Shara Pov:
"As Long As You Love Me"
by: Backstreet Boys
Although loneliness has always been a friend of mine
I'm leaving my life in your hands
People say I'm crazy and that I am blind
Risking it all in a glance
And how you got me blind is still a mystery
I can't get you out of my head
Don't care what is written in your history
As long as you're here with me
I don't care who you are
Where you're from
What you did
As long as you love me
Who you are
Where you're from
Don't care what you did
As long as you love me
Sinadya ko talagang iplay ang song nang Backstreet boys. Kagaya sa sinasabi sa lyrics ng song wala akong pakealam kung sino pa siya o kung anu pa man si Sevix. As long as gusto ko siya masaya ako. Tanggap ko kung anu pa man siya.
Abala ako sa pagmamasid kay Sevix habang kausap niya lang naman ang maganda kong Mommy. Nasa kitchen silang dalawa pero tanaw ko si Sevix mula dito sa pagkakaupo ko sa sofa. Hinihintay kasi niya na bumaba si Kuya Shekel, as usual di niya ako pinapansin. Always naman e. Deadma lang talaga ako sa kaniya. Paano alam niyang crush ko siya at di ko ikakahiyang sinabi ko yun sa kaniya one time. Talaga umamin mismo ako sa kaniya. Di na ako nakatiis e. Natakot kasi ako na maunahan pa ng iba.
Kaso di nga ako naunahan ng iba ayaw pa din niya sakin. Obvious na ayaw sakin at hindi niya ako gusto dahil hindi kami talo. Sevix was a gay, as in gay. Beki, baklush, bading, homo etch. Basta binabae siya pero kahit na ganun crush na crush ko pa din siya at wala akong pakealam kung ganiyan pa siya.
Actually sa kanilang magkakapatid siya lang ang bakla. Ewan ko ba kung bakit. Straight naman yung dalawa niyang Kuya then si Ate Seri naman babae syempre dahil apat sila tatlong lalaki isang babae. Nagkagulo siguro ang mga cell at bigla nang nagcombined kaya iba ang naging mixtured niya. At ayan nga e naging bakla.
But then malakas ang fighting spirit ko na balang araw luluhod ang mga bakla ay tala pala at babaliktad din ang mundo ni Sevix. Magigi ulit siyang lalaki at his destined to be love with me. So obsessed na ba? haha di noh crush na crush ko lang talaga siya. Since mga bata pa kami. Wala na akong ibang naging gusto pa man at kinabaliwan maliban sa kaniya.
Magkababata kasi kami at best friend siya ni Kuya Shekel kahit na gay pa man siya. No issue naman na ngayon ang gender e. Kaya tanggap na tanggap siya ni Kuya Shekel lalo na ako. Noon pa man deadma na ako kay Sevix, ni di niya magawang mapansin ako puwera na lang kung manghihiram siya ng Barbie doll sakin.
Napapansin niya lang ako kapag may mga bago akong Barbies or doll house na nagugustuhan niya din kaso noon yun at iba na ngayon. If before napapansin niya pa ako dahil sa mga laruan ngayon wala na talagang tengga na ako at etchapuwera sa kaniya. Minsan naman mapapansin niya ako dahil uutusan siya ni Kuya Shekel.
Malaking pathank you ko na lang yun Kay Kuya dahil kahit papaano e tinutulungan niya akong mapansin kahit minsanan lang ng bestfriend niya.
" Good to see you here Sevix! Mabuti at napadalaw ka.... mamaya lang din bababa na yun si Shekel. Pinatawag ko na ". Wika ni Mommy. Pinapanuod ko lang talaga sila at gustuhin ko man umextra ay alam ko ng dedeadmahin lang din ako ni Sevix. Wala din naman kasi akong ichichika maliban sa feelings ko para sa kaniya hehe.
" Okay lang po Tita, tsaka Tita naman trixie nalang po. Masyadong nakakastraight yung Sevix e! ". Pabebe niyang tugon kay Mommy. Nakakairita ang pagkabakla niya. Lalo na yung trixie na name niya. Mas maganda pa name ko tsaka bagay naman sa kaniya yung Sevix ah! Hot nga ng dating. Parang siya Hot at cute. Tall and handsome pa, tapos matalino. Magaling siya din siya sa Math that's why I love math. Masuwerte nalang ako kasi same kami ng favorite subject at puwede namin pagkasunduan pag-usapan yun sa oras na pansinin niya na ako.
