ko planong habulin 'yon noon, pero lumabas ang record hindi ko rin kontrolado 'yon." sagot ko. Tumango si Papa pero hindi kumbinsido. "Ang tanong ko, anak kung ano ang plano mo ngayon." Bago ako makasagot, bumukas ang pintuan ng dining room at pumasok si Ysandro, ang nakababatang kapatid ko hawak ang phone habang mukhang kakagising lang. "Uy, legal wife issue, ang ganda ng tsismis sa business circles kahapon." sabi niya nang nakangisi. Tumingin ako sa kanya nang malamig. "Kung wala kang maitutulong, tumahimik ka." "Tumatakbo lang naman ako sa realidad, hindi araw-araw may asawa kang biglang lumilitaw." sagot niya habang nauupo sa mesa. "Enough, Ysandro—Rafael, malinaw tayo ang kasal na 'yon ginawa lang para protektahan ang negosyo ng pamilya." putol ni Mama saka ibinalik ang tingin sa akin. "Alam ko." "Hindi 'yon ginawa para maging emotional complication," dagdag niya. Huminga ako nang malalim bago sumagot. "Hindi rin 'yon ang hinahanap ko DATI." "Pero ngayon nakikipagkita ka sa kanya," sabi ni Papa. "Dahil 'yon ang tamang gawin." "Ang tamang gawin, o ang gusto mong gawin?" ulit ni Mama bahagyang nagtaas ng kilay. Sandali akong natahimik. Sa loob ng siyam na taon, ang kasal na 'yon ay naging dokumento lang sa filing cabinet ng pamilya namin. Isang legal shield sa isang panahon na parehong nasa alanganin ang negosyo ng Silva at Sharma. Pero ngayon may mukha na 'yon. May boses. May mga tanong na hindi ko kayang balewalain. "Isang buwan," sabi ko sa wakas. "'Yon ang napag-usapan namin." "Isang buwan para saan?" tanong ni Papa. "Para malaman kung may dahilan para ipaglaban ang kasal na ito." Tumawa nang mahina si Ysandro. "Kuya, parang business negotiation lang." "Mas mabuti na malinaw kaysa magpanggap," sagot ko. Tahimik si Mama habang tinitingnan ako, parang sinusubukang basahin ang nasa isip ko. "Hindi ka madaling maapektuhan, Rafael, kaya huwag mong sabihin sa akin na may emosyon kang hinahabol dito." sabi niya sa wakas. "Wala," sagot ko agad. Tumingin si Ysandro kay Mama. "Ma, may tatlong apo ka sa kanya at kay kuya huwag mong kakalimutan 'yon." Pero kahit ako alam kong hindi 'yon ganap na totoo. Minura ni Mama si Ysandro wala namang imik si Papa hindi nakatira sa mansyon ang mga anak ko nasa ibang lugar sila nakatira kasama ang kasambahay at yaya nila. Bumukas muli ang pinto ng dining room at pumasok ang mayordoma na may hawak na tablet. "Sir Rafael, nandito na po si Mr. Matteo Zafra." sabi niya. Nagkatinginan kami ni Papa. "Papasukin mo siya," sabi ko. Makalipas ang ilang sandali pumasok si Matteo, ang business partner ko mukhang seryoso ang ekspresyon. "Morning," bati niya pero halatang may dala siyang balita. "Anong problema?" tanong ko agad. Iniabot niya ang tablet sa akin. Sa screen may isang online article mula sa isang business column. Silva Heir's Secret Marriage Surfaces – Legal Battle Expected Napakapit ako sa gilid ng mesa habang binabasa ang headline. "May nakakaalam na, bro at mukhang hindi ito simpleng tsismis lang." sabi ni Matteo. Tahimik ang buong silid. Si Mama ang unang nagsalita. "Sino ang naglabas nito?" "Hindi pa namin alam, tita pero kung lalala ito, maaapektuhan ang negotiations natin sa dalawang investors." sagot ni Matteo. Dahan-dahan kong ibinaba ang tablet. Sa unang pagkakataon mula nang lumabas ang kasal na 'yon, malinaw sa akin na hindi na ito pribadong usapan lang sa pagitan naming tatlo nina Diya at Jean. Magiging laban ng dalawang pamilya, dalawang pangalan, at