Shara Pov: Takang-taka pa din hanggang ngayon kung paano nila napagplanuhan ang pampaprank sakin. Bukod sa naniwala talaga ako ay kapanipaniwala naman talaga. Pero nalinawan naman na ako pag kauwi namin galing sa outing. Kinuwento sakin lahat ni Gwen buong byahe. Kaya pala nung kumain kami sa canteen ay naunang umalis ang dalawa ni Sevix at Yanson kasi mayroon silang pag-uusapan. Nagtapat si Yanson kay Sevix na mahal ako ni Yanson at sinabi pa nito kay Sevix na kung sasaktan lang ako ni Sevix huwag niyang kakalimutan na nakaabang lang si Yanson at handa akong saluhin. Nagkaayos na pala sila nang araw na yun. Nalaman ko din na si Yanson talaga pala ang nagpakana nang selos prank na talaga naman effective. " Shara, sweety. Nandito si Sevix!!! ". Tawag sakin ni Mommy. Madali akong bumaba

