"Amanda. Stay out of this," utos ni Jordan, pilit akong tinutulak sa likuran niya na parang may gagawing masama sina Sylvester at Nicole. Pero bago pa ako makagalaw, naramdaman ko ang isang malakas na hatak mula kay Sylvester, inilagay niya ako sa likuran niya, katulad ng ginawa ni Jordan kanina. Ang tensyon sa pagitan nila ay nagbabaga na, at hindi ko na natiis nang biglang... Isang suntok ang lumanding sa mukha ni Jordan. Napaatras siya, halatang nabigla sa ginawa ni Sylvester. "f**k you, Spencer! f**k you!" sigaw ni Sylvester, puno ng galit. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang sobrang protectiveness, para bang ako na lang ang natitira sa mundo niya. Napatili si Nicole at mabilis na tumakbo kay Jordan, hinahawakan ang panga nito. "Sylvester, ano ba!" sigaw niya, naguguluhan. Ngumi

