Year 2020
Hindi ko inasahan na makikita ko ulit siya.
Isang taon na ang lumipas mula noong araw sa campus ng parking lot hindi ko na siya hinanap. Hindi ko rin sinubukang alamin kung sino siya.
Sa isip ko, isa lang siyang random encounter.
Pero mali ako.
Noong unang quarter ngayong taon, pumunta ako sa isang private medical facility sa Makati para sunduin ang nakababatang kapatid kong si Ysandro. Naaksidente na naman sa motor.
Typical.
Paglabas ko ng elevator sa psychiatric wing, may narinig akong pamilyar na boses sa reception.
"May schedule ako kay Dr. Veridiano."
Napahinto ako.
Hindi ko alam kung bakit, pero pamilyar ang tono ng boses.
Lumapit naman ako nang bahagya sa hallway.
At doon ko siya nakita ulit.
Siya nga.
Si Diya.
Nakatayo sa reception desk hawak ang bag niya halatang hindi komportable sa paligid.
Mas payat siya kaysa sa naaalala ko nung nakita ko siya.
Mas nagbago ang aura niya kumpara last year.
Mas pagod ang mga mata niya at hindi niya ako napansin.
Narinig ko ang receptionist.
"Ms. Sharma, you may sit first, tatawagin po kayo ni doctor."
Tumango siya.
Umupo siya sa waiting area.
Hindi ko alam kung bakit hindi ako agad umalis.
Hindi naman ako stalker.
Hindi ko siya kilala.
Pero may instinct na nagsasabing may mali.
Lumapit si Ysandro sa akin na nakapulupot pa ang bandage sa braso.
"Kuya, bakit parang may tinititigan ka?"
Umiling ako.
"Nothing."
Pero hindi ako gumalaw.
Nang tumingin siya sa paligid nakita niya rin si Diya.
"Girlfriend mo?" tanong niya.
"No."
"Then why are you staring?"
Hindi ko sinagot.
Sa halip, sinabi ko lang sa kapatid ko.
"She looks like she's about to collapse."
"Parang...may mga nurse naman sa paligid kaya ligtas naman siya, kuya."
"Umayos ka na, Ysandro huling sama ko na sa'yo ito sa hospital."
May benda siya sa braso may malaking sugat siya natamo. Umalis na kaming dalawa dahil may meeting pa akong pupuntahan ngayong araw.
⸻
Diya POV
Hindi ko gustong pumunta sa clinic na 'yon.
Pero sinabi ng therapist ko na kailangan ko ng mas consistent sessions.
Lumalala na raw kasi ang anxiety episodes ko.
Huminga ako nang malalim habang nakaupo sa waiting chair.
My hands were shaking.
Hindi ko alam kung bakit.
Hindi naman ito bago.
Pero may kakaibang pakiramdam ngayon.
Parang may tumitingin sa akin.
Tumingin ako sa paligid ko.
Wala naman.
Hanggang sa napatingin ako sa may hallway.
At doon ko siya nakita ulit.
The same man from the campus bench.
Napakunot ang noo ko.
Hindi ko alam kung bakit, pero natandaan ko agad ang mukha niya.
Lumapit siya nang kaunti.
"Hi," sabi niya.
Hindi siya awkward may kasama siyang lalaki na may benda sa braso nito.
Hindi rin friendly.
Just calm.
"Hi," sagot ko.
Saglit kaming nagka-titigan.
"You look worse than the last time," sabi niya.
Napataas ang kilay ko.
"That's not exactly a polite greeting."
"Honest greeting," sagot niya.
Hindi ko napigilang mapangiti nang kaunti.
"Anxiety?" tanong niya ulit.
Tumango ako.
"Yeah."
"Are you getting help now?"
"Yes."
Tumango naman siya.
"Good."
Tahimik ulit.
Hindi ko alam kung bakit komportable akong kausapin ang isang estranghero nung one time ko lang siya nakita.
Siguro dahil hindi siya nagtatanong ng personal.
Hindi rin siya nagpapanggap na naiintindihan niya ang lahat.
Bigla siyang nagsalita ulit.
"You're still studying?"