dalawang mundo. "Rafael, handa ka bang ipaglaban ang kasal na iyon kung kinakailangan?" sabi ni Papa nang mababa ang boses dahilan para mabaling ang tingin ko. Napatingin ako sa bintana ng dining room, kung saan kita ang malawak na hardin ng bahay na 'yon—ang bahay na matagal ko nang tinuturing na fortress laban sa gulo ng mundo. Pero ngayon, ang gulo sa dalawang pamilya nagsimula sa loob mismo ng mga pader na 'yon. "Hindi ko pa alam," sagot ko nang totoo. "Pero isang bagay ang sigurado—" Tumigil ako sandali bago tumingin sa kanila. "Hindi ko hahayaang may ibang mag-desisyon sa magiging wakas ng kasal na 'yon." Pagkatapos kong sabihin na hindi ko hahayaang may ibang magdesisyon sa wakas ng kasal na 'yon, hindi nagsalita sina Mama at Papa. Ang tahimik na dining room parang mas malaki kaysa kanina at mas mabigat. "Rafael, mag-ingat ka ang pangalan ng pamilya natin, hindi laro." mahinahong sabi ni Mama. "Alam ko, kaya nga ako nandito." sagot ko. Si Papa ang tumayo dahan-dahan may bigat ang bawat hakbang. "Kung magpapasya kang ipaglaban ang kasal mo kay Diya, dapat handa kang harapin ang buong konsekwensya—media, investors at pati ang reputasyon natin." "Handa ako," diretso kong sagot. Sandaling natahimik si Ysandro bago muling nagsalita. "Kuya, seryoso ka ba? Ipaglalaban mo siya?" Hindi ako agad sumagot. Sa halip, tumingin ako sa mesa—sa dokumentong iniwan ni Matteo kanina. "Hindi ko alam kung ano ang magiging ending," sabi ko. "Pero alam kong hindi ako papayag na ang kasal na 'yon gagamitin lang bilang shield o weapon at may tatlong anak kami ni Diya na hindi niya alam dahil sa nangyari sa kanya." Napabuntong-hininga si Papa. "At si Diya? Ano siya sa desisyong ito?" "Hindi ko siya pipilitin, Papa isang buwan lang ang napag-usapan namin hindi ako lalampas doon." sagot ko agad. "Isang buwan para saan?" tanong ni Mama. "Para malaman kung may tunay na pundasyon ang relasyon na ito hindi dahil sa papel at hindi dahil sa negosyo." Tahimik si Mama nakita ko ang pag-aalala sa mga mata niya. "Rafael, huwag mong kalimutan—ang emosyon maaaring magdulot ng maling desisyon." "Hindi ko nakakalimutan, pero mas delikado kung magpapatuloy kami sa katahimikan." sagot ko. Tumunog ang phone ko. Isang notification mula sa legal team. Urgent: Press inquiry about Silva–Sharma marriage. Confirmation requested within 24 hours. Napahigpit ang hawak ko sa phone. "May problema?" tanong ni Papa. "May media na," sagot ko. "Hindi na ito pribado." Napatingin si Mama sa akin nang seryoso. "Kung ganoon, kailangan nating maghanda." Tumango ako. "Magkakaroon tayo ng official statement pero malinaw—hindi ako magbibigay ng detalye nang walang pahintulot ni Diya." Ysandro smirked. "Wow! Protective na protective." Tinitigan ko siya. "Ito ang respeto ko sa kanya at hindi possessiveness." Tumahimik siya. Bumalik ako sa opisina ko pagkatapos ng almusal. Sa loob, mas tahimik ang paligid pero mas malinaw ang isip ko ngayon. Kinuha ko ang folder ng 2021 agreement. Binasa ko ulit ang mga dokumento. Ang pirma niya nandoon at nandoon rin ang pirma ko. Siyam na taon na ang nakalipas, tinanggap ko 'yon bilang business arrangement na walang emosyon at walang komplikasyon. Pero ngayon, iba na. Nag-ring ang direct line ko—si Carlos. "Rafael, may development may taong nagtangkang kumuha ng confidential copy ng addendum mula sa registry." seryoso ang boses niya. Nag-igting ang panga ko. "Sino?" "Hindi pa confirmed pero mukhang may interes na