Subsob ang mukha ko sa phone ko habang nakatutok ang camera nito sa kaniya. Palihim ko lang siyang kinukuhaan ng littato. Usually ko na itong ginagawa actually hobby ko na kuhaan siya ng pictures stolen shots, tapos iwowallpaper ko. May sarili nga siyang folder mismo sa bawat gadgets ko e tapos may mini photo album pa niya ako sa kuwarto ko na itinatago ko lang. Walang nakakaalam nun kundi ako lang. Tsaka may isa siyang painting ng mukha niya sa kuwarto ko din at nakadisplay siya mismo sa ulunan ng kuwarto ko.
" May perfect shot na ba? ". Nagulat ako sa nagsalita sa tabi ko kaya nabitawan ko ang phone ko mabuti nalang sa sofa din mismo ito nalaglag. Bigla nalang kasi nasulpot itong si Kuya Shekel and as usual sinadya niyang gulatin ako. Pinagsingkitan ko siya ng mga mata na samantalang siya e tinawanan lang niya.
" Kinukuhaan mo nanaman ba ng picture si Sevix? ". Tanong niya. Nanlaki ang mga mata ko. " Hindi nu! Bakit gagawin yun. Di naman siya artista ". Giit ko. Sabay kagat sa labi at iwas ng tingin sa kaniya. Narinig ko na tumawa siya ulit ng mahina. " Shara diba sabi mo ta--- ". Diko pinatapos ang sasabihin niya. Agad ko itong siningitan. " Alam ko Kuya. No need to remind me okay! I'm over with him! ". Inirapan ko siya sabay pout.
" Okay! pinapaalala ko lang sayo ". Sambit niya pa bago ako iwan mag-isa dito sa sala. Pumunta na kasi siya sa kitchen kung nasaan si Sevix at Mommy. Mabilis siyang sinalubong ni Sevix at nag bro shake hands silang dalawa. Mas lalo akong napapout sabay buntong hininga at halumbaba dito habang tinatanaw sila na masasayang nag-uusap.
Para akong loner dito kahit di naman. Kasi naman e bakit di kami close na close ni Sevix. Puwede naman Close niya din ako. Tapos di niya pa ako pinapansin. Lulalim pa lalo ang pagbuntong hininga ko. Kesa mainggit kina Mommy e tinignan ko nalang ang phone ko sabay ngiti mag-isa habang pinagmamasdan ang mga pictures ni Sevix na kakakuha ko lang ngayon. Sinelect ko ito lahat at sabay move sa folder niya. At ang folder name is " My Sevix ".
While viewing all Sevix pictures here on my phone di mapigilan ng puso ko na magbunyi sa tuwa sa sobra-sobrang pagkacrush ko kay Sevix. Nagtatatalon ito ngayon at ramdam na ramdam ko. Palala na ng palala ang nararamdaman ko para sa kaniya. Talaga ngang crush na crush ko na si Sevix at hindi na biro ito.
" Sevix ko, pansinin mo na ako! ". Pakikipag-usap ko sa gwapo at Hot na picture ni Sevix na nakapop-in ngayon sa screen ng phone ko. He was wearing polo white pero naka unbutton lahat para iluwa ng damit niya ang perpektong hubog ng pangangatawan niya. Bakla siya pero mayroon siyang anim na pandisal sa tiyan niya at napaka ganda din ng V line niya tapos yung triceps at biceps niya. Umoooh! So damn attractive niya. Waaah. Paanong di ako mapofall sa kaniya e ang mapang-akit niya kahit sa mga poctures lang.
Nilingon ko si Sevix ngayon yung orihinal na Sevix. Tumatawa siya sa maarting babaeng way. Nakapilantik ang mga daliri at pabebeng nakatakip ang kamay sa bibig kasi nga natatawa siya. Umismid ako sa nakikita ko. Ang laking hallucination ng picture niya dito sa phone ko na akala mo e ambassador ng brief sa magazine kumpara sa nakikita ko ngayon na dinaig niya pa ang dalagang Pilipina.
Mabuti ng ang alam ni Kuya Shekel e over na ako kay Sevix. Pero ang totoo I can't get over with him. Mas lalo pa ngang lumalala pagkaka-crush ko sa kaniya e. Pero syempre akin nalang yun. Kasi ayaw na ni Kuya Shekel na magkagusto ako sa bestfriend niya. Sabi niya kasi bakla si Sevix at ang bakla ay bakla. Tsaka bestfriend niya daw yun kilala niya kaya malabo na talagang maging lalaki si Sevix. But I don't believe him.
Kung nagawa ni Ate Rana na gawing straight ulit si Kuya Shonie ibig sabihin may pag-asa pang magawa ko din Straight si Sevix. Basta need ko lang na maniwala at talagang naniniwala ako itaga ko pa man sa bato na magagawa kong lalaki ulit si Sevix and I'll make sure na mapofall din siya sakin pabalik...........
Humanda ka Sevix Ezadera!