"Working now, Internship turned job." sagot ko.
Tumango siya.
"Good."
Napansin kong parang gusto na niyang umalis.
Pero bago siya makalakad palayo, may sumigaw mula sa reception.
"Ms. Sharma, ready na po si Dr. Veridiano."
Tumayo naman ako kaagad sa inuupuan ko.
Pero bigla akong nahilo.
The floor tilted.
"Whoa—" bulong ko.
At bago pa ako bumagsak sa sahig naramdaman ko ulit ang kamay niya sa braso ko.
The same steady grip.
"Easy," sabi niya.
Huminga ako nang malalim.
"I'm okay."
"Clearly not."
Tumingin ako sa kanya.
"Why do you keep showing up when I'm a mess?"
Saglit siyang natahimik.
"Bad timing," sagot niya.
"Kuya, let's go?" tawag ng kasama niyang lalaki nakatingin siya ng seryoso.
⸻
Rafael POV
Hindi ko planong makialam pero nang makita kong muntik siyang bumagsak, automatic akong kumilos.
Reflex.
Hindi ko alam kung bakit.
Hindi ko siya kilala.
Hindi rin kami magkaibigan.
Pero may kakaiba sa kanya.
Parang laging may invisible weight sa balikat niya.
"Can you walk?" tanong ko.
Tumango naman siya.
"Yes."
Tinulungan ko siyang makalapit sa consultation room.
Bago siya pumasok, huminto siya.
"Thank you again... Rafael."
Nagulat ako.
"You remember my name."
"Of course, Ikaw 'yong lalaki na hindi marunong mag-sugarcoat." sagot niya.
Hindi ko napigilang mapangiti nang bahagya.
"Take care of yourself, Diya."
Tumango siya.
Pagpasok niya sa clinic room, naiwan akong nakatayo sa hallway.
Lumapit si Ysandro ulit.
"So hindi mo talaga siya girlfriend?"
"No."
"Sayang."
Tumingin ako sa kapatid ko.
"She has someone."
Napataas ang kilay niya.
"How do you know?"
Naalala ko ang maliit na detail kanina lang kahit panandalian.
Ang lockscreen ng phone niya habang hawak niya.
Picture nila ng isang lalaki.
Mukhang masaya sila.
"She's in a relationship."
"Ah, then why do you look bothered?" sabi ni Ysandro.
Hindi ko agad nasagot.
Siguro dahil may instinct akong nagsasabing may mangyayari sa future.
At hindi ko alam kung ano 'yon.
⸻
Diya POV
Pagkatapos ng session ko kay Dr. Veridiano medyo gumaan ang pakiramdam ko.
Pero may sinabi siya na hindi ko makalimutan.
"Your anxiety may be connected to suppressed stress events."
Napakunot ang noo ko.
"Suppressed?"
"Sometimes the mind hides things to survive."
Hindi ko masyadong inintindi.
Pero habang palabas ako ng clinic naisip ko ulit ang lalaki sa hallway.
Rafael.
Strange.
Dalawang beses na kaming nagkita.
Both times habang nasa worst moments ako.
Habang naglalakad ako papunta sa parking lot tinawagan ko si Jean.
"Hey," bati niya agad.
"Hi."
"How was therapy?"
"Okay."
"Gusto mo bang mag-dinner mamaya?"
Napangiti ako.
"Yeah."
Normal life.
Normal love.
Normal future.
Hindi ko alam na sa parehong taon na 'yon—
may mangyayaring gabi na magbabago sa timeline ng buhay ko.
At isang gabi na magiging simula ng pinakamalaking lihim sa buhay ko. Nagkaroon kami ng mutual ni Rafael ng magkita kami sa parking lot hinintay pala niya ako pinakilala rin niya ako sa kasama niya na kapatid pala niya.
Hindi ko agad sinabi kahit kanino.
Hindi kay Jean kasi may Rafael na dumating sa buhay ko.
Hindi sa mga kaibigan ko.
Hindi sa kahit sino.
Nang malaman kong buntis ako parang huminto ang mundo ko.
Nakaupo ako noon sa clinic ni Dr. Veridiano hawak ang test result na parang hindi ko maintindihan.
