[Chapter 1]: Introduction
Shara Pov:
(Cringggggggg*) maingay na pagtunog ng alarm clock sa bandang ulunan ko. Am-bwiset aman kitams natutulog pa e! " Shara Gising na!!!!!! ". Sabayan pa ng sigaw ng mga kapatid mong dinaig pa ang alarm ko sa ingay na hatid nila. Hindi naman ako binge para hindi marinig ang tunog ng alarm clock ko e. Di na nila kailangan lumunok ng mega phone para maging substitute sa alarm clock ko. Enough nang ito nalang ang gumigising sakin kesa mga boses nilang di kagandahan.
Medyo may pagka maldita ba ako? Well hindi naman actually na maldita ako. Let just say na sosyalerang babae lang talaga ako. Class and Elegant. May kaartihan sa katawan at aminado ako dun sa mga ugali kong yun. Diko ipagkakaila. Lumaki kasi akong sunod sa layaw so anything I want is sinusunod nila Mommy except with my three brothers lalo na kay Kuya Shanon at Kuya Shonie, gosh their are so strict na pasalamat nalang ako di namana ni Kuya Shekel.
But that Shekel is so damn nakakabasag mood palagi. Paano sa lahat ng kalokohan niya lalo na kapag may topak siya e ako ang trip na pagtripan. At parati niya akong kinukulit o inaasar. Pero kahit na ganiyan sila sakin syempre naman laloves ko mga Kuya ko. Kahit pa nag iisang babae ako. Sayang lang at di na ako nasundan pa. Nag-iisa nga lang tuloy akong babae. At aaminin kong mahirap na puro lalaki ang kapatid mo. Super nakakastress.
Mabuti nalang kamo mayroon ng dumating na bagong part ng family. Si Ate Ashrana, yung wife ni Kuya Shonie. Yep! Two years ago ng maikasal sila. Ngayon nga e malaki na din yung baby nila na si Sharaneya! One year old na ito. Ang cutiiieee pamangkin ko. Isinunod nila yun sa pangalan ko kasi makahawig daw name nakin ni Ate Rana. Sweet nga nila e. Una palang gusto ko na si Ate Rana para kay Kuya kasi alam kong alam niyo na si Kuya Shonie e slight bekie at slight straight guy.
Bilib nga ako kay Ate Rana kasi napabalik loob niya si Kuya Shonie na sana magawa ko din. Kanino? Secret muna yun. Di pa din naman kasi ako nagpapakilala e. By the way I'm Sharana Valtocris the one only Princess of Valtocris Clan. The famous Clan who owned of Queen Margarita Hotel. I'm 18 years old and I am in senior high school now. Grade 12 student. Graduating na at magka-collage na next school year.
I'm studying at Emanuel State Academy or should I say E.S.A. " Good morning Swetie! ". Masiglang bati ni Mommy sakin. She was seating in front of our dining table, eating breakfast with my mesmerizing brothers but then Goddess. Kasi kung sasabihin kong mga pangit sila edi parang sinabi ko na din pangit ako. Like hello! Iisa lang nananalaytay na dugo samin.
" Good morning sweetie, come here and join us! ". Sambit ni Daddy. Naupo ako malayo sa tabi ni Kuya Shanon at Kuya Shekel. Wala si Kuya Shonie kasi noon palang bumukod na siya samin. But then nauwi pa din naman siya dito kapag minsan na dadalaw sila ni Ate Rana kasama si Sharaneya. Ayaw ko silang katabi, lalo na si Kuya Skehel. Madali kasi talaga niyang nasisira ang araw ko kaya nagiingat lang ako.
" How's your sleep sweetie? ". Interview ni Mommy sakin. I don't know why, bakit kada umaga need nilang itanong yan sakin. Kapag di si Mommy ang magtatanong si Daddy o di kaya si Kuya Shanon or Kuya Shonie. " Fine po! ". Matipid kong sagot. Saka kumuha ng isang piraso ng hotdog and bacon plus egg sandwich and milk. Yep! Di dapat mawala sa breakfast ko ang milk.
" Good! ". Tugon ni Mommy saka sumubo ng pagkain. Ako naman e nag umpisa na rin kumain. Wala kaming pasok ngayon kaya tambay ako dito sa bahay. Today was Sunday at tomorrow pa ang school namin. Kakatapos ko nga lang gawin yung project namin sa Calculus e. Easy lang naman yun, all we have to do is to create some drawing na dapat makikita mo ang circles and other shapes and then at dapat alam mo ang iba't-ibang sukat nito. My solution pa nga hinihinge kaya medyo nakakangawit mag sulat but I already finished it within fifteen minutes.
