Palabas na ng Bachelor’s village si Marcus nang makasalubong niya si Roger na sakay sa motorsiklo nito na papasok rin sa lugar. Napahigpit ang hawak niya sa manebela sa isiping umalis ang dalaga dahil sa lalaking ito. Agad niya itong hinarang sa gitna ng daan gamit ang kan’yang sasakyan. “You asshole!” bulong niya nang makitang napamura ang lalaki. Kita niya ang inis sa mukha nito sa kan'yang ginawa. Walang anu-ano ay bumaba siya ng kotse at matapang na sinalubong si Roger na ngayon ay nagulat ng makita siya. Kasunod no'n ay nangunot ang noo nito. “What?” mariing sabi nito at namewang. “Can you please get your car out of my way?” seryusong saad nito. Bakas sa tono ng boses nito na sanay itong gumamit ng wikang Ingles. Mahina siyang natawa. Noong una pa lang itong pumasok bilang seky