"Diya, you're about six weeks pregnant." mahinahon niyang sabi.
Anim na linggo.
Hindi ako nakapagsalita.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.
Takot.
Gulat.
At higit sa lahat—kalituhan.
"Do you want to call someone?" tanong niya.
Umiling ako agad.
"No."
Hindi ko kayang sabihin kay Jean.
Hindi pa.
Hindi ko pa alam kung paano ipapaliwanag ang isang bagay na hindi ko rin lubos na naiintindihan.
Ang alam ko lang—may nangyari noong September ng 2019.
Isang gabi na hindi ko maalala nang malinaw.
At isang lalaking hindi ko akalaing magiging bahagi ng buhay ko.
⸻
Rafael POV
Naalala ko si Diya nalaman ko rin na connected siya sa Sharma ang kasosyo ng magulang ko sa negosyo. May nangyari sa amin nung september 2019 kahit wala kaming relasyon one time nang may event na dinaluhan ang pamilya namin.
Tinawagan ako ng Mama ko isang gabi.
"Rafael, kailangan nating mag-usap."
Hindi niya karaniwang ginagawa 'yon kung hindi seryoso.
Pagdating ko sa bahay nasa study sina Mama at Papa.
May kasama silang abogado.
Hindi ko agad naintindihan ang sitwasyon hanggang sa sinabi ni Mama ang pangalan.
"Diya Sharma."
Nanlaki ang mata ko.
"Ano ang tungkol sa kanya?"
Tahimik si Mama sandali bago nagsalita.
"She's pregnant."
Hindi ako agad nakapagsalita.
Parang nag-slow ang lahat sa paligid ko.
"Pregnant?" ulit ko naninigurado lang ako isang beses lang 'yon.
Tumango naman siya.
"At ikaw ang ama."
Tahimik ang buong silid aminado akong ako talaga naka-una sa kanya dahil sa ibang butas na kakaiba at may dugong lumabas.
Hindi ko alam kung ano ang unang mararamdaman.
Shock.
Responsibility.
Confusion.
"Sigurado ba kayo?" tanong ko muna sa magulang ko.
Sumagot ang abogadong kasama nila.
"The medical timeline matches."
Napahawak ako sa noo ko.
Hindi ko siya girlfriend.
Hindi namin planong mangyari 'yon.
Isang gabi lang 'yon last year.
Isang gabi na parehong magulo ang isip namin.
At ngayon may batang paparating.
"Alam ba ng boyfriend niya?" tanong ko.
"Hindi," sagot ni Mama.
"At hindi rin dapat."
⸻
Diya POV
Tinawag ako ng Mama ko sa sala namin nandoon si Papa.
Halatang seryoso ang mukha niya.
"Diya, may nakausap kaming pamilya." sabi ni Mama sa akin.
Alam ko na agad kung sino.
"Silva family?"
Tumango naman siya.
Umupo naman ako sa sofa.
"Anong sabi nila?"
Tahimik si Papa bago sumagot.
"Alam na nila."
Naramdaman kong bumigat ang dibdib ko.
"Si Rafael?"
"Yes."
Napapikit ako sandali hindi ko alam kung ano ang mas nakakatakot ang katotohanan na alam na niya o ang posibilidad na hindi niya tanggapin.
"Anong plano natin?" tanong ko.
Tahimik si Mama.
Pagkatapos, sinabi niya ang isang bagay na hindi ko inaasahan.
"Hindi kailangang malaman ni Jean."
Napatingin ako sa kanya.
"Mam—"
"Makikinig ka muna," sabi niya nang mahinahon.
"Kung lalabas ang balitang ito ngayon, hindi lang ikaw ang maaapektuhan."
Napatingin siya kay Papa.
"Pati ang pamilya natin."
Naintindihan ko ang ibig niyang sabihin.
Reputation.
Business.
Scandal.
"Anong gusto nyong mangyari?" tanong ko.
Sumagot si Papa.
"Ang pamilya Silva handang tumulong at maging responsibilidad sa kanilang unang apo."
"Wala kaming relasyon ni Rafael, Pa."
