Walang sinayang na sandali si Marcus nang marating niya ang Police station. Agad niyang pi-na-play sa isang police ang kuha ng CCTV footage ni Christine. “Iyan boss oh,” sabay turo ng lalaki sa screen, “s*******n siyang hinila.” ani nito habang tinuturo ang dalaga sa screen. “Nakikita ko,” aniya. Napakamot naman sa ulo ang pulis sa tinuran niya. Umigting ang panga ni Marcus habang pinagmamasdan ang dalaga na walang kalaban-laban nang isalya ito papasok sa loob ng kotse. “May iba pa bang kuha?” tipid na tanong niya sa lalaki habang pigil ang sariling huwag magmura. “Yes, boss,” pinindot ng lalaki ang remote. “There, dumaan pa sila sa Grocery store.” anang lalaking pulis. Lahat ng footage kung saan dumaan ang kotse ay pinanood ni Marcus, at habang nakatuon doon ang paningin niya sa scr

