Napamulat ako kaagad ng aking mga mata nang maramdaman kong para akong nahulog sa kung saan. Sinapo ko ang aking ulo nang makaramdam ako ng kirot sa aking sintido. "You’re awake?" Napalingon ako sa taong nagsalita na lang bigla at doon ko natagpuan ang nanlalaking mga mata ni Kazimir. Ngunit mabilis bumaba ang aking mga mata sa kaniyang braso nang makita kong may benda itong sobrang kapal. Wala siyang suot na damit. Literal na topless lang kaya mabilis nakuha ng atensyon ko ang kaniyang sugat. "Saan galing iyan?" nalilitong tanong sa kaniya. Unti-unti akong umupo para sana lapitan siya pero umiling lamang siya kaya natigilan ako sa pag-upo. "Natamaan lang ng bala," aniya. Nanigas naman ako sa aking narinig. Since when did he got shot? Wala akong matandaan. "Bala? Wala ka namang s