" By the way Shanon. Did you already get the deal with your Tito Shervie? ". Pag iiba ni Daddy sa usapan. Tito Shervie Ezadera was the owner of the Food source company plus his eldest Son Shedryll was the most top prominent and best Agent in the society. You know. Nagmamay-ari sila ng isang agency na katulong ng mga pulis and swat para pumuksa ng masasama. You know what I mean.
" Yes dad! I got the deal. He already said Yes ". Sagot ni Kuya. Yan diyan magaling si Kuya Shanon. Sa negosyo, well madami naman branch ang Queen Margarita in and outside the country at si Kuya Shonie nga ang nag mamanage sa isa sa mga branch dito sa Philippines. Yung pinag-uusapan naman nila ngayon is source of food para sa mga hotels namin kaya nakipag deal sila sa company ni Tito Shervie. Close friends ni Daddy si Tito kaya Close din kami sa mga Ezadera. Close na Close.
" Good! good! ". Sambit ni Daddy at proud nanaman siya kay Kuya kasi parati nalang nitong nakoclose ang deal. " Kaya kayong dalawa ayusin niyo pag-aaral niyo lalo ka na Shekel! You're grades not bad at all but try to improve it more! Gayahin mo ang mga kapatid mo, di nawawala sa deans list ". Pagbabaling na ni Dad kay Kuya Shekel. Diba naikutan niya kaming lahat. Wala talagang nakakalampas kay Daddy e.
" Dad I'm on a deans list. And I'm always on it ". Depensa ni Kuya. Tumango-tango si Daddy. " Oo Deans list, parati kang napapadean dahil sa mga kalokohan mo! ". Wika ni Dad na ikinatawa namin maliban kay Kuya Shekel na umasim na ang mukha. Sa malamang napahiya nanaman siya kaya ganiyan. E kasi naman puro kalokohan sa buhay pero aminado akong matalino si Kuya di lang talaga siya mahilig mag-aral.
" Tsk. Top 5 nga ako ngayon e! ". Rinig kong bulong ni Kuya Shekel na narinig din siguro ni Kuya Shanon kasi pareho kaming nakatingin sa kaniya ngayon. " Dad I'm sure Shekel will be on number one spot soon. Let just wait for his turn ". Pagpapalubag loob ni Kuya Shanon sa sinabi ni Dad. Tiyak na kikimkimin nanaman ni Kuya Shekel ang sinabi sa kaniya ni Daddy. Hindi na sumagot pa si Dad at nagpatuloy na kaming lahat sa pagkain.
After the breaks fast ay umalis na din si Daddy, ganun din si Kuya Shanon. Syempre work! work! work! na ulit siya ako naman naiwan dito sa bahay kasama si Mommy at Kuya Shekel na nagkukulong na nga ngayon sa kuwarto niya. Spending his time playing instruments and listening music. Well yan naman talaga fashion ni Kuya ang music. Honestly idol niya nga si Clexx Mathrix Quirrez ng HOTspot guys na minamanage ni Kuya Shonie.
Ako naman e nagpapaka ubos oras dito sa math quiz app ko. Na paulit-ulit nalang ang mga tanong kaya halos mamemorize ko na din. Simpleng algebra at geometry lang naman ang nandito e. Mayroon ilang calculus but it's too basic. Ni di sumasakit ang ulo ko sa pagsasagot.
(Ding-dong* Ding-dong* Ding-dong*) tatlong magkakasunod na tunog ng door bell namin dito sa bahay. " Manang makikicheck nga kung sino! ". Utos ni Mommy kay Manang. " Opo Ma'am ". Madaling binuhay ni manang ang tv screen to check kung sino ba ang bwesitang gumagambala sa mga tahimik naming buhay. " Ma'am isa po sa mga Ezadera. Baby girl! Si Sevix mo andiyan! ".
Mabilis na umigting ang mga tenga ko sa sinabi ni Manang. Napabalikwas ako sa pagkakahiga sa sofa at agad na lumapit din sa harapan ng 13 inches na flat screen tv namin dito sa sala. " Talaga Manang! ". Diko makapaniwalang tanong sa kaniya. Todo ngiti sakin si Manang para mahawa ako. Yung walang ganang buhay ko kanina nagkaroon ng sigla!
" Yiiiieee Manang nandiyan nga siya! ". Tuwang-tuwa ko sa kilig na inaalog-alog pa si Manang. " Ikaw ha, basta usapan Sevix ang bilis mo.... talagang crush mo siya anu? ". Dahil si Manang ang personal maid ko simulat sapol na bata pa ako e Close na Close kami kaya alam din niya ang lahat sakin at pati na din ang nagpapatibok sa puso ko. Walang iba kundi ang gwapong nilalang na nakikita ko ngayon sa screen ng tv. Si Sethrevix Gaizon Ezadera. Ang nag-iisa at siya lang na ultimate crush ko........
My Sevix!!!