⸻
Rafael POV
Hindi ko alam kung paano haharapin si Diya pagkatapos ng balitang 'yon.
Pero sinabi ni Mama na gusto niya akong makausap.
Nagkita kami sa isang maliit na café sa Makati.
Tahimik ang lugar nang dumating siya agad kong nakita ang pagod sa mukha niya.
Hindi siya tumingin sa akin agad umupo siya sa tapat ko.
"So... you know," sabi niya.
"Yes."
Tahimik ulit kaming dalawa nakikiramdam ako.
"Galit ka ba?" tanong niya.
Umiling ako.
"Hindi."
Hindi rin ako masaya pero hindi rin ako galit.
Ang nararamdaman ko ngayon responsibilidad.
"Anong gagawin natin?" tanong ko.
Tumingin siya sa akin.
"Hindi ko pa alam."
Huminga siya nang malalim.
"Hindi alam ni Jean."
Tumango naman ako sa kanya.
"Hindi ko sasabihin."
Nagulat siya.
"Hindi?"
"Hindi ko karapatan 'yon ikaw ang magsasabi nito sa kanya."
Tahimik siya sandali.
"Rafael..."
"Yes?"
"Hindi ko alam kung paano haharapin ang lahat ng ito."
Tumingin ako sa kanya nang diretso.
"Hindi mo kailangang harapin mag-isa."
"Ah?"
"Kasama mo akong haharap sa sitwasyon na ito."
Wala naman siyang imik sa sinabi ko.
⸻
Diya POV
Hindi ko alam kung bakit, pero gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi niya.
Hindi siya galit.
Hindi rin siya nag-demand.
Hindi rin niya ako pinilit.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.
"Kung gusto mong itago muna ito, irerespeto ko iyon." sabi niya.
Napaluha ako nang hindi ko namamalayan.
"Hindi ko planong sirain ang buhay mo," dagdag niya.
"Hindi mo sinira," mahina kong sagot.
Tahimik ulit kami.
Sa labas ng café, dumaraan ang mga tao na walang ideya na may dalawang taong nag-uusap tungkol sa isang lihim na magbabago ng buhay nila.
"Rafael," sabi ko sa wakas.
"Yes?"
"Kung ipagpapatuloy ko ito... hindi mo kailangang maging bahagi."
Umiling siya agad.
"Hindi."
Napatingin ako sa kanya.
"Bakit?"
Diretso ang sagot niya.
"Because the child is mine too."
Hindi romantiko ang tono niya.
Hindi dramatic.
Just honest.
At doon nagsimula ang isang tahimik na kasunduan sa pagitan namin.
Hindi love.
Hindi relationship.
Pero mutual responsibility.
At ang pinakamalaking kondisyon hindi malalaman ni Jean ang tungkol dito. Naisip ko lang kung si Jean ang ama ng pinagbubuntis ko ganito rin kaya ang gagawin at sasabihin niya sa akin.
⸻
Rafael POV
Habang pauwi ako mula sa café, sinabi ko sa sarili ko ang isang bagay.
Hindi ko pinili ang sitwasyong ito pero hindi ko rin ito tatakbuhan.
Diya Sharma was carrying my child.
At kahit hindi kami magka-relasyon hindi ko siya iiwan sa laban na 'yon. Parehas namin nagawa 'yon kagustuhan man o hindi may nabuo sa isang gabing 'yon.
⸻
Diya POV
Hindi ko alam kung kailan nagsimulang magbago ang mga araw ko.
Pagkatapos ng meeting namin ni Rafael sa café, sinubukan kong ipagpatuloy ang normal na buhay ko.
Work.
Therapy.
Dates with Jean.
Pretending everything was okay.
Pero hindi na talaga normal.
Lumalala ang anxiety ko.
May mga gabi na hindi ako makatulog. May mga araw na parang wala akong energy bumangon.
Habang lumalaki ang tiyan ko, mas lalo akong natatakot.
Hindi ko pa rin kayang sabihin kay Jean.
Hindi ko alam kung paano.
"Diya, you look tired," sabi niya isang gabi habang magkasama kami sa apartment niya.
Ngumiti lang ako.
"Busy lang sa work."
Hindi niya ako pinilit hindi niya pansin na lumalaki ang tyan ko sinasabi ko lang sa kanya tumataba na ako.
'Yon ang isa sa mga dahilan kung bakit mahal ko siya.
Pero may bahagi sa akin na parang unti-unting nawawala. Parang may malaking lihim na kinakain ang loob ko.
At minsan, kapag mag-isa ako sa kwarto napapahawak ako sa tiyan ko.
"Anong gagawin ko sa'yo?" bulong ko.
Hindi ko alam kung handa akong maging ina.
Hindi ko alam kung handa akong sirain ang buhay ni Jean.
Hindi ko alam kung handa akong harapin ang katotohanan na may nagawa akong kasalanan sa relasyon namin ni Jean.
⸻
Rafael POV
Sinisigurado kong may support si Diya hindi sa paraan ng boyfriend.
Hindi rin sa paraan ng asawa pero bilang ama ng batang dinadala niya.
Tinawagan ko si Dr. Veridiano ilang beses para i-check ang kalagayan niya.
"Her anxiety is severe," sabi ng doktor sa akin isang araw.
"Can the pregnancy affect it?"
"Sometimes it intensifies emotional instability."
Hindi ko alam kung paano tutulungan si Diya nang hindi lumalampas sa boundaries.
May boyfriend siya.
At malinaw na hindi niya gustong malaman nito ang sitwasyon.
Kaya ang ginawa ko lang siguraduhin na may support system siya.
Financially.
Medically.
Quietly.
Minsan, nagkikita kami sa clinic.
Short conversations.
No drama.
No expectations.
Isang beses, habang nasa waiting area kami napansin kong parang wala siya sa sarili.
"Diya?"
Hindi siya sumagot.
"Diya."
Doon lang siya nag-react.
"Sorry, I zoned out." sabi niya.
Tumango ako.
"Are you sleeping enough?"
Umiling siya.
"Not really."
May moment na gusto kong sabihin sa kanya na kaya naming harapin ang lahat.
Pero alam kong hindi iyon ang kailangan niya.
Ang kailangan niya ay stability.
Hindi ko alam kung kaya ko bang ibigay 'yon.
⸻
Diya POV
Lumipas ang mga buwan ang mga araw ko parang naging blur.
May therapy sessions.
May check-ups.
May mga gabi na umiiyak ako nang walang dahilan.
At may mga araw na parang wala akong maramdaman.
One afternoon, nasa clinic ulit ako.
Narinig ko ang boses ni Dr. Veridiano.
"Diya, we need to talk about your mental health."
Umupo ako sa harap niya.
"Your depression symptoms are getting worse."
Hindi ako nagulat.
Nararamdaman ko rin iyon.
"What do we do?"
Nag-isip siya sandali.
"You need more intensive treatment."
Napakunot ang noo ko.
"Like medication?"
"Possibly."
Tahimik ako.
"Will it affect the baby?" tanong ko.
Tumigil siya sandali bago sumagot.
"We'll monitor everything carefully."
Hindi ko alam kung bakit, pero bigla akong nakaramdam ng matinding pagod.
Parang gusto ko na lang matulog nang matagal.
Parang gusto kong mawala muna sa lahat ng ito. Hindi ko kaagad sinabi ito kay Rafael natatakot rin ako sa sasabihin niya.
Naguguluhan ako sa buhay ko ngayon.
⸻
Rafael POV
Noong huling trimester ni Diya mas naging komplikado ang sitwasyon.
Tinawagan ako ni Dr. Veridiano isang gabi.
"Rafael, kailangan kitang kausapin."
Agad akong pumunta sa clinic.
Pagdating ko sa clinic seryoso ang mukha ng doktor.
"Her mental state is unstable."
Nanlamig ang kamay ko.
"Is the baby safe?"
"Yes, but Diya is struggling."
Napaupo ako sa chair.
"May episodes siya ng severe dissociation."
Napakunot ang noo ko.
"What does that mean?"
"It means sometimes her mind disconnects from reality to cope with stress."
Tahimik ako.
