[Chapter 17]:t****k

1853 Words
Shara Pov: (Cring* Cring* Cring*) Tunog ng alarm ko sa phone senyales na malelate na ako sa training namin ngayon. Kahit anung agap ko ay nalelate pa din ako kasi inabot kami ng traffic kanina. Naka high waist shorts lang ako with matching off shoulder sa pang-itaas. Para siyang tsub na kita ang dibdib ko at colar bone hanggang balikat. Pasexy syempre kasi need papansin kay Sevix haha chour hindi utos ito sakin ni Ara. Gusto niya akong makita na suot ang mga pang pormahan ko na outfit. Dapat nga mag dress lang ako kaso si pinapalitan ni Ara. Magkachat kasi kami kanina at send pic send pic lang nagkakaintindihan na kami. Kaya natagalan din ako dahil kakailan palit ng damit    ko kanina. I'm wearing shoes pa naman kaya nakakatakbo pa ako ng mabilis. Daig ko pa laging nag jogging pag pumupunta dito sa music room. Tagaktak kasi talaga ang pawis ko. Mabuti nalang hindi ako nagmumukhang hagard. Fresh pa din ang look ko at hot haha. This our third day nang training, dalawang araw nalang at tapos na ang training session ko. Two days nalang din at di ko nanaman makakasama si Sevix. Nakakalungkot lang kasi mayroon hangganan ang kaligayahan ko. Hindi ba puwedeng for life nalang na makasama ko si Sevix? Debale susulitin ko nalang ang mga natitirang araw ko kasama siya, mamamatay lang ang peg haha. Supla puwera bati hehe. Pagod na pagod akong huminto muna sa tapat ng pintuan nitong Music room. Nagpahinga muna ako ng ilang sandali bago pumasok mismo sa loob nito. Kaso pagkapasok ko kusang napaawang ang bibig ko saking naabutan. Wala pa si Ara pero nandito na si Sevix. " Asan si Ara? ". Paghahanap ko kaagad kay Ara kesa batiin si Sevix. Attitude lang ako haha Sorry na. Maagap kasi ang baklang yun kumpara sakin. Actually lagi silang sabay nitong lalaki na nasa harapan ko, busy nanaman sa kakacellphone while sitting pretty at naka upong mayaman pa. Pumipilantik ang mga daliri niya habang nakahawak sa phone niya. Napangiwi ako dito sa gilid niya na kitang-kita ang kabaklaan niya. Hindi ba puwedeng kapag kami ang magkasama magpakalalaki siya. Kahit sandali lang. Nakakaalibadbad na din kasi. Alam niyo yun? Kung puwede ko lang siyang kaladkadin sa boxing ring nang mabuhay ang p*********i niya gagawin ko, kaya lang di naman kami close at malabong mangyari na maging close kami dahil nga nilalayuan niya ako, inisnub ang beauty higit sa lahat ayaw niya sakin period. " May nakikita ka? ". Pamimilosopo pa ng bakla. Kung diko lang talaga siya mahal baka nangudngod ko na siya diyan sa phone niya. Ammbwiset na bakla. Inirapan ko siya tapos make face. " Wala pa naman pala si Ara alis muna ako! ". Iritado kong paalam sa kaniya. Walang kuwentang kausap. Bukod kasi sa bakla na e napaka pilosopo pa. Manigas diya diyan mag-isa tutal di din naman siya papayag na kami lang dalawa ang nandito at magkasamang naghihintay kay Ara. Aalis nalang ako. Ako na ang mag aadjust para sa kaniya. Tumalikod na ako sa direksyon niya at hahakbang na papalabas ng music room nang hawakan niya ako sa braso ko at hiklasin papabalik at isinandal niya pa ako sa pintuan at dito ay kinorner niya ako gamit ang mga braso niya. " Where did you think you're going? ". Husky na tono ng pananalita niya. Napalunok ako sa sobrang lapit ng mukha niya sakin. Sh*t nakakailang ang posisyon namin. Amoy na amoy ko ang hininga niyang amoy mentol tapos yung pabango niyang amoy candy ang sharap parang siya ang sharap haha. Landi Shara ha. Nakatingin lang siya sa mga mata ko. Ako naman ay hindi ko alam kung