gawing leverage ang dokumento." "Media o legal opponent?" tanong ko. "Pareho ang possibility." Napahawak ako sa mesa. "Carlos, siguraduhin mong ligtas ang kopya ng documents at huwag munang ilalabas sa publiko." sabi ko. "Understood, pero may isa pa." sagot niya. "Anong isa pa?" "Kung maglalabas sila ng incomplete version ng addendum, maaaring magmukhang may itinatago kayo." Napikit ako sandali. "Then we release it properly, on our terms." sagot ko. Pagkababa ng tawag, tumayo ako at lumapit sa malaking bintana ng opisina. Nakita ko ang malawak na hardin ng bahay ang lugar na simbolo ng lakas ng pamilya ko. Pero ngayon, ang tunay na lakas hindi sa property o pangalan. Kundi sa desisyon. Nag-ring ulit ang phone ko. Unknown number. "Hello," sagot ko. Tahimik muna sa kabilang linya bago nagsalita ang isang pamilyar ngunit malamig na boses. "Mr. Silva." Attorney Sevryn Alcaraz. "Anong kailangan mo?" tanong ko. "Concern lang, may ilang legal inconsistencies sa lumabas na narrative tungkol sa kasal ninyo baka, gusto mong makipag-cooperate bago lumala." sagot niya. "Hindi ko kailangan ng intermediary," matigas kong sagot. "Kung ganoon, huwag mong kalimutan na ang kasal mo kay Diya may mas malalim na epekto kaysa iniisip mo." sabi niya. Tahimik ako saglit. "Bakit ka interesado?" tanong ko. Isang maikling tawa ang narinig ko. "Dahil ang impormasyon makapangyarihan." Pagkatapos ng pag-uusap namin ibinaba niya ang tawag. Napatingin ako sa phone, malamig ang pakiramdam ko. Hindi na ito simpleng personal na usapan. May gumagalaw sa likod ng eksena. At kung hindi ako magiging maingat maaaring maging sandata ang kasal na ito laban sa parehong pamilya. Umupo ako at tinawagan si Diya. "Rafael," sagot niya pagkatapos ng ilang ring. "May media inquiry at may gumagalaw sa background na gustong gamitin ang dokumento." diretsong sabi ko. Tahimik siya sandali. "Anong ibig sabihin nito?" tanong niya. "Ibig sabihin, hindi na tayo pwedeng manatiling tahimik." sagot ko. Narinig ko ang mabagal niyang paghinga. "Handa ka bang harapin ito kasama ko?" tanong ko. Isang sandaling katahimikan. Pagkatapos, malinaw ang sagot niya. "Oo, pero hindi bilang shield bilang partner sa pag-aayos." Napangiti ako nang bahagya. "Good, dahil kung ito man ang magiging laban hindi kita iiwan sa gitna." sabi ko. At sa unang pagkakataon mula nang lumitaw ang kasal na 'yon siyam na taon na ang nakalipas, ramdam ko na ang Silva Residence hindi lang magiging simbolo ng pamilya ko—kundi posibleng maging sentro ng pinakamalaking desisyon ng buhay ko. Pagkatapos kong kausapin si Diya, hindi ako agad bumaba sa opisina. Nanatili muna akong nakatayo sa harap ng bintana, tinitingnan ang hardin ng Silva residence habang iniisip kung paano nagbago ang lahat sa loob ng ilang araw. Siyam na taon ko itong itinuring na simpleng legal arrangement. Isang proteksyon sa negosyo. Isang dokumento na nakatago sa file cabinet. Ngayon, hindi na 'yon basta papel may apat na buhay nakadikit sa papel na 'yon. Tumunog ulit ang intercom. "Sir Rafael, may kausap si madam at may kasamang abogado." sabi ng mayordoma mula sa intercom. Napakunot ang noo ko. "Sino?" "Attorney Sevryn Alcaraz." Napahigpit ang panga ko. "Papuntahin sila sa study room," utos ko. Pagdating ko roon maayos na nakaupo si Mama. Sa tabi niya si Attorney Alcaraz, naka-itim na suit, may dalang folder. "Good afternoon, Mr. Silva," bati niya nang walang emosyon. "Ano'ng ginagawa mo dito?" diretso kong tanong. "Protecting my client's interests," sagot niya. Napatingin ako kay Mama. "Client?" Si Mama ang nagsalita. "Rafael, kailangan nating pag-usapan ang risk management lumalaki ang issue sa labas." "Anong risk?" tanong ko. Ibinuka ni Alcaraz ang folder at inilapag sa mesa. "May nag-file ng formal request for certified copies ng lahat ng related documents sa marriage at addendum ninyo, hindi ito random inquiry. May legal strategy sa likod nito." sabi niya. Tahimik ang silid. "Bakit ko mararamdaman na may gustong sirain ang pangalan ng Silva?" malamig kong tanong. "Hindi sirain," sagot niya. "Leverage." Napatingin ako sa kanya. "Sino ang nasa likod?" Hindi siya agad sumagot. "May mga grupo na interesado sa control ng shares na naka-link sa marital clause kung maipapakita nilang may instability sa marriage structure, pwedeng gamitin 'yon para mag-pressure sa board decisions." dagdag niya. Doon ko naintindihan. Hindi ito tungkol kay Diya lang. Hindi ito tungkol sa akin lang. Tungkol ito sa kapangyarihan ng negosyo. "Hindi ko hahayaang gamitin si Diya bilang pawn," mariin kong sabi. "Hindi ko rin 'yon pinapayagan," sagot ni Mama. "Kaya nandito si Sevryn." Tumayo ako. "Kung may plano ka, sabihin mo nang direkta." "Simple lang, kailangan nating maglabas ng controlled statement bago sila makapaglabas ng distorted version ng dokumento." sabi ni Alcaraz. "Hindi," sagot ko agad. Napatingin sila sa akin. "Hindi tayo maglalabas ng statement na hindi namin napagkasunduan ni Diya." Tahimik si Mama. Si Alcaraz naman tumingin sa akin nang matagal. "May risk ang approach mo," sabi niya. "Mas malaki ang risk kung mag-dedesisyon tayo nang wala siya," sagot ko. Saglit na katahimikan. Pagkatapos, tumayo si Mama. Lumapit siya sa akin. "Rafael, nakikita ko ang pagbabago sa'yo hindi ka na lang basta business heir dito." mahinahon niyang sabi. Hindi ako sumagot. "Pero tandaan mo, anak ang pagiging emosyonal hindi dapat maging kahinaan." dagdag niya. "Hindi ito emosyon, Ma pananagutan ko ito." sagot ko. Sa loob ng ilang segundo nagkatinginan kami. Hindi ako sigurado kung proud siya o nag-aalala. Pero alam kong naiintindihan niya na hindi na ito pwedeng balikan sa dati. Pag-alis nina Mama at Alcaraz, naiwan akong mag-isa sa study room. Kinuha ko ang phone ko at nag-message kay Diya. We need to meet tonight not as legal partners not as families. Just us. Ilang minuto ang lumipas bago siya nag-reply. Where? Silva residence but not in the main house. Sa garden pavilion. Napabuntong-hininga ako. Dahil alam kong ang lugar na 'yon hindi simbolo ng negosyo. Ito ang lugar kung saan nag-usap kami ng tahimik noong unang beses na ginawa ang arrangement. Isang lugar na hindi na niya maalala. Pero ngayon, doon magsisimula ang bagong yugto. Habang naghihintay ako, napatingin ako sa paligid ng bahay. Ang Silva residence hindi lang isang tahanan. Ito ang sentro ng pangalan ko. At ngayong nasa gitna ng public scrutiny, private confusion, at legal complications kailangan kong pumili kung ang bahay na ito ay magiging fortress lang...o magiging lugar kung saan magsisimula ang totoong desisyon. Sa labas ng bintana, papalubog ang araw. At habang unti-unting nagdidilim ang langit ramdam kong malapit na ang sandaling kailangan kong sabihin kay Diya ang isang bagay na hindi ko pa kayang aminin nang buo kung handa ba akong ipaglaban ang kasal na ito...kahit hindi ko pa alam kung saan ako hahantong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD