Sinamaan ko siya ng tingin habang kumakain ako ng chicharon. Balat ito ng baboy at talagang ginawa niyang kanina. Ultimo nga suka na sawsawan ko, siya rin ang gumawa. Kung tutuusin ay ayaw ko sanang tanggapin ang binigay niya kasi panigurado, maniningil na naman siya lalo na kapag naging paborito ko na naman. Kaya nga nag-stock na siya nang maraming balat ng baboy sa ref saka naipakulo, natimplahan at naiprito na niya iyon nang ilang minuto para kung mag-crave raw ako, ipapa-crispy na lang niya muli sa kumukulong mantika. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakaka-recover sa paniningil niya sa akin dahil umabot kami nang madaling araw kanina kakasingil niya sa akin. Kaya nakakainis talaga ang lalaking ito dahil sinasamantala niya ang pagiging marupok ko sa pagkain at pagiging buntis ko.