saan ba ako titingin. Sa mata niya sa labi niya, naiilang ako. Sa mata niya nalang ako tumingin pero talagang nakakailang ito. Nakangisi ang labi niya para kumalabog bigla ang dibdib ko. Sana di niya yun naririnig sa sobrang lapit sakin. " A-anu, b-balik muna ako sa room. W-wala pa naman si Ara e. Tsaka alam kong di ka kumportable na nandito ako at tayong lang dalawa kaya aalis nalang muna ako. Babalik nalang ako kapag andito na si Ara! ". Paliwanag ko with matching nangangatal. Sinong hindi mauutal nitong sobrang lapit niya sakin. Ikaw ba kapag nilapitan ka ng crush mo makakapag isip at makakapagsalita ka pa ba ng maayos, syempre dadaloy ang kilig at kaba sa buong katawan mo. At ganiyan nga ang nangyayari sakin ngayon. Sa pagaakala kong mag stay siya sa ganitongsa posisyon lang ay lumayo na siya sakin. Umayos ng tayo ako naman nakahinga na ng maluwag. " Huwag ka ng umalis parating na din si Ara. Dito ka nalang. Huwag mo nalang akong kausapin at pansinin para di ako mailang ". Ani niya at tinalikuran na ako. Iniwan niya akong nakasandal pa din sa pintuan. Umupo na ulit siya at nagpaka busy sa pagcellphone. Kesa maabutan pa ako ni Ara dito sa pintuan ay naupo nalang din ako may kalapitan sa bangko ni Sevix. Lutang parin ako hanggang ngayon dahil sa ginawa ng lalaking ito. Sinunod ko din ang sinabi niyang huwag siyang kausapin kaya nananahimik lang ako dito sa isang tabi. Kunting-ting ng cellphone. Na hindi niya alam ay siya ang inistalk ko. Iniinamgine ko nalang na magkausap kaming dalawa. " Shara! ". Napatalon ako sa kinauupuan ko ng tawagin niya ako sa name ko. " H-ha? ". Bakit palagi akong nauutal kapag kausap siya. Bwiset na dila ito bumabaluktot kapag si Sevix ang kaharap. " Hawakan mo ito! ". Utos niya saka inabot sakin ang phone niyang may case na pink. Shems! Over na sa kabaklaan itong si Sevix ah. Lahat nalang ata ng gamit pink. Bago pa ako makaangal ay nailagay na niya sa kamay ko ang phone niya. " Anung gagawin ko dito? ". Tanong ko sa kaniya. Hindi niya ako sinagot bagkus tumayo siya sa harapan ko na may layong ilang dangkal. Tumindig siya tapos itinuro ang phone niya. " Kuhaan mo ako ng video. Kapag sinabi kong pindutin mo, pindutin mo okay? ". Utos niya. Tumango nalang ako kahit di ko pa magets kung bakit pinapagawa niya ito sakin. Nakaplay ito us t****k video which means magtitiktok recording siya. Ginamit niya pa talaga ako para lang sa t****k niya. Pinansin niya ako dahil lang dito? Okay na din atleast pinansin niya ako. " Game click mo na Ghurl!!! ". Sambit niya kaya iclinick ko. Masunurin akong bata e. Pagkapindot sa screen ng phone niya ay tumugtog kasabay nito ang pagsayaw niya sa harapan ko nang sexy hiphop at ang tugtog na nagplay ay bank again at habang kinukuhaan ko siya ng video ay hindi maiwasang mapatingin mismo sa kaniya hindi at nawawala ang concentrate ko sa phone niya. " Ghurl ulit, humihiwit yung hawak mo sa camera. Ayusin mo naman! ". Wika niya na ikinairap ko ng palihim. Siya nalang itong nakikisuyo siya pang may ganang magalit, nagapapavideo na nga lang nagrereklamo pa. Nakakangalay din kaya. Sinunod ko pa din naman siya kahit ang dami kong reklamo sa isipan ko. Gaya ng utos niya ay inayos ko na ang pagkakahawak sa phone niya. Pinilit ko nalang kontrolin ang sarili ko na huwag maakit sa nakakaakit niyang sayaw at  sa screen nalang mismo ng phone niya ko siya pinanuod.  