"At kung magpatuloy 'yon, posibleng magkaroon siya ng memory gaps." dagdag niya.
Hindi ko agad naintindihan ang ibig niyang sabihin.
Hanggang sa sinabi niya ang mga salitang hindi ko inaasahan.
"She may not remember parts of this period later."
"How about me and her child?"
"Maapektuhan kaya need niya ng support at pagmamahal."
"Salamat, Doc."
Tumalikod na ako at kinausap ko ang magulang ni Diya at ang magulang ko.
⸻
Diya POV
Ang huling malinaw na alaala ko noong taon na 'yon isang gabi sa hospital room.
Pagod ako.
Masakit ang katawan ko.
May mga boses sa paligid.
Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari.
"Diya, you're safe," sabi ng isang nurse.
Huminga ako nang mabigat.
"Anong nangyari?"
May naghawak sa kamay ko.
Hindi ko agad nakita kung sino.
Pero pamilyar ang boses.
"Everything is okay," sabi niya.
Rafael.
"Where's...?" hindi ko natapos ang tanong ko.
Hindi ko alam kung ano ang itatanong ko.
Parang may kulang sa memory ko.
Parang may nangyari na hindi ko ma-connect.
"Rest first," sabi niya.
Pinikit ko ang mga mata ko.
Pagkagising ko kinabukasan—
iba na ang pakiramdam ng mundo.
Parang may nawalang bahagi sa pagkatao ko.
⸻
Rafael POV
Nakatayo ako sa labas ng hospital nursery habang nakatingin sa maliit na sanggol sa loob.
Anak ko.
Anak namin ni Diya.
Isang batang lalaki.
Tinawag ng nurse ang pangalan ko.
"Mr. Silva?"
Tumango ako.
"Healthy po ang baby."
Huminga ako nang malalim.
Pero may isang bagay na mas mabigat kaysa sa responsibilidad ng pagiging ama.
Ang katotohanang sinabi ng doktor kanina.
Lumapit si Dr. Veridiano.
"Rafael, we made a decision."
Tumingin ako sa kanya.
"Diya's mind cannot handle the emotional stress right now."
"What do you mean?"
Mahinahon siyang sumagot.
"For her recovery... we will not force her to process everything immediately."
Napakunot ang noo ko.
"Are you saying—"
"Yes."
Tahimik ang hallway at parang puputok ang ulo ko sa narinig umiiyak sa paligid ko ang magulang niya at ang ate Lianne niya nandoon rin si kuya Kael. Tahimik naman si Papa at nakatingin siya sa unang apo ng Silva.
"She may not remember that she gave birth."
Napahawak ako sa glass window ng nursery.
Sa loob, natutulog ang anak ko.
At sa kabilang dulo ng hospital natutulog ang ina niya na walang ideya na may anak na siya.
"Rafael, ilayo mo muna ang apo ko pero huwag mo naman ipagkait sa amin na makita ito habang lumalaki ayokong maging dahilan ito ng mas pag-alala ni Diya." sabi ng ina ni Diya umiiyak na lang tahimik lang ang asawa niya at ang anak niya rin.
"Yes, tita hindi ko naman ito ipagkakait sa inyo lalo na kay Diya." sagot ko.
Napag-desisyunan namin na ilayo ang anak namin at huwag ito ipakita kay Diya para hindi lumala ang sakit nito. Alam namin na babalik sa dati si Diya hindi ko rin ipagkakait sa anak namin na malaman kung sino ang ina niya gusto ko muna gumaling si Diya bago niya malaman ang tungkol sa anak namin.
⸻
Diya POV
Pagkalipas ng ilang araw, pinauwi ako ng hospital.
Sabi ng doktor kailangan ko lang magpahinga.
Sinunod ko 'yon.
Pero may pakiramdam sa loob ko na parang may kulang.
Parang may bahagi ng buhay ko na hindi ko maalala.
Isang gabi, tinawagan ko si Jean.
"Hey," bati niya.
"Hi."
"How are you feeling?"
Nag-isip ako sandali bago sumagot.
"I feel... better."
At habang nagsasalita ako sa kanya sa cellphone may imahe akong nakita isang sanggol na umiiyak.