Diya POV
Pagkapasok namin sa lumang opisina ng pamilya Silva sa Naic, parang may kung anong kumirot sa sentido ko na hindi ko maipaliwanag na para bang may bahagi ng katawan ko ang nakakakilala sa lugar kahit tumatanggi ang isip ko.
"Dito tayo noon," tahimik na sabi ni Rafael habang binubuksan ang ilaw at ang simpleng linyang 'yon ang lalong nagpalakas ng t***k ng puso ko.
Hindi agad nagsalita si Jean pero ramdam ko ang tensyon sa bawat hakbang niya sa likod ko para bang handa siyang kontrahin ang anumang maririnig.
Inilapag ni Rafael sa mesa ang isang makapal na brown envelope at dahan-dahang inilabas ang mga dokumento at nang makita ko ang pamilyar na pirma ko sa bawat pahina bigla akong nahirapang huminga.
"Hindi ito totoo, pwedeng may manipulation dito, may pressure, may undue influence." agad na sabi ni Jean mabilis ang boses halos desperado na ang boses.
"Walang peke, may video recording pa ng civil ceremony kung kailangan." sagot ni Rafael nang kalmado pero matatag.
"Video?" napaatras ako ng isang hakbang at doon nagsimulang manginig ang kamay ko.
Biglang parang sumikip ang paligid parang kulang ang hangin sa kwarto at ang mga letra sa papel naghalo-halo sa paningin ko.
"Diya, look at me, huminga ka." tawag ni Jean lumapit agad siya at hinawakan ang balikat ko.
Pero hindi ko magawa sa likod ng talukap ng mga mata ko may mabilis na flash ng sarili kong nakasuot ng simpleng puti walang ngiti, hawak ang bolpen at ang boses ng judge na nagsasabing, "Do you take..."
"Stop, please stop." bulong ko hawak ang ulo ko.
Hindi ko alam kung kanino ko sinasabi 'yon sa alaala ba o sa dalawang lalaking nakatitig sa akin ngayon.
"Umupo ka," sabi ni Rafael na mas malapit na ngayon ang boses niya pero hindi niya ako hinawakan para bang alam niyang isang maling galaw lang magpapalala sa sitwasyon.
"Hindi siya kasal," mariing sabi ni Jean na halos sumigaw na sa harapan namin.
"Hindi ito ang reality natin, Diya, hindi ganito ang plano natin."
Plano.
Ang salitang 'yon ang tuluyang nagpatigil sa paghinga ko dahil bigla kong naalala ang mga plano naming dalawa ang simbahan. Ang reception, ang apelyidong Martin na isinulat ko minsan sa notebook ko bilang practice.
"Jean...paano kung ito ang reality?" mahina kong sabi sa kanya at naramdaman kong may luhang bumagsak sa pisngi ko.
Tahimik ang kwarto matapos ang tanong kong 'yon at sa katahimikang 'yon ang narinig ko ang sarili kong paghinga na hindi pa rin maayos.
"Hindi ka nag-iisa, kahit ano ang piliin mo haharapin natin nang maayos." sabi ni Rafael na mas mababa ang tono.
Pero ang problema hindi ko alam kung alin ang haharapin ko ang lalaking minahal ko nang labintatlong taon o ang lalaking legal na may karapatan sa buhay ko.
—
Jean POV
Hindi ako naniniwala sa papel na 'yon kahit ilang beses ko pang makita ang pirma niya, dahil kilala ko si Diya kilala ko ang paraan ng pagtawa niya kapag kinakabahan ang paraan ng pagngiti niya kapag sigurado siya sa isang desisyon at hindi kasama sa pagkakakilala ko sa kanya ang pag-aasawa ng iba.
"May breakdown siya noon, so paano mo masasabing may full consent 'yon?" sabi ko kay Rafael hindi ko na napigilan ang sarili ko.
Hindi siya nagtaas ng boses at 'yon ang mas nakakapikon.
"May psychiatrist report na nagsasabing stable siya the day of the signing."
Pakiramdam ko sinasakal ako ng mga salitang 'yon parang may buong sistemang pumapabor sa kanya.
Lumapit ako kay Diya at hinawakan ang magkabilang pisngi niya.
"Tingnan mo ako, please...hindi ito ang katapusan lalaban tayo."
Pero sa mga mata niya hindi ko na makita ang malinaw na kumpiyansa na dati kong sandalan may halong takot at pagkalito na hindi ko kayang alisin sa kanya.
