Pagkalabas ni Sylvester, naiwan akong nakatayo sa gitna ng kwarto, halos hindi makagalaw sa bigat ng mga nangyari. Ilang sandali pa, pumasok si Nana Liza, halatang nag-aalala sa ekspresyon ko. "Amanda, hija, ano'ng nangyari?" tanong niya agad, lumapit sa akin at hinawakan ang aking braso. Napatingin ako sa kanya, pero hindi ko agad mahanap ang mga tamang salita. Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat, pero masyadong magulo ang isip ko. "Nana Liza... he asked me to marry him," bulong ko, halos hindi ko naririnig ang sarili kong boses. Nanlaki ang mga mata niya. "Si Sylvester? Pero bakit parang malungkot ka, hija?" Napabuntong-hininga ako, ramdam ang bigat sa dibdib ko. "Kasi hindi ito ang tamang dahilan para magpakasal, Nana. He wants me to marry him dahil natatakot siya na hindi ko pa

