“Kleofe… Sylvester…” Lahat kami napatingin nang biglang may nagsalita sa likuran namin. It was Henry Spencer. Ang ama nina Jordan at Sylvester. Halos nakalimutan ko na rin na ama siya ni Sylvester, sa gitna ng tensyon sa pagitan namin at ni Mrs. Spencer. “Henry...” mahinang bati ni Mrs. Spencer, halatang nagpipigil ng emosyon, ngunit hindi maitatanggi ang pagngiti nito. Naglakad si Mr. Spencer palapit, dala ang isang mahinahong aura na parang kayang palamigin ang sitwasyon. He was always the more approachable one, the calm in the storm na kabaligtaran ng asawa niyang si Kleofe. "What's going on here?" tanong niya, nag-aalangan pero halatang curious. Agad kong itinago nang mas mahigpit si Silvia sa likuran ko, lalo na’t alam kong masyadong kahawig ng anak ko si Jordan. Ayokong mak