"Jean," mahina niyang sabi at doon ako unang natakot na baka hindi lang dokumento ang kalaban ko kundi ang sarili niyang alaala.
Hindi ako susuko sinabi ko sa sarili ko kahit pa kailangan kong kwestyunin ang buong sistema para lang patunayang hindi siya dapat nakatali sa lalaking ito.
—
Rafael POV
Pinipigilan kong makialam nang sobra habang pinapanood ko silang dalawa dahil alam kong anumang maling salita ko ngayon magmumukhang iba sa kanila.
"Hindi ko hiniling na mangyari ito sa ganitong paraan, pero hindi ko rin itatanggi ang responsibilidad ko." sabi ko sa wakas ng diretso kay Jean.
Tumingin ako kay Diya at sa paraan ng paghawak niya sa mesa para hindi matumba malinaw na hindi ito simpleng shock ito ang pagbabalik ng isang sugat na hindi pa tuluyang gumagaling.
"Kung gusto mo ng abogado, may kilala akong hindi konektado sa pamilya ko para walang conflict of interest." sabi ko sa kanya nang maingat at huminga ako.
Bahagyang napataas ang tingin niya sa akin.
"Bakit mo ako tinutulungan?"
Dahil mahal kita, gusto kong sabihin pero hindi 'yon ang tamang oras.
"Dahil asawa kita, at ayokong maramdaman mong nakulong ka sa isang desisyong hindi mo naiintindihan." sagot ko sa halip at hindi ko binawi ang tingin ko.
Sa sandaling 'yon, nakita ko ang panic sa mga mata niya na unti-unting napapalitan ng isang mas mapanganib na emosyon ang pagnanais na malaman ang buong katotohanan kahit masaktan pa siya.
At alam kong kapag nagsimula na siyang maghukay hindi lang ang nakaraan ang mabubunyag kundi pati ang mga damdaming matagal ko nang tinatago.
—
Diya POV
Hindi agad nawala ang paninikip ng dibdib ko kahit nakaupo na ako at habang nakalatag sa harap ko ang mga dokumentong may pangalan ko at pangalan niya pakiramdam ko hinuhusgahan ako ng sarili kong sulat-kamay.
"Gusto kong makita ang video," sabi ko bigla kahit nanginginig pa ang boses ko dahil kung may makakapag-patunay kung ako nga 'yon, 'yon ang tanging hindi kayang manipulahin ng isip ko.
Nagkatinginan sina Jean at Rafael at sa pagitan nila may tahimik na digmaan ng prinsipyo at pagmamay-ari na ako ang sentro.
"Sigurado ka? Baka mas lalo ka lang masaktan." tanong ni Jean sa akin halos pakiusap.
"Mas masakit ang hindi ko alam," sagot ko at doon ko naramdaman ang kakaibang tapang na sumisingit sa gitna ng takot.
Tahimik na inilabas ni Rafael ang isang maliit na external drive mula sa drawer ng mesa at ikinabit 'yon sa lumang laptop na nasa gilid at sa simpleng pag-click niya parang binuksan niya ang pinto ng nakaraan.
Nang magsimulang tumugtog ang mahinang audio ng recording narinig ko ang boses ng civil registrar—pormal at walang emotion at doon ko nakita ang sarili kong nakatayo sa harap ng mesa maputla, payat at tila pagod na pagod.
"Do you, Diya Sharma..."
Napahawak ako sa dibdib ko habang pinapanood ang version ko na tumango hindi masaya hindi umiiyak, kundi parang nag-desisyon na wala nang ibang option.
"Stop it, hindi mo kailangang tapusin 'to." biglang sabi ni Jean tumayo at hinarangan ang screen.
"Umalis ka sa harap," sabi ko sa kanya ng mas matigas na ang tono ko ngayon dahil kung tatapusin ko ang laban na ito kailangan kong makita hanggang dulo.
Sa video, narinig ko ang sarili kong boses mahina pero malinaw—nagsasabing "I do," at sa sandaling 'yon parang may nag-click sa loob ng ulo ko.
May isa pang flash ang kamay ni Papa na mahigpit ang hawak sa akin bago ako pumasok sa opisina at ang mahinang bulong niya na "Para sa pamilya."
Napapikit ako at ang mga luha ko hindi na dahil sa panic kundi dahil sa pag-amin sa sarili na pinili ko 'yon noon kahit sa ilalim ng takot.
"Pinili ko, ako ang pumirma." mahina kong sabi hindi ko alam kung para kanino.