Within 15 seconds lang din ay natapos ang music pati ang pagkuha ko sa kaniya ng video. Hinablot niya ng basta mula sa kamay ko ang phone niya. " Thanks! ". Walang tingin-tingin niyang pasasalamat sakin. Umupo na siya ulit sa tabi ko sabay tahimik na ulit. Apaka galing ng isang ito kapag kailangan e anu! Tsk. Ako naman sinusunod siya, laki ko talagang tanga.  Palibhasa mahal ko. Ganun siguro talaga kapag mahal mo gagawin mo ang lahat kahit magmukha ka pang tanga. Kainis din itong puso ko minsan. Nagpapakaalipin sa pagmamahal ko para kay Sevix. Pumaibabaw ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Nabasag lang ito nang sawakas ay dumating na din si Ara. Fresh na fresh ang aura ng Lola niyo na halatang napasarap ang tulog. " Bakla ang tagal mo, sobra! ". Reklamo ni Sevix kay Ara. " Sorry naman beks. Syempre need pang mag pa ganda anu para bongga ". Baklang explanation ni Ara. " Shara, Sis.... ay bongga. Sexy mo talaga kahit kailan. Diba Beks? ". Pareho kaming napatingin ni Ara kay Sevix at nakaupo lang at nasa cellphone parin  ang atensyon. Pinasadahan niya ako ng tingin, from head to toe back to head. " Uhmm ". Matipid nitong sagot na may kasamang tango. Dahil dun pagkaiwas niya ng tingin sakin ay sabay kaming kinilig ni Ara. Nagapir pa kami ngirit na ngirit sa kilig. " Pero mas sexy ako sa kaniya! ". Narinig namin bawi ni Sevix. " Wala na beks nasabi mo na haha ". Ani ni Ara. " So Anu practice na tayo? ". Ungkat ko para makapag start na din kami kasi sayang yung oras. Gusto ko pa man makipag kulitan kay Sevix kaso hindi ito ang purpose ko. Madami pa naman oras para kay Sevix sa ngayon e yung pageant muna. Nangako ako kay Ma'am Jana kaya dapat maipanalo ko ang laban na ito. Unti-unti ko nang nakukuha ang bawat lakad at post na itinuturo ni Ara. Ilang oras kaming walang pahinga at kapag nagkamali ay back to start agad para daw masanay ako ng masanay. Masasabi kong the best trainer itong si Ara kasi talagang puspusan siya tsaka may love siya fashion niyang ito. Bandang huli bago kami mag break ay hinayaan akong rumampa ni Ara mag-isa. At naperfect ko naman siya kaso nung patalikod na ako at babalik sa puwesto ko bigla nalang napaliay ang isa kong paa. Nawalan ako ng balanse sa pagtayo kaya ang tendency ay babagsak ako sa tiles but it won't happen. Narinig ko pang sumigaw si Ara sa gulat. " SISSSS!!!!! ". Sigaw niya. Sa takot ko ay napapikit ako, ngunit ni kirot o masakit ay wala akong nararamdaman ngayon. Sinubukan kong imulat ang mga mata at pagmulat ko bumungad sakin ang nag-aalalang ekspresyon ng mukha ni Sevix habang nakaalalay siya mismo sakin. Yakap-yakap niya ako habang nakatingla ako sa kaniya at siya ay nakayukong nakatingin sakin. Ilang segundo kaming nagpalitan ng tinginan dalawa. Yung heart beat ko kagaya ng dati bumilis sa pagtibok. Hindi ko mapigilan ang pabilis nito kahit di naman ako tumatakbo. " Ehem! ". Pagubo ni Ara dahilan upang matauhan kaming dalawa ni Sevix. Madali akong lumayo sa kaniya lalo na siya sakin but still nakaalalay pa din naman siya sakin. " T-thank you! ". Ngatal ko nanaman pagsasalita. Kinabahan kasi talaga ko plus yung moment pa namin dalawa. Iniiwas niya ang tingin sakin. Lumakad siya sa pintuan ng music room at bago tuluyang lumabas narinig ko pa na nagsalita siya. " Next time be careful! ". Sambit niya. Habol tingin lang akong pinanuod siyang lumabas ng Music Room. Nagpapahangin siya ngayon sa labas, sa corridor. Ako naman ay napahawak nalang sa dibdib ko at di pa din makapaniwala sa nangyari. Bahagya akong napangiti lalo na nung sinisiko-siko ako ni Ara dahil sa kinikilig siya. Sevix thank you for saving me!!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD