Shara Pov: " Girl pakisabi naman kay fafa Yanson libre din kami oh! ". Tignan mo itong si Naomi. Nahihiya na nga ako sa tao dahil araw-araw nalang akong nililibre sa lunch at meryenda ko. Tapos hatid sundo pa ako. Ang laki na ng natitipid ko dahil kay Yanson. E kasi naman si Yanson kahit tanggihan ko sige pa din. Kaya wala na rin akong nagagawa kasi bago pa ako makaangal nandiyan na sa harapan ko ang food at bayad na. So no choice na talaga ako kundi kainin ito kesa masayang. " Shhhh Naomi, tumigil ka nga! Nakakahiya kay fafa Yanson. Hindi ikaw ang nililigawan niya kundi si Shara! ". Suway ng pinaka maingay na kaibigan namin si Dana. Nagsalita nanaman po siya sa wakas after many weeks haha. " Hindi okay lang! Sige libre ko kayo. Anu ba gusto niyo! ". Tanong ni Yanson. Tinignan ko siya

